Chapter 2. "Who are you?"

6.5K 205 19
                                    

Chapter 2. "Who are you?"

Lowell's POV

Nanlalaki at namimilog ang mga mata ko sa nakita ko, pero hindi ko magawang magsalita o sumigaw na parang tinahi ang bibig ko. Tumatagaktak ang pawis ko mula sa akong noo pababa sa aking mukha. Nanginginig ang buong kalamnan ko at sobrang takot ang aking nadarama. Hindi nga ako nagkamali, may ibang tao nga bukod sa akin. At hindi siya ordinaryong tao. Isang siyang multo. Hindi ko magawang ikilos ang katawan ko habang nakatulala sa kanya dahil nanginginig ako sa takot.

Napalunok ako. Naroon lang yung lalaking multo sa may sofa at may kung anong ginagawa na hindi ko naman alam dahil hindi ko makita gawa ng nakatalikod siya sa akin. Narinig ko siyang tumawa ng malakas na akala mo'y wala ng bukas.

"Ang pangit naman ng picture na 'to!"Malakas niyang sabi sabay hagalpak ng tawa.

Nagtaka ako sa ginagawa niya. Ano naman kaya ang ginagawa niya at tuwang-tuwa siya. Natigil ang pag-iisip ko nang maagaw ng libro sa side table ko ang atensyon ko. Dahan-dahan kong nilahad ang braso ko para kunin ang libro ko sa mesa. Nang makuha ko ito ay mahigpit kong inawakan ang libro. Huminga ako ng malalim at muling tiningnan ang multo na nakaluhod sa sofa at abala sa kung anong ginagawa niya roon habang tuwang-tuwa.

Nang makapwesto ako ng maayos ay inasinta ko siya at malakas na ibinato ang librong hawal ko sa multo, pero nanglaki lang ang mga mata ko nang biglang tumagos lang ang binato kong libro sa katawan niya.

"Aray ah!"Sigaw ng multo at saka siya tumingin sa akin.

Bumungad ang isang putting maskara na suot niya. Pero kita ko pa rin ang mga mata niya sa dalawang butas ng maskarang suot niya. Mabilis na kumabog ang dibdib ko at pinagpapawisan dahil sa takot nang magtama ang aming mga mata. Siniksik ko ang sarili ko sa dulo ng kama habang tulala at nakatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwalang nakikita ko siya.

"N-Nakikita mo ako?"Nagtatakang tanong niya sa akin.

Tahimik lang ako habang nanginginig sa takot at nakatitig sa kanya. Tumayo ang lalaking multo at dahan-dahan na naglakad patungon sa akin.

"Bakit mo ako binato kung di mo ako nakikita?"Nagtatakang sabi niya at inilagay pa niya ang kamay sa ibaba ng kanyang baba na wari mo ay nag-iisip.

Nang makalapit na siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napasigaw na ako.

"MULTO!" Malakas kong sigaw. "Tulungan niyo ako!"

"Aha! Nakikita mo nga ako!"Nagagalak niyang tinuran. "Yehey! Nakikita niya ako!"Narinig kong masaya niyang sabi at nagsasasayaw pa sa ere.

Nagtaka ako at napatigil pagsigaw ko at tiningnan siya. Bakit mukhang masaya pa siya? Baliw ba siya? Ang kanina ay kaba sa dibdib ko ay bahagyang nawala.

"Pero multo ka!" Mahina kong sabi sa kanya. Tiningnan naman niya ako at tumawa. Habang nakatingin ako sa mga mata niya, kitang-kita ko ang galak sa mga nangingislap niyang mata.

"Alam ko, dini-deny ko ba?"Pambabara niya sa akin. Naramdaman kong nawala na ang takot ko dahil sa ugali ng nilalang na 'to. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pambabasag niya.

"So multo ka nga?" Mataray kong sabi sa kanya.

"Oo nga, paulit-ulit?"Sarkastikong sabi niya. Kumunot ang noo ko sa inasal niya. Aba'y abnoy ang isang 'to ah. Napasinghap ako habang masama siyang tinitingnan. Inirapan ko siya at tinalikuran.

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon