Chapter 3. "Do I have to?"

4.7K 181 7
                                    

Chapter 3. "Do I have to?"

Lowell's POV

            Balisa at hindi ako mapakali. Kanina pa ako patingin-tingin at palibot-libot ng tingin sa buong kwarto pero wala akong ibang nilalang na makita. Balik-lakad ako at naiinis sa ginawa ko. Hindi ko na makita si Joe. Hanggang ngayon kasi nagi-guilty pa rin ako sa nangyari kanina. Bakit ba ang taklesa ko? Hindi ako nag-iisip, baka nalungkot siya sa tinanong ko.

            "Oy Lowell, okay ka lang?" Iritang tanong ni Trish sa akin habang nilalantakan ang kinakain niyang orange.

            Napatigil naman ako sa paglinga-linga ko at naupo sa kama. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Pero isa pa sa gumugulo sa isip ko ay ang kakaibang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Ano bang ginagawa ko sa sarili ko? Masyado ko yatang pinaniniwalaan ang nararamdaman ko gayong wala naman akong maalala. Bakit ba ako binabagabag ng multong 'yon?

            Hindi ko na lang inintindi ang gumugulo sa isip ko. Pero nang mabaling ang tingin ko sa bintana ay sumagi sa isip ko ang larawan ng mga mata ni Joe habang nakatulala sa may bintana. Kung paano ito nangingislap at nagbabadya ang pagbagsak ng kanya luha kanina. Narinig ko namang pumitik si Trish sa ere sa harap ng mukha ko kaya napakurap ako at napatingin sa kanya. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niyang pag-agaw sa atensyon ko. Pinanlisikan ko siya ng mata pero tinaasan lang ako ng kilay ng loka.

            "Umuwi ka na nga lang, Trish." Inis kong sabi sa kanya at saka siya inirapan at nahiga sa kama.

            "Aba," Aniya at napasinghap "Ikaw na nga ang binibisita! Papaalisin mo pa ako? Ang arte nito! Alam mo cousin, ako na lang ang magbabantay sayo rito. Eh kailan ka ba dinalaw ng Mommy at Daddy mo rito? Ni ha ni ho wala nga silang ginawa? Masyado silang busy sa trabaho." Maktol ni Trish.

            Natulala ako habang nahiga ng patagilid at nakatalikod kay Trish. Tama si Trish kung tutuusin, sa isang Linggo kong pagkaka-confine rito sa ospital mula sa aksidente, hindi pa dumalaw sina Mommy at Daddy, si Kuya Lourd lang ang pumunta sa akin dito pero dalawang araw lang ay bumalik na rin agad siya sa kanila. Doon ko lang napagtanto na ganito pala ang pamilya ko. Parang wala akong halaga sa kanila. Mas abala pa sila sa pagpapayaman nila kesa sa abalahin ang pag-aalaga sa anak nilang kailangan ng pag-aarug sa ganitong oras. Ang hirap ng walang maalala. Hindi ko alam na may miserable pala akong pamilya.

            "Ay siya nga pala Lowell, sa Friday uuwi na tayo ah. Sasama ko si Manang Liz para tulungan ako sa gamit mo, hay nako ang dami ko pang gagawin sa school oh. Baka hapon na lang tayo umuwi, bayad naman na ng parents mo ang lahat." Sabi ni Trish. Bumangon ako at  naupo sa kama at tiningnan siya.

            Bagsak ang kilay ko at nangungusap ang aking mga mata habang napapabuntong hinga habang kaharap si Trish.

            "Ayaw ko pang umuwi Trish, dito na lang muna ako." Pakiusap ko sa kanya. Nilakihan naman niya ako ng mata.

            "Ay sira ulo uuwi na tayo, bakit ano bang gusto mo dito sa ospital? May masakit oa ba sayo?" Tanong niya sa akin.

            Iniwas ko ang tingin sa kanya at napaisip, ano nga bang gusto ko sa ospital na 'to bakit pakiramdam ko ayaw kong umalis dito. Hindi naman na gaanong sumasakit ang ulo ko. Tuwing susubukan at pipilitin ko lang na maalala ang isang pangyayari sa nakaraan ko ito sumasakit. Pero bakit nga ba sinasabi ng puso ko na huwag muna akong lumabas ng ospital?

            "Mas mabuting umuwi na tayo Lowell, para mas matulungan kitang maalala ang mga dapat mong maalala." Nabalik ang tingin ko kay Trish nang muli siyang magsalita, pero ang tono ng boses niya ay para bang may gusto pang sabihin sa akin.

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon