Chapter 13 : This is it.

129 4 0
                                    

Nicole's POV

"Haaay!" Sabi ko sabay higa sa mga damo doon sa park sa ilalim ng puno.

Ang ganda tignan nung mga dahon kapag nakatapat sa araw.

Mag-isa lang ako ngayon dahil bonding time ko sa sarili ko. Tinakasan ko si GabrielO Silang haha! Pumunta ako sa Park kasi gusto ko magmuni-muni. Malapit lang naman ito sa amin. Naisip ko kasi yung mga nangyari nitong bakasyon.

Siguro ang swerte ko na dahil yung lalaking minamahal ko ay mahal din ako.

Kaso hindi ko magawang sagutin siya dahil..

Gusto ko formal ang lahat?

Well..Alam na nga nila mama. 

So dapat diba itigil ko na ang paghihirap ni Gab?

Kaso lang..

Ayoko maging unfair.

Bakit unfair?

Kasi..

Sa ngayon wala siyang naalala sa nakaraan niya. Kumbaga ako yung kasalukuyan pero alam ko namang di mabubuo yung pagkatao niya hanggat di niya nalalaman kung sino talaga siya. Sino ang mga pamilya niya. 

Ayokong i-claim na sa akin siya ng hindi niya nalalaman kung sino bga ba siya talaga.

Ang drama ko no? Isa akong dakilang Shonga eh!

Syempre mahal ko si Gab at gusto kong mabuo niya ang sarili niya.

Kaso natatakot ako.

Natatakot ako kasi.. 

Baka kapag nalaman niya na kung sino siya iwan niya na ako.

Iniisip ko pa lang naiiyak na ako..

Shete. I'm not a selfish brat! Kung ano mang mangyari. Naniniwala ako sa pagmamahal ni Gab. Parte niya ang nawawala kaya dapat tulungan ko siyang makita iyon.

"Hala sunog na yung mga dahon!" Sigaw nung lalaki.

Napaupo tuloy ako bigla. Pagkalingon ko..

"Pansin ka Gab!" Sabi ko sabay palo sa kanya.

"Awtsu. Ang Prinsesa ko may problema ata. Nagsosolo..Iniwan pa ako! Lika nga!" Sabi niya tapos akmang yayakap sa akin.

"Hep! Hep! Hep! Bawal pa yan diba?" Sabay palo ko sa kamay niya tapos ngumisi ba naman ang loko?

"Ikaw naman prinsesa ko.. wala naman nakakakita eh.." Sabay akap niya.

Okay. Sabi ko nga mas malakas ako eh! haha 

Kaso sasabihin ko ba? 

"Uhmm.. Gab.. Ano."

"Mahal mo ko? I love you too!" 

Ayy walanjo! Haha Ito talagang si Gab eh!

"Hindi.."

"Hah? Hindi mo ako mahal? Ayan na nga ba kinatatakutan ko eh! Nagayuma ka na ba ni Majinboo?" Sabi sa akin ni Gab

"Pft! Pati si Majinboo pinagseselosan mo na Gab? Nako iba na yan! Ang ganda ko talaga!" Sabay flip ko ng buhok kay Gab. Natamaan tuloy siya sa mukha XD

"OO. Kaya huwag mo akong ipagpapalit lalo na kung kamukha ni Majinboo ang ipapalit mo! Maganda ka talaga Princess ko.. Kaya nga love na love kita eh! Kahit na sa panlabas na anyo lang."

Forgotten Memories (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon