"Ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo? Umupo ka muna at uminom ka ng gamot." sabi ko at agad naman siyang sumunod.
"Thanks, makaka alis ka na." gusto ko siyang sapakin nang sinabi niya na iyon.
"Ano kamo? Hindi mo ko pinapasok tapos papaalisin mo ko. Sa susunod, ang isang kagaya mo ay hindi ko na kaaawaan pa. Kaasar!" naaasar na sabi ko.
"It's a joke. Napaka serious mong tao, palibhasa puro aral ang laman ng utak." inaasar na naman niya ako.
"Bakit ka nilalagnat?" tanong ko.
" I don't know, hindi naman ako doctor. Kaya magpapa check up tayo ngayong araw. "nakangiting sabi niya.
"Sinong may sabi sayong sasamahan kita? Magpasama ka na lang sa iba dahil wala akong planong samahan ka."
"Come on, maawa ka naman sakin. I have a fever, hindi ko kayang mag isa. At may mga trabaho ang mga katulong dito, kaya nga hindi kita pinapasok para samahan mo ako sa kahit saan." wika nya.
"Ganito na lang, tatawagan ko si Jazmine. Para matuto na siya bilang asawa mo, siya ang mag aalaga sayo." sabi ko dahil ayokong lumabas kasama s'ya. Alam kong magkakaroon pa ng issue kapag lumabas kami.
"Dont tell this to Jazmine. Sigurado na pupunta dito 'yon, ang kulit kulit n'ya at nakaka irita siya. Sa totoo lang, ayoko s'yang maging asawa."
"Pero di ba sabi mo noon ikakasal kayo? Mukhang proud ka pa nga."
"Iniinis lang kita."
"Sa tingin mo nainis ako ro'n? Mas natuwa pa nga ako dahil crush ka ni Jaz at mapapangasawa ka niya."
"Hindi ka nagselos?"
"Huh? Baliw ka ba? Bakit ako magseselos?"
"In denial ka lang. Crush mo rin kasi ako." mahangin na sabi nito.
"Ang kapal mo rin, ano!? Saan mo naman napulot yan?"
"Naisip ko lang. Hindi imposibleng tama ang iniisip ko, pag nalaman ko talaga. Yari ka sa'kin."
""Yari ka sakin", "Lagot ka sakin", ewan ko sayo." pang-gagaya ko sa mga linya niya.
"Hey," sita niya.
"Naninibago ako sa'yo, ganyan ka ba talaga kapag may sakit o dahil may kailangan ka sa'kin kaya ganito ka?"
Hindi siya sumagot at nag iwas lamang s'ya ng tingin sa akin.
"Magpahinga ka na lang, baka lumala pa yang lagnat mo. Lagot ka kay Jazmine." dahan-dahan siyang humiga at kinumutan ko naman siya. At maya maya pa ay napuno na ng katahimikan ang kwarto.
Pinagmasdan ko ang picture na nasa tabi ng lamp niya. Mukhang siya iyon nung bata pa, isang cute na bata ang naroon sa picture.
"Liam?" boses iyon ni Mrs. Cong. Agad ko rin binuksan ang pinto.
"Tulog po siya." bulong ko.
" Oh, that's good to know. Nakakapagpahinga siya. Salamat sa pag-aalaga sa anak ko." She smiled at me.
"No worries po." pagkatapos ay lumabas na siya. Lumabas na rin ako dahil may gagawin pa akong activity.
"Liam?" it's evening now and I'm here in front of Liam's door because he needs to eat dinner.
He slowly opened the door and I entered.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?"
"Ayos lang, medyo wala na. Baka pwede na kong pumasok bukas."
"Mabuti naman. Kumain ka na," inabot ko sa kaniya ang noodles.
"Akala ko pa naman susubuan mo ko."
"Ayos ka naman na. Inumin mo ang gamot mo, huwag mong kakalimutan. Aalis na ko, inaantok na ko."
"Kumain ka na ba?" tanong niya na ikinagulat ko. Ang weird talaga niya ngayon.
"Oo, kumain na kami. Kaya kumain ka na rin at uminom ng gamot, matutulog na ko.""Goodnight, Gran."
"Walang good sa gabi ko pero goodnight Liam." sinarado ko ang pinto ng kwarto niya at nagtungo sa kwarto ko.
Sumalampak ako sa kama. Hindi ako makatulog dahil sa kaiisip ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko malaman at maipaliwanag ang nadarama ko. Parang ang weird na rin ng nararamdam ko.
BINABASA MO ANG
Love Departure (Doctors Series #1)
Teen FictionDoctors Series #1 Grandis Villarosa is an indigent woman whose dream is to become a doctor. Until he met Liandrei Ambrose Cong, the man was rich and did not want an indigent person like her. Has arrogant and unkind behavior. But gradually, Grandis f...