Love knows no boundaries

7 4 0
                                    

It has been a year since I met Zen and became a friend of mine. She's a bubbly woman, happy go lucky and a pervy one. Meanwhile I am an indifferent person, a cold one, a silent yet deadly, though I am also a very crazy, weird and a little bit pervy too. And yeah we were both have crazy and perverted mind. Whenever we have time, we always talk about our beloved fictional characters, talk about lewd topics specially those scenes from the stories we have read containing mature and erotic scenes.

Hindi ko alam kung papaano nagsimula ang lahat ng kakaibang nararamdaman kong ito pero isa lang ang sigurado ako, I am too comfortable with her na kahit na anong topic namin ay kaya kong sabayan. Usually tahimik lang ako, but with her I can talk countless words. It feels like there is something in her like a spell or enchantment to keep me talking. Masaya syang kasama, sinasabayan ang lahat ng kaabnormalan ko, kahit pa madalas ang corny ko maybe because I am not used to it? Well masasabi kong abnormal din naman sya eh, mas lamang lang naman ako ng mga fifty percent siguro? Haha kidding pero seriously mas lamang talaga ang kaabnormalan ko sa kanya mga sixty percent.

One time habang kumakain kami sa cafe kung saan kami nagkita, nasabi nya sa akin na may nagugustuhan na raw sya. I ask her who but she just shrugged her shoulders. Hindi ako mapakali ng mga oras na yun, nag o-overthink na rin ako at hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko. Hindi ko ma gets kung bakit ganito pero pakiramdam ko ang sakit-sakit, parang ang sakit isipin na may isang tao na magpapasaya sa kanya maliban sa akin. I knew I sound so selfish pero masisisi nyo ba ako kung gusto kong sa akin lang sya? Hindi man ako sigurado kung ano man itong nararamdaman ko pero alam kong malalim ito, and I want her for myself alone. Ang isipin pa lang na may kasama syang iba na syang nagpapatibok sa puso nya ay parang dinudurog ang puso ko, pakiramdam ko nababasag ang puso ko kahit pa hindi naman made of glass yung heart, muscle naman yun eh.

"Basta punta ka sa linggo dun sa may garden, yung tambayan nating dalawa pag trip nating magbasa ng payapa" she said with a smile.

"Okay" alanganin akong ngumiti sa kanya kahit pa gusto ko nang maiyak sa sakit na nararamdaman ko. Maybe I have fallen inlove with her.

The day had come and here I am battling with myself kung pupunta pa ba ako dun sa garden o 'wag na lang kaya. But then mas nanaig sa akin ang kagustuhan na pumunta. Malayo pa man sa tagpuan namin ay kabado na ako, hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko masasaktan lang ako.

"Raine dito" tawag sa akin ni Zen nang makita ako, kumakaway-kaway pa sya habang may malaking ngiti sa mga labi.

Hmmm. Somethings fishy. May maganda siguro syang balita. I thought to myself. Hindi ko alam pero may kumudlit na kirot sa puso ko.

"Ahmm, so ano na" natanong ko sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi ko alam kung tama ba ang approach ko.

"Andito na sya" she said with a sweet smile plastered on her lips.

What does she mean na andito na sya? Does she mean the one that she likes?

Nakakunot lang ang noo ko na nakatingin sa kanya but her smile never faded. Mukhang masayang-masaya nga sya.

"I mean yung taong gusto ko, andito na sya" paglilinaw nya. I immediately searched the whole area, ang ipinagtataka ko lang ay bakit wala akong ibang makita sa garden.

"Huh? Eh wala namang tao ah" sabi ko pa sa kanya pero hindi parin nawawala ang magandang ngiti nya. I swear selos na selos na ako sa kung sino man ang gusto ni Zen na nagagawa nyang ngumiti ng ganito kaganda kahit hindi naman sya nagpapakita.

"Mali ka, andito na sya" sabi nya pa. Kumunot noo ako kasi wala naman talaga akong nakikita sa garden maliban sa amin eh.

"Eh wala nga" medyo inis na na sabi ko.

She just chuckled and held my face which stunned me.

"Zen b-bakit?" I stuttered.

"Bat ba kung saan saan ka nakatingin? Eh wala naman dyan yung taong gusto ko" sagot na na mas lalong nahpagulo ng utak ko. Naguguluhan ako sa kanya. Nang makita ang kaguluhan sa mukha ko natawa sya.

"Nandito lang yung gusto ko Raine, nandito sa harap ko" mahina nyang sabi, sapat lang para marinig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, bumilis din ang tibok ng aking puso. Parang ang sarap sa pakiramdam, parang kanina lang ay halos mamatay na ako sa selos pero ngayon ang sarap sa pakiramdam. Hindi naman sa nag aassume ako pero ramdam kong ako ang tinutukoy ni Zen.

"Yes Raine, ikaw ang taong yun. Ikaw lang at wala nang iba" she said sweetly then captured my lips.

"Gustong gusto kita, magmula pa noon, at ramdam kong ganun ka rin" she said in between kisses. Wala na akong sinabi pa, hinalikan ko sya pabalik para makompirma ang pakiramdam nya.

I closed my eyes as I savour her kisses. I never knew I could be this happier with her. Mas masaya pala pag pareho kayo ng nararamdaman.  We both share the same gender but we do believe that love knows no boundaries.

SCARLET INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon