Bahay-kubo

9 2 0
                                    

⚠️WARNING: SPG⚠️

[This might contain scenes or languages that are not suitable for some readers. Please do have a strong heart if you read this. If you ain't into this kind, you may skip the story]

"Bahay kubo"
✍ Scarlet Rain

"Bahay kubo kahit munti
Ang pagkain doon ay sari-sari
May laman, may dugo
May kamay at may paa
May bungo, may mata, may tainga
May puso't bituka, leeg na tumutulo pa
At saka mayroon pang
ari ni kuya
kay tito, kay papa
At sa ilan nilang barkada
Sa paligid-ligid ay damit na sira-sira.
Hahahahahahahahaha hahahahaha" umalingawngaw sa bawat sulok ng may kadiliman na kubong iyon ang tawa ng isang taong tila nasisiraan na ng bait. Magkahalong hinagpis at tuwa ang nakapaloob sa demonyong tawang iyon ng dalaga.

Iginala niya ang paningin sa kubong iyon at mas lalong natuwa sa nakikitang galit na sumasalamin sa mata ng ina. Nagngingitngit ang kalooban ng ginang, magkahalong poot at takot ang nararamdaman habang nakatingin sa anak niyang tila sinapian na ng demonyo. Subalit kahit anong galit niya ay wala siyang magawa dahil nakagapos ang mga kamay at paa sa upuan.

Mas lalong nasisiyahan ang dalaga sa nakikita, lalo na ang pagkahabag ng ina sa mga tinadtad na parte ng katawan na nasa mesang kaharap lang nito. At sa sobrang tuwa niya ay hindi niya mapigilan ang tumawa.

"Hahahahaha segi lang, magalit ka pa Mira" tawa niya rito.

"Demonyo ka Maya, pakawalan mo ako rito. Demonyo ka" nanggagalaiting sigaw nito sa anak.

"Demonyo?" nanunuyang tanong niya sa ginang.

"Ikaw at sila. Kayo, kayo ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Hindi ba't ikaw ang nag-utos sa kanila na galawin ako, na babuyin ako? Sinong matinong ina ang mag-uutos sa asawa at anak niya, pati mga barkada nito na babuyin ang isa pang anak? Hindi ba't kayo rin ang demonyo? At ngayon galit kayo sa kapwa niyo demonyo na kayo rin ang may gawa? Haa naririnig mo ako? Ginawa nyo akong demonyo" galit rin na sigaw niya rito. Subalit, bigla siyang ngumiti rito ng matamis, dahilan para mangamba ang ginang.

"Pero huwag kang mag-alala. Mararanasan mo rin ang naranasan nila" nakangising saad niya sa ina—isang ngising demonyo. Kasabay niyon ay ang pagbaon ng kutsilyo sa dibdib nito, pagkatapos ay sa lalamunan, sa mukha, sa hita, sa kung saan mapadpad.

Nang matapos ay pinahid niya ang mga duhong tumalsik sa kaniyang mukha at saka lumabas ng kubong iyon at saka lumabas. Sa gilid ng kubo ay naroon ang basyo ng gasolinang ibunuhos niya sa buong kabahayan, may natira pang kaunti rito kaya naman isinaboy na pa ito hanggang sa wala nang matira pagkatapos ay sinindihan.

Habang nasa malayo ay tinanaw niya ang kubong tinutupok na ng apoy. Ang kubong naging saksi ng paghihirap niya sa kamay ng sariling ama, kapatid, tito at ng iba pang hindi niya kilala. Ang kubo kung saan siya pinagsamatalahan nang walang kalaban-laban, binaboy, niyurakan, inapak-apakan ng ilang ulit.

Kasabay ng pagtupok ng apoy sa kubong iyon ay ang paglandas ng kaniyang nga luha. Kahit nagawa na niya ang lahat ng iyon ay hindi pa rin siya masaya. Kasi habang-buhay nang nakatatak ang sugat sa puso niya. Pinahid niya ito pagkatapos ay tumawa siya ng tumawa. Tama nga ang ina niya, demonyo siya. Nagpaalipin siya sa galit na nadarama at ngayon ay nagawa niya ring kitilin ang buhay ng mga taong sumira sa pagkatao niya. 

SCARLET INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon