Kamay kong muntik humawak sa bakal

43 6 0
                                    

Kasama ko si kuya Jace sakay ng multicab pauwi sa kanya kanya naming boarding house. Yep magkaiba kami ng tinutuluyan since bawal magsama sa iisang boarding house ang lalaki at babae na boarders kahit magkapatid pa yan. Well, under the University premises eh kaya kailangan sumunod.

Galing kami sa galaan, yun yung bonding namin eh, pag free kami pareho or may pinahatid yung mama namin. Sabay kaming mamimili ng kung ano ano. Hahaha isipin mo na lang na kunyari madami kaming pinamili..

Kung ano anong karupukan, kaharutan ang kalanturan ang topic namin pag kami magkasama. Kung hindi tungkol sa mga crush namin na di kami kinrassback eh yung mga matripan namin na mga cutie, hottie, mga bb, basta gwapo ganun. Hahaha ayy nga pala remembrance... baklita po yung kapatid ko kaya ganun kaharot, tsss pati tuloy ako nadamay, nahawaan ng harot with charot virus.

Habang umaandar yung sinasakyan namin puro lang kami kwentuhan, minsan naman nililibot ko yung paningin ko sa mga kasama naming pasahero..

"Cutie 101 spotted" sabi ko sa isip. Syempre di ko naman ipahahalata yung tinatago kong kaharutan eh.. dun lang talaga sa krass kong di marunong mag krass back. Dun lang nga ako may lakas ng loob eh deadma pa..psh

Maya maya pa, tumigil ang sinasakyan namin, alam mo na may bababa na pasahero o di kaya may sasakay.

Inayos ko ang pagkakaupo tapos inabot yung bakal na hawakan. Yun lang bago ko pa maabot eh biglang umusad yung sasakyan kaya imbis na makakapit eh nawalan ako ng balanse at muntik nang masubsob sa unahan.

Ayy sayang muntik lang.. hahaha charot.

Medyo napayuko ako na naka lean forward ng onti. Yung kamay kong nabitin sa ere kanina na ihahawak ko sana sa bakal na hawakan eh muntik na ding humawak ng ibang bakal kasi pag angat ko ng ulo ko dun ko lang napansin na muntik na talagang magkasala yung kamay ko, malapit na sa ano nung lalaking kaharap ko eh..

"Pfftt" narinig ko ang pagpipigil ng tawa ng hinayupak kong kapatid kaya napaayos ako ng upo. Namumula ako sa hiya dahil sa pesteng kamuntik-muntikan nang mahawakan ng kamay ko yung bakal nung tao.

Napatingin ako sa kanya na gulat parin tapos napatingin sakin, kalaunan ay umaktong parang walang nangyari pero kita ko yung pagkawala nya ng munting halakhak kaya ayun awkward akong napakamot ng ulo. Yung mga katabi nya naman ayun natatawa parin. Nilibot ko naman ang paningin ko sa iba pa, yung iba parang may sariling mundo pero yung mga kalapit lang namin natatawa parin.

Ngiting ngiti pa din yung kapatid ko, samantalang ako hiyang hiya na.. huhuhu lupa lamunin mo na ako ngayon na..

Powny*ta ka manong driver ah. Ayus ayusin mo naman oh. Muntik na akong nagkasala dahil sayo eh.

"Dai, sayang dun sana lumanding yung kamay mo sa ano nya" bulong sakin ng hinayupak kong kapatid. I just give him my infamous death glare.

The F? edi mas lalong nakakahiya yun. Buti na nga lang di dun sa bakal nya lumanding yung kamay ko kundi baka tumalon na ako palabas.. psshhh..

Pagkahinto ng sasakyan dali dali akong bumaba kasama ng kapatid ko. Pagkatapos kong mag abot ng bayad umalis na ako agad baka masapian ako ng kademonyohan at maisipan kong sakalin si kuyang driver.

Psh.. Sa susunod di na ako mag iisip na kumapit sa bakal na hawakan ng sasakyan kasi baka sa susunod ibang bakal na talaga mahawakan ko...

Ge hawak pa sa bakal ha..

A/N: bored ako kaya naisipan kong isulat yung nakakahiyang experience ko... hahaha..

SCARLET INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon