Sa totoo lang, ngayon lang ako magkakaroon ng kaibigan na mayaman kagaya ni Jazmine kaya nakakapanibago rin sa'kin.
"How's your first day here?" tanong ni Jaz sa'kin habang naglalakad kami sa hallway pabalik ng room.
"Ayos naman." sagot ko. Kahit ang totoo ay hindi, dahil uncomfortable pa rin ako sa school na ito.
"It's good to hear that." aniya.
Hindi na kami nag-usap pa at nakarating na kami sa room.
"Jaz, question lang." ani ko. Hindi ko alam kung tamang desisyon bang itanong ito pero sige, itatanong ko pa rin.
"Yes?" tugon nito at sumulyap sa akin.
"Kilala mo ba si Cong?" mariing tanong ko.
"Oh, si Liam." sagot nito sa akin. Ngunit hindi ako nakuntento sa isinagot niya.
"Liam?" takang tanong ko ulit.
"Liandrei Ambrose Cong, but call him Liam because ayaw niyang tinatawag siya sa totoo niyang name. Ang parents n'ya ang may ari nito. May lahing hapon sila, halata naman sa itsura at sa surname. At sikat din s'ya rito, kaya nga maraming nagtataka kung bakit hindi mo siya kilala." paliwanag naman niya.
Hindi na ko sumagot. Ngayon ay alam ko na, Liam Cong. Kaya siguro may sama ng loob sa'kin, dahil hindi ko siya kilala at napahiya siya dahil doon.
But speaking of the devil, napatingin ako sa pinto ng classroom at iniluwa nito si Liam. Umupo na ko sa upuan ko, tatlo pa lang kami sa classroom, walang nagsasalita sa aming tatlo. Si Jaz ay nasa unang row at ako ay sa pangalawang row, kaya magkalapit lang kami.
"Hi Liam," bati ni Jaz kay Liam na bumasag sa katahimikan namin.
Tiningnan lamang siya niyo at hindi pinansin. Napakasnob pala niya.
Humarap naman sa akin si Jaz pagkatapos siyang hindi pansinin nito. Sinabing may ibubulong siya kaya nilapit ko ang tainga ko sa bibig niya.
"Actually, Liam is my crush." bulong niya na halata namang kinikilig.
"Talaga? Crush mo yang lalaking yan?" takang tanong ko.
"Shh! Bakit? gwapo naman siya ah. Bagay kami." halos masuka ako sa sinabi nya. Oo, parehas silang may itsura, pero hindi bagay ang ugali nila. Pero baka nga totoo yung "opposite attracts" na sinasabi nila.
Umayos naman na ako ng upo nang napansin kong nakatingin si Liam sakin.
"Ano?" tanong ko.
"What?" masungit na tanong niya.
"Bakit ka nakatingin?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita. Snobber.
"Huwag kang mag alala, kung ayaw mo ako rito. Edi sige, aalis ako pero hindi pa sa ngayon." I sighed. Grabe naman kung aalis ako ngayon e hindi pa nga nagsisimula.
"Bakit hindi pa ngayon? Masyado kang mahirap para dito sa school na 'to." ani nito na nagpainit ng dugo ko.
"Masyado namang madungis ang ugali mo para sa school na 'to. Pero sasagutin ko ang tanong mo, ang sagot ay sayang ang scholarship na pinaghirapan ko. At hindi ko yon sasayangin para lang sa isang kagaya mo." wika ko.
"Hindi mo alam ang pinapasok mo." mahinahong sagot naman niya. Hindi ko na lang ito pinansin.
Dumating na ang Science Teacher namin kaya nag focus na lang ako doon. Natapos na ang klase at umalis na lahat except sa akin, Jaz at Liam. Tahimik kong niligpit ang bag ko nang lumapit sa'kin si Jazmine.
"D'yan muna ko, pwede?" tanong niya.
Papayag na sana ako nang biglang magsalita si Liam.
"Magpalipat ka ng upuan, Jaz. Gusto ko bukas ikaw na ang seatmate ko." singit naman ni Liam.
BINABASA MO ANG
Love Departure (Doctors Series #1)
Teen FictionDoctors Series #1 Grandis Villarosa is an indigent woman whose dream is to become a doctor. Until he met Liandrei Ambrose Cong, the man was rich and did not want an indigent person like her. Has arrogant and unkind behavior. But gradually, Grandis f...