Chapter 3: Let's go to the Market!
"Haayy.. Ang sakit ng likod ko.. T__T" Sabi ko habang nag-uunat..
Bakit kasi sa lapag ko kailangan matulog.. haay..
"Good Morning Nicnic!!" -__________________-'
Aiiissshtt! Ang aga aga nabubwisit ako!
"Anong kinaganda ng umaga?..Eh mukha mo agad ang una kong nakita Y_Y"
Siya na nga ang nakahiga sa kama ko..Nang-aasar pa kase!
"Maganda ang umaga kasi..Ang lambot ng aking KAMA! Ang sarap saraaap matulog! Hahaha! bleh :P" Aba'y loko loko talaga ito! Dumila pa talaga!
"Hoy!BAKA KAMA KO? Ang aga aga nambubwisit ka na agad! Ikaw na nga itong nakatulog ng maayos nang-aasar ka pa! Saka excuse me lang hah! Hindi ka bisita dito hah.. gumawa ka rin nggawain dito sa bahay baka sakaling may maalala ka!"
Nakagrin kong sabi sabay hagis ko sa kanya ng niligpit kong unan at higaan..
"Oh.. daan na! Nag-eexcuse ka diba? :P"
Umarte arte pa siya doon.. naku talaga naman po Lord..bakit po sa akin pa napadpad ang pag-aalaga sa batang ere.. Ay ibig ko pong sabihin ay matandang isip bata na ito?..Ay sorry po sorry po..Naku nagkakasala talaga ako ng dahil sa lalaking ito!
"He! bahala ka nga diyan!" Inirapan ko siya tapos lumabas na ako ng kwarto ko..
Sakto at nasa labas si mama..
"Good Morning! Ohh.. Anak? Ang aga aga parang nilukot na papel iyang mukha mo..Anong nangyari?" Hayy nako ma..Tinanong mo pa..
"Ayy wala po ma.. nabangungot lang po ako..Nakasalo daw po ako ng demonyong nahulog mula sa building tapos naging yaya daw ako nun.." Pabiro kong sabi kay mama haha sana hindi magets ni mama..
"Naku.. buti at panaginip lang iyan..Ang samang panaginip naman niyan.. Huwag ka kasi magpapakabusog tapos matutulog agad anak kapag gabi.." Natawa akong palihim.. Nako po mama kung alam mo lang..
"Bakit ka natawa diyan? Ohh..Siya siya..tawagin mo na si Gabriel hijo para makakain na tayo.." Ayy.. nakita pala ni mama .. Naku may taga tawag pa ang bisita!
"Sige po ma.. Sandali lang po.." Tumayo muna ako at pumunta sa kwarto ko para tawagin ang Bwisit na si Gabriel..
"Sir..Gabrielo Silang oras na daw po ng pagkain.." Mahinhin kong sabi na parang maid lang habang nakasilip sa pinto..
"Hey! How many times do I have to tell you that my name is not Gabrielo Silang?" LAlalala .. nagmemake face lang ako sa gilid habang sinasabi niya para mainis hahaXD Bad Nicole! Bad! :P
"Infinite sir! Hahaha bleh :P Tara na!" Tumakbo na ako at baka masapak pa ako ng bagong gising na si Gabrielo Silang hahahaXD
Natawa naman si mama dahil lumagpas ako sa mesa..Kasi ba naman tumakbo pa ako eh ang lapit lang ng mesa hahaha baliw talaga ako XD
Pagkatapos namin kumain..Sinabihan ako ni mama na ayain daw mag-Badminton si GabrielO kaya lumabas muna kami at pumunta sa court ng baranggay namin..
"Wahaha..Humanda ka ng matalo Gabrielo Silang! Paunahan lang tayong maka 10! Ang matatalo..Magiging utusan for 1 day!"
Pagmamayabang ko habang nakaturo yung raketa ko sa kanya..
Mahilig kasi ako sa badminton eh kaya medyo magaling ako.. Haha papahirapan ko itong bwisit na to XD
"Sorry pero hindi ako papatalo! Favorite exercise ko kaya to!Humanda ka na din maging utusan!" Huh? O__O
"Ano sabi mo?... Ibig sabihin may naaalala ka na?" Lumapit ako sa kanya tapos hinawakan siya sa balikat..
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories (On hold)
RomanceMemories. Mga tanging alaala natin sa nakaraan. Bumubuo sa ating pagkatao at tutulong sa ating kasalukuyan.Ano ang iyong papairalin? Puso o isip? Magmamahal ka ba ng tao na maaaring piliin ang nakaraan kaysa sa kasalukuyan? Mga alaalang nawala maiba...
