Reincarnation?

28 6 0
                                    

Do you believe in reincarnation? Wala tinatanong ko lang haha..

Ako nga pala si Scarlet, 18 years of existence in this planet called Earth that belong to the Milky Way Galaxy among billions of galaxies scattered in the vast expanse of the Universe tsarot.. I am a 1st year college student taking up BS Biology. Di ako malantod pero maharot lang very very slight hahaha..

Andito kami ngayon... yes kami, ako at si Queen pati na din ibang classmates namin sa AV hall para sa department orientation.

Kasama ko yung mga kaklase ko sa gitnang block ng AV hall. Bale kasi nahahati sa tatlong block ang hall, sa left is usually mga seniors namin pero may iilan ding taga first year from section A, kami sa center block pero nakaupo ako sa pinakadulo sa right side at nasa middle row.. ge isipin mo haha.. tapos sa 3rd block andun yung mga first year from section C.. hell yeah medyo magulo talaga ang ayos namin.. Pero generally ang block B from 1st and 2nd year ay nasa gitna..

Normal na sakin na tahimik, cold na medyo maldita at snob tingnan (tsarot ganun din ako sa totoo lang) pero observant.

Iginala ko ang paningin ko sa buong hall hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang napakagandang lalaki ay ewan basta ang tangos ng ilong nya tapos perfect pa yung makapal na kilay nya (huhu na-a-attract pa naman ako sa makakapal ang kilay) , naka side view sya sa'kin, actually halos katapat ko lang sya at tanging yung mumunting daraanan lang ang pagitan namin. Di ko namalayan na titig na titig na pala ako sa kanya hanggang sa lumingon sya sa'kin then boom.. nagtama yung mata namin. I didn't know what was happening ewan.. pakiramdam ko habang may staring contest kaming dalawa parang nakita ko na ang mga mata nya dati, parang kilalang kilala ko ang may ari ng mga matang yun pero kahit anong pilit kong isipin wala din akong matandaan. Nakatitig lang kami sa isa't-isa hanggang sa maulaw ang atensyon ko ng MC.

Aish anong kabobohan ba ang pumasok sa kokote mong babaita ka ha? Hahaha ewan parang kilala ko sya na hindi. Hinayaan ko nalang.

Pero di ko din alam sa sarili ko na para bang may kung anong humihigop na pwersa sa'kin para lingunin sya, ang creepy lang kasi parang kilala ko na sya dati pero di ko pa naman sya nakasalamuha in my 18 years of existence, hindi ko din matandaan na nagkita na kami dati since I've got a strong retentive memory kaya kung nakilala ko na sya dati, malamang maaalala ko sya.

Then nung time na naghahanap sila ng representative for each block ng mga first year students.. Di joke lang di ako nagpe-pay attention dun sa section A, tapos sa section din namin, wala dun lang ako sa botohan haha basta ganun lang tapos nung sa section C na nabuhay yung atensyon ko kasi isa si Mr. I dunno the name sa na nominate.. Titig na titig na naman ako sa kanya, kulang nalang ata lapain ko na sya eh haha di jok lang mabait na bata pala ako haha.

Was fate really love playing with me or what? Kasi nung nagpakilala na sya parang may kung ano na di ko marinig yung sinabi nya.. oo maingay yung hall pero matalas naman pandinig ko.. Haha minsan nang nangyari sa'kin to, yung parang defense mechanism sya para di ko marinig yung mga bagay na makakapanakit sakin gaya dati nung tinanong yung ex ko kung sinersoyoso nya ba ako nung kami pa dati pero ang narinig ko lang ay malakas na "TIIIIINNNNNNGGGGGG" ganun.. parang bigla akong nabingi..

Kaya ayun natapos yung orientation samin na di ko nalaman yung name ni kowyang gwafu na perfect yung kilay, at matangos ang ilong as i stated este ano ba tawag dun... basta tawag ko sa kanya Mr. I dunno the name..

Weird... masyadong weird kaya na curious ako sa kanya, bakit nga ba pamilyar ang mata nya? Bakit parang nakita ko na sya dati? Bakit parang matagal ko nang gustong makita ang mga matang yun? Huhu can somebody tell me what is it?

SCARLET INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon