11.

92 11 1
                                    

"Jaz!" sigaw ko upang makuha ang atensyon ni Jaz na naglalakad papasok sa school.

"Hey," anito at bumaling ulit sa daanan.

Tumakbo ako upang maabutan siya.

"How are you?" tanong ko.

"I'm fine, how 'bout you?" she answered without looking at me.

"Ayos lang din. Sabay na tayong pumasok." dumikit ako sa kaniya pero nilayuan niya ako ng kaunti.

"Bakit?" malamig niyang tanong.

"Wala, namiss kita kasabay." nakangiti kong saad.

"Okay."

"Tuloy tayo mamaya, di ba?" tanong ko.

She just nodded.

"Ayos ka lang ba?" tanong kong muli. Dahil nakasimangot siya at mukhang wala sa mood.

"I already said I'm fine." halatang naiirita na sya sa akin.

"Sorry."

"It's fine. May dadaanan pa pala ako, baka hindi na ko makakasabay sa'yo."

"Uh, okay lang. Anong dadaanan mo?" tanong ko pa para hindi maputol ang pag uusap namin.

"Wala naman."

"Pwede naman kitang samahan?"

"Huwag na, nakakahiya naman sayo." tanggi niya, sarcastic. Pero alam kong ayaw niya lang talaga ako kasabay sa hindi ko malamang dahilan.

"Hindi, ayos lang." hinigit ko ang braso niya para hilahin pero hinigit niya ito.

"Wag na nga!" nagulat ako nang tumaas ang boses niya.

"Sorry. Galit ka ba?"

"I'm sorry, ang kulit mo kasi. Sinabi nang hindi kita kailangan eh." her eyes is full of anger now.

"Sorry." ang tanging salita lang na lumabas sa bibig ko.

"Nasaan ba si Sofia? Bakit hindi iyon ang kulitin mo?" bumilis ang lakad niya.

"Nagtatampo ka ba dahil kay Sofia?"

"Tanggap ko na may new friend ka na. Kaya huwag mo na kong kausapin pa. Hindi ako laruan na pwede mong balikan pag sawa ka na kay Sofia. Get lost, Grandis." saad nya na nagpatigil sa'kin.

"Tungkol ba 'to kay Sofia o kay Liam?" sambit ko na nagpatigil sa kaniya sa paglalakad.

I saw her clenched her fist before she faced me.

"At bakit naman nadamay si Liam dito?"

"Pasensya na–"

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag mong isasali si Liam sa gulo mo?" naaasar na bigkas niya.

"Pero–" hindi na ako nakapag-salita pa nang tumakbo siya. Hindi ko na siya hinabol at pumunta na lang sa room dahil alam ko namang magkikita rin kami roon.


"Sorry kanina, Jaz."

"Forgiven, now stay away from me."

"Jazmine, huwag naman ganito. Simpleng away lang ito, baka sinusubukan lang ang friendship natin." naiiyak kong sabi.

"Pagbibigyan kita," tugon nito na alam kong may karugtong.

"Ano?" kabado kong saad.

"You'll choose. Lalayuan mo ako or lalayuan mo ang fiancée ko." napatigil ako sa sinabi niya.

Mahirap ang tanong na yon. Kung hindi ko lang kasama si Liam sa bahay ay madali lang yun kaso ay hindi. Pagagalitan naman ako ni mama kung lalayo ako o aalis sa mansiyon.

"Pero–"

"No buts. You'll choose, hihintayin ko ang sagot mo." inirapan niya muna ako bago umalis.

Pakiramdam ko ay nagbago na si Jazmine simula ng magkaroon kami ng problema. Sinusungitan at nagiging cold na siya sa'kin, siguro ay nagtatampo sa'min ni Sofia. Hindi ko alam.

"Hi Grandis. Pasyal tayo sa park after class." nakangiting aya ni Sofia sa'kin.

"Huwag na muna. Pasensya na, wala ako sa mood ngayon."

"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Sofia.

"Ayos lang ako, Sof."

"Anong problema? Tungkol ba kay Jazmine?"

"Oo, pero ayos lang ako. Magkaka ayos din kami."

"Sana nga, plastic pa man din siya."

"Paano mo naman nasabi?"

"We're friends... before."

"Talaga? Bakit parang magkagalit kayo ngayon?"

"Next time ko na lang ikukuwento, baka may makarinig sa'tin at sabihin kay Jaz."

"Okay. Maya na lang,"

Nagdalawang isip pa ako kanina kung uuwi na ako o sasama pa kay Sofia dahil pinilit niya pa kong pumunta kami sa park pero napag desisyunan kong huwag na lang muna.

After so many things had happened, I just woke up and realized that matagal tagal na pala ako sa Cong Highschool at sa bahay ni Cong.

3rd Semester na kami kaya na-realized ko na matagal na akong nandito. Kailan kaya ako makakaalis dito? Sa pwesto ng buhay kong ito.

"Gran."

"Liam."

"Nag-usap kayo ni Jazmine?"

"Yes."

"Anong sinabi niya?"

"Layuan kita." maikli kong tugon.

"Gagawin mo?"

"Oo naman, basic lang naman."

"Paano 'yun? nagtatrabaho ka sa'min."

"Bakit? Edi iiwasan kita. Walang pansinan, walang usapan, tapos!" pagtapos ko ng usapan naming dalawa.

"Bahala ka, desisyon mo yan. At ikaw ang iiwas, ikaw lang." mariin niyang wika.

"Edi ako lang. Madali lang ako kausap." umirap ako.

"Kung ganoon, pwede kitang kausapin at pwede kitang pansinin. Ikaw lang ang bawal."

"Alam ko, alam ko! Umalis ka na nga!"

"This is my house–"

"Well, I don't care. Kwarto ko 'to."

"Matapang ka na ngayon, huh?" umigting ang kaniyang panga.

"Well, oo. People change, Liam." saad ko. Basta ang alam ko, pagod na ako.

"Should I kick you out?" nang aasar ang kaniyang tono.

"Go. Sino bang may sabing gusto ko rito? Sa totoo lang, ayoko na. Galit pa rin si Jazmine sa'kin, ano ba ang dapat kong gawin?" sabi ko na punong puno ng pait.

"Why? Do you think you two will be friends if you didn't live here?" sambit niya. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Don't worry, ibabalik ko lahat ng ginastos niyo sakin."

"Maybe you forget that you still have an issue with me."

"Okay, sorry. Ayos na ba?" I said sarcastically.

"Not sincere. Not accepted."

"Edi huwag, ikakamatay ko ba?"

"Maybe."

"Huwag muna sa ngayon, may need pa akong tapusin."

"Ano naman yon?" he stared at me.

"Ang pag aaral ko. At maging isang doctor."

He looked at me, and I looked at his amused eyes. I didn't look away. There's something in both of our eyes. I feel like our eyes are the magnets that make us connected. And now, we're connected—so far, so near.

Love Departure (Doctors Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon