Chapter 11 : Fake

192 6 1
                                    

Gabriel's POV

"Shit! Tabi nga!" Sabi ko sa mga nakaharang sa boardwalk. Tapos tumalon na ako sa dagat. Hindi agad ako nakatalon kasi naman kung makahawak yung Monique na yun.

Wala man lang tumulong kay Nicnic? Nanood lang sila? Ano bang klaseng mga tao ang nandito? Mas mahalaga pa sa kanila yung damit at itsura nila?

Saka bakit ba kasi dito ang venue ng sayawan? Tss. Nics Sandali lang. 

Nakita ko yung lalaking kasama niya kanina.Walang alam naka-earphones ata. Tch.

Nakita ko naman agad si Nics.. Wala ng malay.Pagkatapos ay iniahon ko na agad siya saka binigyan ng first-aid buti na lang at nagkamalay siya agad pagkatapos ko siyang i-pump. Kaso nahimatay siya ulit..

"Nako..Sorry Nicole hah. Di ko sadya eh." Sabi ng fake na kaibigan niyang si Monique. Naaasar ako sa kanya. Ayoko sa lahat yung mga masasamang tao.

Halata naman na nilakasan niya yung pagtabig kay Nics eeh..Aisht! 

"If you're that sorry..You will give us the nescesarry supplies and will allow us to go back to our room now." Nagtitimpi kong sabi..

"Yes,Yes.. Sure Hijo..I'm very sorry for this incident..Sige na..Bumalik na kayo sa room..ipapa-assist ko na lang kayo." sabi ng mama ni Monique.

Buti pa ang mama niya nahiya. Yung anak hindi. tch.

"Pero.."

"No more 'pero' Monique okay?" Hindi na nakaangal si Monique kasi mama niya na nagsabi. Kitang-kita tuloy na naaasar siya..

Binuhat ko na si Nics tapos ay inantay ko yung assistant "Daw" na ipapadala.Hindi ko kasi mapapalitan yung basang dress ni Nics. Baka mabugbog pa ako nun.  

Buti after 5mins. may dumating na agad. At buti ay isang matandang babae iyon.

"Ohh..Sige na Hijo..Ako na ang bahala sa girlfriend mo."

O__O

"Ay..hindi po.." Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi naman pinalabas na ako ni Lola..

Haaay...

Na-guguilty tuloy ako sa mga Pinag-gagagawa ko.

Mga after 30mins ay natapos na si Lola..

"Thank you po."

"Sa susunod kasi..bantayan at huwag mo lang pabayaan yang girlfriend mo..Haay nako mga kabataan!" Tapos lumabas na si lola..

Si lola paulit-ulit!

Nagkakaroon tuloy ako ng idea..

Girlfriend daw..

"Si lola talaga napagkamalan pang girlfriend kita..Malayo atang mangyari yun..Ang sama ko sayo eh." Sabi ko sabay upo sa upuan sa gilid ng kama.

Pinagmasdan ko na naman si Nics..

Tapos bumalik nanaman yung feeling..

"Bakit ba feeling ko kailangan kitang alagaan?" Hindi ko namalayan nakahawak na pala ako sa mukha niya..

"Nics..Please be okay.." Bulong ko kay Nics..

Kahit na inaaway ko ito.

Kapag tahimik siya.. Nakakamiss yung kaingayan niya...

Saka..

Ngayon ko lang napagtanto na..

Kahit paano.. 

Forgotten Memories (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon