Chapter 11. "It's You, My Love"

4.7K 181 17
                                    

Chapter 11. "It's You, My Love"


Lowell's POV

Umuwi na ako sa bahay nang lutang isip dahil sa mga naalala ko kanina. Pagdating ko ay sinalubong nila ako para tingnan ang gown na susuutin ko sa kasal. Pero sinabi kong bukas na lang at pagod ako. Agad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang mga nakita kong gamit noon sa basurahan na bigay ni Jouward sa akin. Kung tutuusin hindi ko pa rin maalala ang lahat lahat sa amin. Hindi ko ko pa rin maalala ang mga napagusapan namin, mga nangyari sa relasyon sa amin. Tila pinagkakait sa akin ng isip kong maalala pa ang lahat ngunit sa kabila non ay lumalaban ang puso ko at patunayan sa isip kong mahal ko si Jouward. Maaaring makalimot ang isip pero hindi ang pusong nagmamahal. Hindi kailanman.

Naupo ako sa kama ko hawak ang kahon na pinaglagyan ko ng mga sulat, litrato at kung ano ano pang bagay na bigay sa akin ni Jouward. Alam kong importante sa akin ang mga bagay na 'to, hindi ko man maalala ay pinaparamdam naman ito ng puso ko. Habang pinagmamasdan ko ang mga litrato at sulat ay muli kong naalala ang nangyari kanina. Ang sakit. Ang sakit ng ginawa ko sa kanya pero siya ang nasa bingit ng kamatayan. Matapos pa 'non ay hindi ko man lang naalala ang ginawa niya para sa akin. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito?

Tumulo na naman ang luha sa mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi.

"Lowell, mahal kita."

Isa pa sa ipinagtataka ko at gumugulo sa aking isip ay si Joe. Bakit niya nasabi ang mga bagay na 'yon? At bakit ba kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Bakit katulad ng nararamdaman ko kay Jouward.

Iniligpit ko na ang hawak kong kahon at nilibot ng tingin ang buong kwarto ko.

"Joe? Nasaan ka?" Mahinang sabi ko habang palinga-linga sa paligid. "Magpakita ka." Dugtong ko. Pero tanging katahimikan lang ang sumagot pabalik sa akin. Malalim akong huminga at napaupo sa kama ko at natulala.

"Lowell." Nagising ang diwa ko nang marinig kong may tumawag sa akin. Pagtingin ko kung sino ay nakita ko nga siya.

"Joe." Gulat kong sabi pero bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi nga pala naging maganda ang huli naming pag-uusap. "Sorry." Sambit ko.

"Wala 'yon, mabuti at hindi ka napaano kanina." Seryosong sabi niya. Hindi ko siya tiningnan pero ramdam kong nakatingin siya sa akin. Narinig ko pa siyang malalim na huminga at naglakad-lakad sa loob ng kwarto ko. "Siya nga pala, sa mismong kasal mo ay mawawala na ako."

Mabilis akong napatingin sa kanya at biglang nanikip ang dibdib ko kasabay ng pagiipon ng luha sa mga mata ko.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Saan ka pupunta?"

Tiningnan naman niya ako at nagtama ang aming mga mata. Nakikita ko sa mga mata niya ang pilit na ngiti pero sa likod non ay nagtatagong lumbay.

"Hindi ko alam, baka sa langit?" May pagbibiro niyang sabi at saka iniwas ang tingin niya sa akin. Pagkaiwas niya ng tingin sa akin ay biglang humangin ng malakas. Dahil nakabukas pa ang bintana ko ay pumasok ang hangin sa kwarto ko at hinangin ang buhok ni Joe dahilan para makita ko ang isang pamilyar na bagay sa ibaba ng tainga niya.

Nanlalaki ang aking mga mata habang nanggigilid ang mga luha. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang aking mga tuhod. Hindi, mali ba ako ng nakita? Namalik mata ba ako sa aking nakita?

Sumagi sa isip ko ang katulad ng bagay na nakita ko sa ibaba ng tainga ni Joe at isa na namang nawalang alaala ang bumalik sa isip ko.

"Lowell, may sorpresa ako sayo." Masayang sabi ni Jouward sa akin. Nasa gitna kami ng parke habang magkaharap at hawak niya ang aking mga kamay. Tumawa ako sa sinasabi niyang sorpresa dahil mukhang masayang masaya siya.

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon