Chapter 7. "It still haunting me"

3.6K 162 4
                                    

Chapter 7. "It still haunting me"

Lowell's POV

Buong biyahe kong pansin na hindi palagay si Trish. Para bang may kinakatakot siya, para bang may isang bagay siyang hindi masabi na nais na niyang sabihin. Hindi ko alam kung ano, pero sana maayos niya kung ano man ang problema niya. Nilingon ko si Trish mula sa front seat katabi ni Steve na nakaupo sa driver seat habang si Trish naman ay mag-isa sa back seat. Nakamasid lang siya sa labas ng sasakyan habang may lungkot ang mukha na tila ba may bumabagabag sa isip niya.

Natigil ako sa pag-iisip at pag tingin kay Trish nang biglang huminto na ang kotse ni Steve. Tiningnan ko siya at ganun din siya sa akin. Nginitian niya ako habang tinatanggal niya ang seat belt sa katawan niya pagtapos niya tanggalin ang seat belt niya nabigla ako nang bahagya siyang lumapit sa akin at halos yumakap na siya sa akin. Akala ko tuluyan na niya akong yayakapin pero napagtanto kong mali ako ng iniisip nang marinig ko ang ginawang ingay ng seat belt pagkatanggal niya.

Pagkahiwalay niya bigla akong napapikit nang may lumabas na imahe katulad ng nangyari kanina sa isip ko. Ipinikit ko ang aking mata upang alalahanin pero sumakit lang ang ulo ko kaya naman ay dumilat na ako at hinawakan ang ulo ko.

"What's wrong, Lowell? Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Steve sa akin.

"Lowell, okay ka lang?" Tanong naman ni Trish mula sa back seat ng kotse.

Huminga ako ng malalim at unti-unting tiniis ang sakit ng ulo ko at tsaka sila tiningnan at ngumiti kahit na may kirot na nararamdaman.

"Yeah, I'm fine." Saad ko.

"Magpahinga ka na." Sabi ni Steve. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango bilang pagsang-ayon.

Bumaba na si Steve ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Pagbukas niya ng pinto sa akin ay taimtim ko siya tiningnan mula sa loob ko ng kotse. Napapaisip lang ako, bakit wala akong maalala tungkol kay Steve. Bakit wala akong maramdamang kakaiba sa kanya? Hindi ba boyfriend ko siya? Ibig sabihin mahal ko siya.

"Let's go, Lowell." Nagising ako sa pagkatulala sa kanya pagkatawag niya sa akin.

Inabot niya sa akin ang kamay niya para alalayan sa pagbaba. Paglabas ko ng kotse at napalinga ako nang umagawa sa atensyon ko ang isang malaking bahay. Ito ang bahay namin, mala-palasyo ito tingnan mula sa labas. Habang pinagmamasdan ko ang bahay namin, pakiramdam ko ay parang matagal akong nawala sa bahay na 'to. Pero isang linggo lang naman akong nanatili sa ospital pero bakit pakiramdam ko parang ang tagal kong nawala sa bahay na 'to. Isa pa, bakit parang hindi ako masayang uuwi na ako?

Inalalayan ako ni Steve pumasok sa loob ng bahay namin. Nauna naman na si Trish para ihatid sa kwarto ko ang ilang gamit ko. Pagpasok ko sa loob, makikita mo agad ang isang malawak na salas. May malaking chandelier na sobrang liwanag at pulido ang mga furniture na makikita. Mayaman nga talaga kami, pero kung anong ganda ng bahay na ito. Mararamdaman mong hindi ito masaya, hindi masaya ang mga nakatira rito.

"Lowell, tara na sa kwarto mo." Sabi sa akin ni Steve. Kinuha naman ng katulong ang dala niyang bag at inalalayan na niya akong umakyat ng hagdan.

Pag-akyat mo ng hagdan ay makikita mo ang mga nakasabit na litrato ng pamilya namin. Meron isa na magkakasama kami at merong tigiisa kami. Huminto ako sa pag-akyat at pinagmasdan ang larawan ng pamilya namin. Naroon ang mga magulang ko at kami ni Kuya Lourd.

Bigla namang nag-ring ang phone ko kaya agad kong kinuha ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pagtingin ko sa screen ay nakita ko ang pangalan ni Kuya Lourd. Agad kong sinagot ang tawag niya.

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon