Chapter 9 : Here she comes...

243 3 1
                                        

Gabriel’s POV

Tsk.

Nasa impyerno na ba ko dahil sa mga pinag-gagagawa ko?

Ang ineeeeet!!!!!    T____T

Kahit nanonood lang ako ng T.V. ,nakatapat na sa akin ang electric fan, tapos wala naman akong ibang ginagawa init na init pa rin ako? :(

Kaasar naman kasing bahay nila Nics to oh.. walang aircon? Hindi ba nila naisip na ang Pilipinas ay isang tropical country kung saan pwedeng makaranas ng sobrang init? Summer pa naman -_-..

“Hoy! Nics! Ang inet paypayan mo nga ko!” Utos ko sa kanya sabay kalabit ng paa sa likod niya

Sa lapag ko kasi siya pinaupo eh.. Mas mainit kasi kapag may katabi. Ang sama ko noh? Bakit ba? Eh sa naiinitan ako eh! :P

“MAGPAYPAY KA MAG-ISA MO! ANO KA MAY UTUSAN? NASA IYO NA NGA ELECTRICFAN! AKO NGA INIT NA INIT DAHIL SINOLO MO ANG ELECTRIC FAN TAPOS PAPAYPAYAN PA KITA? IN YOUR DREAMS! TSK!” Sigaw ng megaphone na tinubuan ng mukhang babae na ito.

Pero pagkakita ko sa itsura niya.. Imbes na magalit sa sigaw niya..

“HAHAHAHAHAHAXD Ano ba iyang itsura mo! AhahahXD Mukha ka ng basing sisiw diyan! Hahah.. oh pamunas!” Sabay hagis ko ng panyo sa kanya..

Grabe naman kasi..Hindi ata marunong magpunas ng pawis tong babaeng ito eh.. Kala mo kakahilamos lang ng mukha.. Yucks.. hahaha pero nakakatuwa ang cute. Kasalanan ko kasi eh ang damot ko XD

“CHE! MANAHIMIK KA DIYAN! Ikaw may kasalanan nito tapos tatawa tawa ka diyan! Ang init init Bwinibwisit mo ko! Arggghh..”  Sabay gulo niya pa ng buhok niya..

Hahaha..mukha na siyang bruhaXD Hindi ba tinuruang mag-ayos itong babaeng ito ni tita Nads?Ay mali.. Dapat pala hindi ba siya natuto sa magandang posture at itsura ni tita Nads? Hindi man lang nagmana. Tsk. Walang pakiaam sa itsura eh..

“I don’t care. Kasalanan mo yan. Ang poor mo kasi. Wala man lang aircon sa bahay? Tsk. Buti nga nasusurvive niyo pa ang summer niyan eh? Saka kahit may electric fan, mainit pa rin talaga noh!”

“Ewan ko sayo. “ Aba’t inirapan ako?

Kasalanan ko ba yun? Tss.

Bago pa man ako makapagsalita..Pumasok na si tita Nads sa pinto.. May binili kasi siya sa labas kasama si Nathan eh.

“Ayy. Diyosmiyong mga bata ere! Ano ba iyan? Pawis na pawis. Magpunas nga kayo! Nanonood lang kayo ng T.V. tapos nainitan kayo? “ Halos mabitawan ni tita ang hawak niyang..

O___O

Wow!! Halo-halo!! :PP

“Teka lang, teka lang.. Baka matunaw sa tingin mo Gabriel..” Pang-aasar nitong kapatid ni Nics na to. Di man lang ako tinawag na kuya -_-.. Anyway I don’t care.

Umupo na sila tita Nads at Nathan sa may tabi ko tapos si Nics nakitabi na rin. Meryenda pala ang binili nila tita akala ko naman Aircon..  -__-..

Nicole’s POV

TSSS. PAPANSIN,MAARTE,SWAPANG, AT NAKAKABWISIT NA LALAKING ITOOOO!

Inangkin ba naman ang electric fan namin? Hindi man lang ako binahagian kahit konti?  :( Napakainit pa naman..Pawis na pawis tuloy ako.. Natatamad pa naman akong kumuha ng panyo sa kwarto. Aisshh..

Naku!!! Akala ko pa naman medyo magiging okay na ugali nitong Gab na to! Hindi pala.. baka lasing lang siya nung nagsorry siya? Or nahipan lang ng hangin ang utak?

Ay mali! Dapat pala, puro hangin lang ang utak! .. Anyway, Arrggghh Ang init talagaaaa :((

Pagkapasok ni Mama sa pinto, para akong bata na nakakita ng lobo sa tuwa. Yieee.. Halo-halo Here I come!

Forgotten Memories (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon