I LOVE YOU but you cant be mine

32 7 0
                                    

"I LOVE YOU ZENIA" the man of my dreams shouted his heart out. Hawak hawak nya ngayon ang microphone habang masayang ipinagsisigawan ang pagmamahal nya. Kahit malayo layo ako ay dinig na dinig ko ang love confession nya.

"Alam ko mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko kasi palagi kitang pinagtutulakan palayo. Pero nagagawa ko lang naman yun kasi ayokong guluhin ka kasi sabi mo masaya ka kasama si Zuhair" puno ng pagmamahal na may halong pait na bigkas nya sa bawat salitang binibitawan nya.

"Pero ng malaman kong sinasaktan ka nya, gagawin ko ang lahat makuha ka lang. Kasi mahal na mahal kita at di ko matitiis ang makita kang nahihirapan kasi para na din akong pinapatay nun" patuloy pa nya

"Lalo pa ngayong mahal mo din pala ako, yun nga lang di mo pa ako kayang ipaglaban. Pero please hayaan mo akong mahalin ka. Hayaan mo akong kalagan ka sa mga nakabuhol na pising nakatali sayo. Hayaan mo akong ipaglaban ka. Kung di mo kayang lumaban, ako ang lalaban para sa ating dalawa. Mahal kita Zenia, mahal na mahal at di ko alam kong kaya ko pa bang lumipat ng ibang pahina kung wala ka. Kaya sana hayaan mo akong gumawa ng paraan para ipagpatuloy ang storya nating dalawa" nakangiti, puno ng pag asa at punong puno ng pagmamahal niyang sambit.

"MAHAL DIN KITA ZYPHER, at handa akong lumaban kasama ka, sabay nating ipaglaban ang pagmamahalan nating dalawa" she replied

"I love you too Zypher. I love you so damn much. Noon pa " i whisphered habang nakatingin sa kanilang dalawa. Mula sa kinatatayuan ko ay dinig ko pa ang hiyawan ng mga tao na halatang nasisiyahan sa nasaksihang pagmamahalan na pilit nilang ipinaglalaban.

Oo hindi ako ang babaeng tinutukoy nya kundi ang pinakamamahal niyang si Zenia. Andito lang ako sa may gilid, pinapanood ang taong mahal ko na masayang masaya kasama ang mahal nya. Isang kalokohan na narito pa ako, pero di ko magawang umalis kasi isa ako sa inaasahan ni Zypher na makita sa pagtatapat  niyang to. Kaibigan nya ako, bestfriend pa at syempre bilang bestfriend nya gusto nya na andun ako mismo. Bestfriend nya ako pero di nya alam na matagal ko na siyang minamahal.

Masakit kasi ako yung taong andyan pag may problema sya, yung masasandalan nya, mapagsasabihan ng lahat ng nararamdaman nya, mga hinanakit at lahat lahat pero hindi pala sapat na palagi kang andyan para mahalin ka din ng taong mahal mo no? Kasi kahit pala mahal na mahal mo sila, hindi mo iniwan sa oras na kailangan ng karamay, ng tagapakinig, tagapayo, tagatanggap pag pinagtatabuyan sila ng mundo, pag di ikaw ang mahal, ikaw padin ang talo. 

Masakit. Oo Masakit man pero kakayanin ko, magiging masaya ako para sa kanya, sa kanila kasi sa kwentong ito sila ang bida, ako ang taga suporta. Mahal ko si Zypher kaya para sa ikaliligaya nya, magpaparaya ako para sa kanya.

Ako si Zein, ang bestfriend ni Zypher na lihim s'yang minamahal pero magpaparaya ako para sa kanila ng mahal nya, sa kanila ng kapatid kong si Zenia.

I love you Zypher but you cant be mine. It's because you belong in her arms, in my sister's arms.

SCARLET INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon