Chapter 4 : Slave?

296 7 0
                                    

Chapter 4 : Slave?

*dug..dug..dug..*

Hala! Ang ingay naman ng tyan ko!

Haha ay di pala tiyan... puso ko pala.. Pero teka teka teka! Anyare naman sa puso ko..

Hala..Halimaw ba talaga si Gabriel at natakot ako kaya ako kinabahan??

Parang hindi naman ata kaba ito..

Hala! May sakit kaya ako sa puso??!

Oh noessss... :(

Hindi! Hindi!

Hmmm.. Ahh..Baka pagod lang ito dahil sa pagtakbo kanina.. Tama! Tama!

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano ano ng tumigil si Gabriel sa pagtakbo..

Tapos may sinuot siya sa aking kung ano..

At lumagpas ang magnanakaw..

*Huff..hufff..huff..*  Sabay naming paghabol ng hininga..

Grabe naman kasi makahabol yung magnanakaw.

"Haaay! Salamat naman at natakasan natin yung magnanakaw na yon!" Sabi ni Gabriel ng maayos na ang paghinga..

At sinauli na yung sinuot niya sa akin..

"Haha! Oo nga eh..Runner pala si kuya hahahaXD Pero buti na lang wais tayo!" Sabi ko habang aapiran si Gabriel

Tapos ..

Hindi man lang ako inapiran! Pumalakpak na lang tuloy ako para hindi mapahiya.. T__T

Oo nga pala! Natakasan namin yung magnanakaw kasi tumigil kami sa bilihan ng wig at shades tapos sinukat namin kunwari para hindi kami makilala at lumagpas nga ang magnanakaw..

At iyon.. naglakad na kami ulit pabalik sa bahay.Siyempre bumitaw na siya noh!

Pagkadating namin sa bahay..Puro tanong agad ni mama ang bumungad sa amin..Hindi nga halata na medyo nagalit si mama eh haha jokeXD Ang tagal daw kasi namin mamalengke..At sa totoo lang.. talaga naman kasing inabot kami ng siyam-siyam sa pamamalengke ng konting bibilin kaya nagsorry na lang ako kay mama..

Hindi ko na ikinuwento kay mama ang nangyari sa pagkawala ni Gabriel at sa magnanakaw kasi baka mag-alala pa siya sa amin..

Lumipas ang maghapon na wala kaming ginawa sa bahay kung hindi kumain at manuod ng T.V at movies. . Si Mama kasi nawala ang galit ng may makitang mga bagong movies na tinda sa labas.. Saka masyado atang natutuwa kay Gabriel dahil bago umuwi ay kinuha ni Gabriel ang mga dala ko para makita ni mama..(Hindi ba ang Bait?-_-) Kaya akala ni mama ay napakaGentleman niya.. Hay Dyusmiyo! At iyon..

Bigla na lamang nagpabili ng maraming pagkain para daw habang nanunuod ng T.V. ay may kinakain kami.. Sabi kasi ni mama baka sa panunuod ng T.V. ay maalala siya..

Pagkatapos ng 4 na movies na  pinanuod namin ay kumain na kami..Tapos ay nagsabi si mama na matutulog na daw siya..

Sumunod naman kami at pumunta na sa kwarto ko..

"Ouch! My Butt and Back hurts! Kasalanan mo ito eh! Ang pangit kasi ng sofa niyo,ang tigas -_-"  Sabi niya habang nakadapa sa kama ko..

 Ay loko to ah! Nakikinuod na nga lang umaangal pa? =__=''

"Nahiya naman ako sayo ahh... Nakikinuod ka na nga lang..Saka bago po iyang sofa namin noh! Malay ko ba diyan sa katawan mo at baligtad ata ang pagsensor sa malambot at hindi.." Naasar kong sabi sakanya habang inaayos ang hihigaan ko sa lapag..

Bigla naman siyang bumangon at ngumiti.

Ang cute. :))

"Hmm. I have an Idea! A very great Idea!"

Forgotten Memories (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon