Chapter 2: Regrets?

417 7 3
                                        

Chapter 2:  Regrets?

"Ang sabi ko Ms.Cerdenia..Dahil ikaw ang kasama nitong lalaking ito ay tulungan mo na rin siyang maibalik ang mga alaala niya.. Ikaw muna ang mag-alaga sa kanya dahil kulang pa tayo sa mga informations tungkol sa kanya.."

Bakit ako??? Hindi ba pwedeng dito na lang yan sa ospital at iwan ko na?   ??__??

"Doc? Why am I going to be with her? I don't even know her? Hindi ba pwedeng dito nalang ako magstay sa ospital?"  Tama! tama yan!

"I'm sorry Mr. Estrada.. Pero hindi pwedeng maiwan ang isang pasyente dito ng walang guardian o kasama lalo na at may amnesia ka.. Hindi kasi kami makakasigurado na makakapagbayad ka o may mangyaring iba sa iyo .." tsk. kaya pala .. Pera pala..

Sabi ko na nga ba.. mga tao talaga oo.. Kahit pala ang ospital hindi na maaaring tumulong sa walang pera.. Paano kung mamamatay na yung pasyente? tss. Pera talaga oo..

"May pera naman ako noh!" Sabi nung lalaki saka kinuwelyuhan yung doktor..

Grabee.. Aggressive pala itong lalaking ito.. katakot. :/

"Sandali lang.. Hindi ko naman sinasabing wala kang pera.. Ang amin lamang ay paano ka makakapagbayad kung naubos na ang iyong pera at wala ka namang trabaho,o iba pang alam sa sarili mo kundi ang iyong pangalan.." Sabi nung doktor habang tinatanggal yung kamay nung lalaki

 Ahh.. sabagay ay may punto naman ang doktor..

"At saka mas maganda ang nasa labas ka..Baka sakaling may mga bumalik na alaala sa iyo.. Hindi ba miss?" Sabay kindat nung doktor sa akin..   Parang ang weird nung doktor? Hindi ba mas magandang nasa ospital siya para mas gumaling siya at mabantayan? At saka kailangan may kindat portion din?

Huhu..Pero parang gusto ata talaga sa akin ipaalaga ng doktor itong lalaking ito at hindi na pinaangal pa itong lalaki.. haaay..T__T

Pagkatapos ng maghapong  pagmonitor sa lagay nung lalaki.. at parang superman yung lalaki na wala ng iba pang diperensya ang nakita ng mga doktor,sinabihan siya na bumalik para sa mga check-ups tapos ay pinayagan na rin kaming umuwi ..

Buti nalang pala at hindi ko nakalimutan dalhin ang pitaka ko.. Ako na lang bumili ng pagkain niya.. kasi may pera pa pala yung lalaki..

"Naku.. lagot talaga ako kay mama nito..T__T" bulong ko sa sarili ko.. huhu kasi naman eh.. pwede bang iwan ko nalang tong lalaking ito dito sa kalsada? Hindi na tuloy ako nakakain ng almusal at meryenda T__T

"I'm sorry.. What did you say?"  Ang talas naman ng pandinig nito.. Saka bakit ba english ng english ito?

"Wala sabi ko..Nasa Pilipinas ka kaya magtagalog ka..." Pabiro kong sabi saka humarap sa kanya..

"Well Philippines is a free country so I can do what I want.. And besides there's nothing wrong in speaking in english in this country.."Mataray niyang sabi saka nilagay sa bewang ang isang kamay.. Woaaahh.. nosebleed pre..

"Teka.. Teka so you're telling me I'm a liar? Hah? I'm a Liar? Tell me.. I'm a liar?"

Haha siyempre hindi yan ang sinabi ko pagkamalan pa akong baliw nitong lalaking ito..

"Wala nga pong mali pero mas magandang makibagay sa mga tao sa paligid mo para naman hindi ka iba." Paliwanag ko sa kanya..

"Okay..sabi mo eh.. Pero malaki ba ang bahay niyo? Hindi kasi ako sanay sa maliit na lugar eh.." O_O

 Wow!Saan galing yun?  Ang taray naman nitong lalaking ito.. Tinutulungan na nga.. Aiisshhht..

"Sorry po pero hindi naman kalakihan ang bahay namin.. Huwag ka ng umangal kasi ayun lang talaga ang nakakayanan namin.." Nakakaasar siya hah,..

Forgotten Memories (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon