Stay awake till dawn

17 6 0
                                    

____
"Hey love, Happy anniversary!" she greeted me at 11:11 of October 15, 2019, the exact moment of how our love story officially started being a couple. Hindi ko alam kung sadya o nagkataon lang na mismong 11:11 naging kami pero more or less mahal ko sya. Mahal na mahal.

Our relationship goes smooth, sometimes bumpy yet at the end of the day we choose the love that holds us. Ang saya namin, may plano na din kaming magpakasal sa taong 2021. But things turn upside down, isang hindi inaasahan ang nangyari. October 15, 2020. Our 3rd anniversary hindi ko alam kung ano ang mali sa relasyon namin. Nakipaghiwalay sya sa akin, the moment I asked her to marry me. My world broke, and crushed into pieces. Okay naman kami, napag usapan na din namin paminsan minsan ang kasal kaya nagtaka ako kung bakit nakikipaghiwalay sya ngayon.

I asked her why pero wala syang ibang sinabi kundi 'kalimutan mo na ako'

Like the fuck. As if naman ang daling gawin ng hinihingi nya.

'Love anong nangyari? Bakit ganito? Anong problema? Bakit kung kelan tutuparin na natin yung matagal na nating pangarap na bumuo ng pamilya, eh dun ka naman bumitaw?'

Gustong gusto ko isumbat sa kanya lahat hinanakit ko pero di ko magawang magsalita.

The moment she turn her back on me, hindi ko sinasadyang mapatingin sa relo ko. It was 12:51 pm. Masakit ang sikat ng araw na tumatama sa akin sa mismong kinatatayuan ko kung saan ko sana isusuot ang singing na ipinangako ko pero mas masakit sa loob ng puso ko.

2 months passed.

Hindi ko parin magawang kalimutan ang babaeng mahal ko. Wala eh. Mahal na mahal ko sya kahit pa ipinagtabuyan na nya ako. Kung hindi nya matutupad ang pangako namin na mamahalin namin ang isa't isa hanggang dulo, ako ang tutupad para sa aming dalawa kahit pa bumitaw na sya.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagbisita ng mama nya sa bahay.

"Clyde kailangan ka ni Sam, alam kong nasaktan ka nya pero pwede bang kahit ngayon lang puntahan mo sya. Please" her mom begged.

At sino ba naman ako para ipagtabuyan ang mama ng babaeng mahal ko, at isa pa gusto ko din syang makita. Kaya kahit nanumbalik ang sakit sa puso ko ay isinantabi ko muna.

Ang dami ko ding gustong itanong sa kanya, king bakit ganon pero nang makita ko ang kalagayan nya ay di ko magawang magsalita. Ang payat na nya, nanghihina, maputla at halatang nahihirapan.

Tears roll on my cheeks as I stared at her. She paint a small smile on her lips while looking at me intently. Halata sa mga mata nya na ang dami nyang gustong sabihin, halatang nahihirapan sya, nasasaktan. At dinudurog ang puso ko sa nakikita ko.

"I-I'm s-sorry. I'm sorry if I left. I-I'm sorry for b-breaking my promise. Pero hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal. I love you. I really love you to the point na ayokong habang buhay kang magdusa sa pagkawala ko, mas pipiliin ko pang isipin mo na hindi na kita mahal kaysa makita kitang nasasaktan. Ayokong ipaalam sayo ang totoo pero gumawa pala si mama ng paraan. It breaks my heart seeing you in pain kaya minabuti kong iwan ka. Mahal kita. Mahal na mahal pero sana kalimutan mo na ako, kahit mahirap please gawin mo"

The exact words she said. Gusto kong manumbat for making a decision for me. Pero mas pinili kong itago ang gusto kong sabihin.

"No love. Please hayaan mo akong mahalin ka. Don't tell me to forget you kasi yun ang pinaka hindi ko kayang gawin"

She suffered from brain cancer at bilang nalang ang natitirang araw nya.

Kaya sinulit namin ang bawat araw na magkasama. Kinalimutan ang masakit na alaala ng pagbitiw nya.

Ngayong ang predicted na huling sandali nya pero hindi sigurado kung anong araw o oras, we go to our favorite places for the day at ngayon ay nasa dalampasigan kami, nakatanaw sa liwanag ng buwan at mga bituin. Nakahilig sya sa balikat ko habang magka hawak kamay at ang isang kamay ko ay nakapulupot sa katawan nya.

"Love, the moon is beautiful isn't it?" I said in a low voice pero sapat na para marinig nya.

She look at me with tears starting to fall from her eyes and a small curve on her lips, she replied.

"I can die happy" alam kong double meaning ang sinabi nya, she feels the same at the same time literally talking about dying and it breaks my heart hearing those words from her.

Maya maya pa ay bumalik sya sa pagkakahilig sa balikat hanggang sa lumalim ang kanyang paghinga. Pero alam kong sa pagkakataong iyon ay namamaalam na sya. That it would be the last I love you from her. That she wont open her eys again kasi ramdam ko ang lamig ng katawan nya.

3:00 am. The moment she already left me. I want her to stay awake but she only made it until dawn. I cried silently.

Wala na sya. Wala na ang babaeng mahal ko, ang babaeng pangarap kong makasama hanggang sa pagtanda ay tuluyan nang iniwan ako at hinding hindi na sya babalik. It was dawn when we said our last I love you.

___
A/N: still an unedited version

SCARLET INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon