Akala ko naranasan ko na lahat ng makakapagpasama sa damdamin ko sa beach..
Hindi pa pala.
Hindi ko ine-expect na sa pag-uwi ko ng bahay mas lalala pa.
"Anak, Alam ko ang nangyari. Umuwi siya dito para magpasalamat." Sabi ni mama pagkauwi ko sa bahay.
Sasamahan sana ako ng SF kaso lang pinauwi ko muna sila kasi ayaw ko namang madamay sila sa problema ko. Okay na sa akin yung alam kong nandiyan sila para damayan ako.
"U-umuwi siya? Nagpasalamat? Ma.... Ba--ba--kit sayo lang..Ba--bakit.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaupo na ako habang umiiyak.
"Nicole.. Anak, isang malaking desisyon ang ginawa ni Gabriel hijo. Siguro, ayaw ka lang niya makitang mas nasasaktan kung harap-harapan siyang mag-papaalam." Sabi ni mama habang hinihimas yung likod ko.
Hindi.. hindi..
"Ma..hindi eh.. " Tapos tumayo muna ako saka pumunta sa kwarto ko.
Nagulat ako kasi iba na yung kwarto ko.
Iba na kasi wala na yung mga karaniwang ginagamit ni Gab.
Dahil dun napahiga na lang ako sa kama ko saka tinaas ko yung huling letter na binigay ni Gab sa akin.
Huling alaala ni Gab.
_______________________________________
I'm sorry..I'm really sorry. I love you.
_______________________________________
Ayun lang. Letter na yun! Those 8 words.
Ang sakit.
Bakit kay mama nagawa niyang magpaalam?
Bakit sa akin hindi?
Bakit ba hindi ko namalayang umalis siya?
Kung gising lang sana ako..
"Gab.. Prince ko.." Sabi ko habang umiiyak..
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories (On hold)
RomanceMemories. Mga tanging alaala natin sa nakaraan. Bumubuo sa ating pagkatao at tutulong sa ating kasalukuyan.Ano ang iyong papairalin? Puso o isip? Magmamahal ka ba ng tao na maaaring piliin ang nakaraan kaysa sa kasalukuyan? Mga alaalang nawala maiba...