Second semester na ulit pero gano’n pa rin ang routine ko, paikot-ikot lang. Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Jazmine, simula noong huling confrontation namin ay hindi na kami nagkausap pa. Siguro kasi ay magkaiba na kami ngayon ng section at pakiramdam ko rin ay galit pa rin siya sa’kin. Simula noong nangyari yo’n, hinayaan ko na siya dahil alam kong sobrang naiirita na siya sa’kin. Pero aminado ako na miss ko na siya at kahit na gano’n, kaibigan pa rin ang turing ko sa kaniya.
Si Liam naman, maayos naman kami at walang pinagbago sa amin. Madalas pa rin kaming mag asaran at halos lahat ng oras na pag aasaran namin, siya ang panalo. Kaya kaibigan na rin ang turing ko sa kaniya, ewan ko lang kung ganoon din ang turing nya sa’kin.
"Hi Gran," Pumasok si Liam sa kwarto ko nang walang paalam pero sanay naman na ako. Ang idadahilan niya lang ay parte ng bahay niya itong kwarto ko at sigurado akong may kailangan na naman ito sa’kin.
"Ano na namang kailangan mo sa'kin?" tanong ko dahil alam kong may kailangan na naman siya.
"I didn't have enough time to do this so please, can I copy your assignment?" ngumuso siya at nagpa-cute pero hindi naman naging cute. Nakatayo sa harapan ko habang ako ay nakaupo at nakatingala sa kaniya.
"Lumayas ka na nga, pinakopya na nga kita kanina nung may seatwork sa Math. And I don't think wala kang time, tamad ka lang." inirapan ko siya.
"Please. It's too hard for me. I swear. Kung ikaw lang nasa kalagayan ko ngayon." pagmamakaawa pa niya.
"Palusot, tinatamad ka lang talaga gumawa. Lumayas ka na nga dito, please." tumayo ako para tulakin siya ngunit ayaw niyang magpatinag. Tinitigasan niya yung katawan niya na ikinairita ko.
"'di mo ko kaya, ’no?" pagmamayabang pa niya.
"Yabang mo naman Sir. Parang kaya mong gawin yung math mo ah." inirapan ko siyang muli.
"Sumuko ka na kasi, pakopyahin mo na 'ko. Minsan lang naman ako mag request sa'yo, Miss." umupo siya sa tabi ko.
"Wow, seryoso ka ba sa sinasabi mong “minsan lang”?" angil ko. Medyo nakakapikon na.
"Yup, minsan lang naman talaga ako mag request sa’yo ah." Pagde-deny niya pa.
"Sinong niloko mo, Liam?" tinaasan ko siya ng kilay.
Tinignan ko siya nang masama ng humalakhak siya nang malakas.
"Anong nakakatawa ha?" Hinawakan ko ang tainga niya at pinikot iyon.
"Ah aray! Ano ba?!" Pinagpapalo niya ang kamay mo kaya nabitawan ko iyon.
"Ikaw kase e, bakit ba kase sa'kin ka nangongopya? Marami namang iba riyan na puwede mong kopyahan." singhal ko naman.
"Ikaw yung malapit sa'kin eh, nakakahiya 'pag sa iba pa." wika niya.
"Hala! May hiya ka pala.." sarkastiko kong tugon.
"Ganiyan ka ah. Hindi na ikaw ang Grandis na nakilala ko." sinamaan niya ako ng tingin.
"So sa'kin wala kang hiya, gano'n?" tumaas ang isang kilay ko.
"Dapat ba?" tumawa na naman siya. Anong nakakatawa? Parang ang saya niya lagi. Tuwang tuwa kapag naaasar ako.
"Bakit hindi ka sa fiancé mo humingi ng tulong, close naman ata kayo no'n?" tanong ko para tigilan na niya ako. Pero sa totoo lang, gusto ko lang talaga na kamustahin si Jaz pero hindi ko magawa.
"Iniiwasan ko nga ’yon, she always assumed na gusto ko siya kahit hindi naman. Ayoko lang na umasa pa siya sa'kin. Masasaktan lang siya." he explained.
"Bakit? I mean, maganda at matalino naman si Jaz. Hindi ka na lugi." I said it with conviction.
"Kahit na, Gran. You just don't get it." he sighed.
"Depende na lang kung may iba kang nagugustuhan, meron ba?" pang-aasar ko.
"Wala, hindi ko lang talaga siya type. At mataas ang standards ko sa babae."
"Parang walang makakapasa diyan sa standards mo ah. Na kay Jaz na nga halos lahat ng standard. Napaka choosy mo." sabi ko habang nagsusulat sa notebook.
"You really don’t get it. Okay talaga siya, yes. But not for me. I just... can't like her." sabi niya habang nakatingin sa ginagawa ko.
"Wait. Baka kasi meron ka talagang ibang type, umamin ka na lang kasi na meron."
"Wala nga!" halata sa mukha niya na pagsisinungaling dahil namumula siya.
"Teka! Bakit ka namumula?" hinawakan ko ang mukha niya. Napaatras siya dahil sa gulat.
Tinitigan niya 'ko at tinitigan ko rin siya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko. Bigla ko namang binawi ang kamay kong nasa mukha niya.
"Bakit?" bakas sa mata at sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala.
"Wala." pinakiramdaman ko ang puso ko at mabilis iyong tumitibok sa hindi malamang dahilan.
"Ayos ka lang ba?" nakatingin siya sa kamay kong naka hawak sa dibdib ko.
"Oo, ayos lang ako." sagot ko naman at inalis na ang kamay kong naroon.
"Sure ka?" paninigurado pa niya.
Tumango ako at hindi na siya nagsalita pa.
"Sige na, maiwan na muna kita. You should take a rest." Nakayukong sabi nya.
"Tuturuan na lang kita bukas, tutal Saturday naman. Kung nahihirapan ka talaga." nakangiti kong banggit.
"Great! Sabi mo 'yan. So, deal?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Pahinga ka na."
"Ikaw din. Ipahinga mo na 'yang utak mo para bukas." I smiled at him.
"Sige, alis na ko." pagpapaalam niya.
Tumango na lang ako at lumabas na siya sa kwarto.
Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa naramdaman ko kanina. Wala lang naman dapat 'yon pero bakit ganoon, ang bilis ng tibok ng puso ko tuwing nagkaka titigan kami at tuwing nagkakalapit.
Hindi ko ito dapat sinasabi pero pakiramdam ko gusto ko na siya. Pero biglang pumasok sa isip ko yung sinabi nya noon, na pag nagka gusto ako sa kanya hinding hindi niya ko gugustuhin pabalik.
Dapat kaibigan ang turing ko sa kanya, mali itong iniisip ko ngayon. Pero ano nga ba ang turing nya sa'kin? Siguro kaibigan lang o baka wala lang ako para sa kaniya. At isa pa, gusto s'ya ni Jaz at ayokong lalong gumulo at ang masakit pa roon ay sila ang ikakasal balang araw. Wala akong laban. Una pa lang naman talaga, wala akong laban.
Pero kung tama nga ang mga iniisip ko, mawawala rin naman ito. Mawawala rin yung feelings ko sa kaniya kung sakali man na gusto ko siya. Alam kong hindi madali, pero at least mawawala rin kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Love Departure (Doctors Series #1)
Teen FictionDoctors Series #1 Grandis Villarosa is an indigent woman whose dream is to become a doctor. Until he met Liandrei Ambrose Cong, the man was rich and did not want an indigent person like her. Has arrogant and unkind behavior. But gradually, Grandis f...