"G-Gab!" napasigaw ako at napayakap sa kanya..
Sheez.. totoo ba to?
Si Gab!
Si Gab talaga to!
Wah! Thank you po Lord at nandito na ulit si Gab ko!
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko kaya medyo matagal akong napayakap. Sobrang saya! Nandito na siya! Ang prince ko!
Si Gab!Tapos ay napatingin ako sa kanya..
"G..."
Magsasalita pa sana ako..but I saw his curious eyes..
"Who are you?" Sabi niya na halatang naguguluhan.
Dahil doon napatigil ako at lalong naiyak.
Who are you?
Who are you?
Who are you?
Shit.
Sa lahat ba naman ng bagay na naisip kong posibleng nangyari sa kanya..
Hindi niya lang pala ako naalala?
Pero hindi eh..
Nakita ko.
Nakita kong malungkot yung mata niya kanina.
Kahit sandali lang yun.. alam ko naaalala niya ako.
Pero bakit who are you ang tinanong niya sa akin?
Sino nga ba ako?
Hindi niya nga ako kaano-ano..
"Siya ang babaeng minamahal mo Gab" Flat na sabi ni Hani mula sa likod ko.
Nagulat na lang ako at itinayo ako ng mga kaibigan ko.
"Sabi ko ba naman sayo Nics um-absent na lang tayo eh." Sabi ni Jeni habang pinupulot yung mga nalalaglag kong gamit.
"H-hindi eh.. Gab.."
Lalapit pa sana ako pero dumating na yung teacher namin sa Filipino.
Oh. great. Nakita pa tuloy kami ng teacher namin.
"ABA! ABA! Mukhang may kaguluhang nangyayari sa klase kong ito ah?Masiupo kayo." Sabi ng teacher namin sa Filipino.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories (On hold)
RomansaMemories. Mga tanging alaala natin sa nakaraan. Bumubuo sa ating pagkatao at tutulong sa ating kasalukuyan.Ano ang iyong papairalin? Puso o isip? Magmamahal ka ba ng tao na maaaring piliin ang nakaraan kaysa sa kasalukuyan? Mga alaalang nawala maiba...