Chapter 8. "Last 20 days"

3.5K 169 7
                                    

Chapter 8. "Last 20 days"

Lowell's POV

"Ikaw?!" Bulaslas ko pagkakita ko sa kanya.

"Na-miss mo ba ako?" Tanong naman niya sabay tawa. .

"Joe!" Singhal ko sa kanya.

"Yup, wala ng iba pa" Bilib niya pang sabi habang ako halos manghina na sa kinatatayuan ko sa sobrang pangangatog dahil sa pang-gugulat niya sa akin. "Oh bakit mukhang natakot ka? Hindi ka ba masayang makita ako ulit?" Galak niyang sabi na may kasama pang pagtawa

Huminahon naman ako pero naiinis ako sa kanya, kailangan ang manakot? Pero sa isang banda, kakaibang ginhawa at saya ang naramdaman ko nang makita ko siyang muli.

Bigla siyang bumangon sa kama at tumayo sabay inikot ng tingin ang kabuuhan ng kwarto ko. Nagsalubong naman ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya. Sinusundan siya ng tingin nang maglakad siya paalis sa kinatatayuan niya. Naglakad-lakad siya sa loob ng kwarto ko habang nakapamulsa at tumitingin-tingin ng mga bagay-bagay na akala mo ay nasa park siya at namamasyal.

Huminga ako ng malalim at humalukipkip sabay taas ng kilay ko sa kanya. Hindi niya naman ako pinapansin at tahimik lang siyang nagmamasid sa buong kwarto ko.

"Ano bang ginagawa mo rito?" Inis kong tanong sa kanya. Napalingon naman siya sa akin.

"Hindi ko nga rin alam, Lowell eh. Nagtataka rin ako." Walang muwang niyang sabi sa akin. Sa sinabi niya mukhang mas naguluhan ako. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko at nagtaka sa sinabi niya.

"Anong hindi mo alam?" Naguguluhan kong tanong sa kanya at may halong pagkairita.

Iniwas niya ang tingin sa akin at naglakad papunta sa kama sabay naupo. Pinagmamasdan ko siya at napansin kong nakatingin siya sa picture na nakalagay sa side table ko, iyon ding tiningnan ko kanina.

"Hindi ko alam, Lowell pero noong lalabas ka na ng ospital, sobrang nalungkot ako. Alam mo yung pakiramdam na mawalan ng mahal na buhay?" Seryoso niyang sabi. Ang kaninang salubong kong kilay ay nawala at napalitan ng lumbay habang tinitingnan ko siya. "Ganoon ang pakiramdam ko, Lowell." Dugtong niya at saka tumingin sa akin.

Nang magtama ang aming mga mata at nakita ko ang saya ngunit may lungkot sa kanyang mga mata. Natulala ako sa mga mata niya na nagpapalutang sa puso ko. Bigla ring umihip ang hangin sa loob ng kwarto ko mula labas na pumapasok sa bintana at tinatangay ang buhok ni Joe.

Iniwas niya ang tingin sa akin at binalik sa picture sa side table ko. "Pero nagtataka ako talaga ako bakit ako nakalabas ng ospital kasi sa loob ng siyam na araw, para akong na-trap sa loob ng ospital. Hindi ako makapunta sa ibang lugar kundi doon lang sa ospital. Pero alam mo, Lowell noong lumabas ka ng ospital. Nilakasan ko ang loob ko para makawala sa humaharang sa akin na sundan ka, kaya naman nandito ako" Paliwanag niya.

Masaya siyang nakatingin sa akin, habang ako ay natulala lang sa kanya. Yung mga sinabi niya, lahat ng 'yon hindi ko alam kung totoo o hindi, hindi ko naman siya lubusang kilala pero bakit sobrang palagay ang loob ko sa kanya.

"Joe, saan ka na mapupunta after 20 days?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, sa heaven yata? Alam mo kasi, Lowell ang mga taong namatay na binibigyan pa ng chance ni Lord, para tanggapin nila na wala na sila sa mundong ito. Kaya naman susulitin ko na ang 20 days ko kasama ka." Masigla niyang sabi sa akin. Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon