Chapter 7 : Mall Adventure part 1
"Ma..Sinong Gabriel? Yung kapitbahay natin..? Nako huwag na po! " Sabi ko kay mama.. with matching kindat pa..
Nako! Hindi magegets ni mama ito eh..
"Ano ka ba anak? Ikaw na ba ang may amnesia hah? Si Gabriel yung poging lalaking inaalagaan mo! Eh..Nakita ko kanina sa park mag-isa kawawa naman.." Pinalo pa ako ni mama sa braso :(
patay.
Parang nakakakita ako ng maraming heart saka question mark sa mga ulo ng mga kaibigan ko.. @__@
Hayy. no choice.
"Ahh..si.sige po.."
Pagkasabi ko ay bumalik na si mama sa kwarto niya.
Hayy nakakainis naman!
Tinatago ko nga eh..Kasi paniguradong magugulantang ang buhay nun sa aming magkakaibigan!
Nagulat ako pagkaharap ko kasi ang mga mukha ng mga babaeng baliw na ito ay hindi maexplain -_-..
"Hep!Hep!Hep! Ako lang magsasalita! Si Gabriel po ay isang lalaking napadpad dito sa amin dahil nakita ko siyang syonga syongang nalaglag sa building at may amnesia siya! AT! Siya ay pangit hindi gwapo ok! Kaya nevermind!" nakapoint pa sa taas yung hintuturo ko..
Nag'ahh' naman sila..
"Eh..bruha! bakit hindi mo sinabi sa amin?" Aba't tinawag pa akong bruha nitong Hani na to!
"Eh kasi po.."
*Wusssshh*
at nag grand entrance po ang angel with matching tumbling pa..
haha joke.
Pumasok lang naman ang..
sige na nga..
Ang poging lalaki na hinulog ng langit na napakatangkad at kahuhumalingan ng marami sa isang tingin lang *___*.
O.A. ba?
haha ayan ang hula kong iniisip ng mga kaibigan ko..
"OHHEMMMGEEEE!!!! Hi! Pogi! Kenagat ur number ^_~" Yuck kumindat pa.. sabi ko na nga ba at mangunguna si Jeni dito eh..
"Hi! Akin ka na lang pwede?" nagbubeautiful eyes pa tong si Yani...
"Hi.. I'm Hani.. ^___^" At ang akala kong matinong si Hani ay isa rin..
Ayan ang sinasabi ko...malala na ang mga kaibigan ko.. -___-..
Pero ..
Huy!Hindi ako kagaya nila ahh! Ako lang yung nagtuturo sa mga pogi na nakikita ko..Pero hindi ako dumidikit sa kanila! yakerz! -___- sorry po maarte NBSB here! :P
"Ahhmm.. Sorry girls ah.. Pero taken na ako eh.." nagsenyas pa ang loko ..
O___O? Taken? Pinagsasabi nito?
May naaalala na ba siya sa nakaraan niya?
"Ayy.. Sayang naman..Sinong panira sa love life na babae naman yan pogi!" Sabi ni Jeni na nakahawak sa chest ni Gabriel.. -_- nakakahiya pala talaga pinaggagagawa nila..
"Si Nicnic" at tinuro niya ako gamit ang nguso..
Ahh..Ako pala..
O___O
HAHHHHH?
Kasasabi ko lang na NBSB ako tapos.... ~__~..
"Ahhh.. Kaya pala!! Kaya pala hindi mo sinabi sa amin ..tapos sabi mo pa ay pangit siya dahil syota mo na si papa pogi!" O__O eto talagang Jeni at Yani na ito nagsabay pa!
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories (On hold)
RomanceMemories. Mga tanging alaala natin sa nakaraan. Bumubuo sa ating pagkatao at tutulong sa ating kasalukuyan.Ano ang iyong papairalin? Puso o isip? Magmamahal ka ba ng tao na maaaring piliin ang nakaraan kaysa sa kasalukuyan? Mga alaalang nawala maiba...
