Chapter 9. "No one can replace"

3.4K 165 4
                                    

Chapter 9. "No one can replace"     

Lowell's POV

            Tulala at nanglalaki ang aking mga mata habang napupuno ng mga luha at patuloy na umaagos pababa sa aking pisngi. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa mga nalaman ko. Naiinis din ako sa sarili ko dahil sa nalaman ko, kahit na may nalaman ako bakit wala pa rin akong maalala.

            "Lowell, gusto ko na sanang sabihin sayo kaso, pinagbawalan ako nila Tita at Tito, inutusan din nila akong itapon lahat ng mga gamit mo na maaaring magpaalala sayo tungkol kay Jouward, Lowell patawad." Humahagulgol ng pakiusap ni Trish sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko pero marahan ko lamang itong inalis sa pagkakahawak niya. Tiningnan ko siya ng may pagbabanta sa aking mga mata.

"Trish, tell me...tell me everything I need to remember." Pakiusap ko. Nanginginig ang aking labi sa labis na pagkabigla. "Ano bang nangyari? Bakit wala akong maalala tungkol sa kanya? Bakit wala akong alam sa mga nangyayari at nangyari sa akin?"

Pinunasan ni Trish ang luha niya at umayos ng tayo. Pinahinga niya muna ang sarili at saka ako tiningnan ng seryoso.

"Lowell, dahil sa aksidente nagkaroon ka ng amnesia, at lahat ng alaala mo tungkol kay Jouward ay nawala. Ang sabi ng doctor may mga case raw talaga na ganun, ang cause 'non ay depression na involve ang taong 'yun sa'yo." Paliwanag ni Trish sa akin.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko kasabay ng isang malalim na paghinga. Humagulgol muli ako sa pagiyak dahil sa nalaman ko.

"Isa pa, Lowell kaya nasa comatose stage si Jouward dahil siya ang nagligtas sayo sa aksidente." Nagpanting ang tainga ko sa sinabi ni Trish at muli ay bumuhos ang luha sa aking mukha.

            Inis kong sinipa ang isang drum ng basurahan at napaupo habang umiiyak.

            "Bakit wala akong maalala?" Tanong ko habang humahagulgol. "Bakit?"

            Inalalayan naman ako ni Trish na tumayo pero tinaboy ko lang siya at nagpatuloy sa pagngawa ko. Ang sikip ng dibdib ko dahil sa mga nalaman ko. Nasasaktan ako na hindi ko man lang magawang maalala ang mga nangyari sa amin. Ngayong alam kong nasa isang hukay ang paa ng taong nagligtas sa akin pero hindi ko siya magawang maalala. At ang nabasa kong sulat, ramdam na ramdam kong mahal niya ako pero bakit hindi ko maalala sa kanya 'yon.

            Nang mahimasmasan ako ay pumasok na kami ni Trish sa loob ng bahay. Narito na ako sa kwarto ko, tulala habang hawak ang picture na nasa side table ko. Sinabi rin sa akin ni Trish na si Jouward ang lalaking kasama ko sa larawan. Bagsak na bagsak ang pakiramdam ko habang tinitingnan ang picture.  Pilit ko pa ring inaalala ang nabura kong alaala sa kanya. Pero bakit hindi ko magawa. Naramdaman ko na namang bumagsak ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan at huminga ng malalim. Kanina pa ako iyak ng iyak, namumugto na ang mga mata ko.

            Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Pagluwa ng pinto ay si Trish pala na may dalang tray ng pagkain. Pero nabigla ako sa sunod na niluwa ng pinto, si Steve.

            "Lowell, kumain ka muna." Ani Trish na may lungkot sa kanyang mukha sabay lapag ng tray sa mesa.

            "Wala akong gana, Trish." Mabilis kong saad.

            "Lowell, kumain ka." Sabat naman ni Steve.

            "Ayoko! At wag kang umarteng boyfriend kita Steve! Dahil hindi ikaw ang boyfriend ko!" Sigaw ko kay Steve. Bumakas ang pagkabigla at gulantang sa kanyang mukha.

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon