Chapter 12. "Passing On"

6K 245 56
                                    

Chapter 12. "Passing On"

Lowell's POV

Ito na ang araw na pinakahihintay nila, ang ikasal ako sa lalaking hindi ko mahal. After the wedding balak nila akong dalhin sa ospital para isagawa ang abortion. Mabigat sa loob kong gawin ito, hindi na ako makatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay na nangyari sa akin. Ang aksidente, ang amnesia ko, si Jouward, ang kasal at ang pagdadalang-tao ko. Lahat ng iyon ay nagpapabigat sa dibdib ko at gumugulo sa isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin, parang bumabagsak na lang ng kusa ang mga luha ko sa tuwing maiisip ko ang mga nangyari. Masakit isipin na mauuwi lamang sa ganito ang pagmamahalang matagal na nabuo. Masakit isipin na kamatayan ang hahatol at magtitigil ng lahat. Sapat na bang hamakin ang kamatayan para lamang mapatunayan ang pamhabang buhay na hinahangad? Sapat na ba?

Pinunasan ko ang luhang umagos sa aking pisngi. Narito ako sa kwarto ko suot ang wedding gown at nakaharap sa salamin. Bagsak ang mukha at tila may malalim na iniisip, pero sa totoo lang wala na akong ibang iniisip kundi siya, si Joe, si Jouward.

Napatingala ako at nilibot ng tingin ang buong kwarto ko. Tahimik at puno ng kalungkutan. Parang ako, nalulumbay sa sarili kong mundo.

Muli ay naalala ko ang unang araw na makita ko si Joe. Noong nagpapatawa siya, noong tinatakot niya ako. Sa mga oras na nagiging seryoso siya, mga oras na pinagmamasdan ko ang buhok niya at ang mga titig ng mata niya. Ngayon ko lang napagtanto na tama pala ang nararamdaman kong may koneksyon kaming dalawa. Ngayon lang natanggap ng isip ko ang mga nangyari kay Joe at sa akin ay konektado dahil siya pala ang nagligtas sa akin at ang kapalit nito ay ang kanyang buhay. Hindi ko man lang naalalang mahal ko siya at mahal niya ako kaya niya inalay ang sarili niyang buhay para sa akin. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang maalala ang ginawa niya para sa akin. Isa akong makasariling tao, naiinis ako.

Muli kong pinunasan ang luhang sunod-sunod na umaagos mula sa mga mata ko papunta sa aking pisngi. Nasira na ang make-up ko dahil sa luha.

"Joe...Jouward..." Mahinang sambit ko.

Napaling ang mga mata ko sa bintana nang biglang umiihip ang malakas na hangin. Pagtingin ko sa salamin ay nabigla ako at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa kong nakasulat roon.

"Paalam, mahal ko."

Nanglalaki ang mga mata ko't at bumuhos ang luha habang nakatulala sa salamin.

"Hindi." Sambit ko. "Hindi maaari."

Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Joe noon sa akin.

"Siya nga pala, sa mismong kasal mo ay mawawala na ako."

"Ano? Saan ka pupunta?"

"Hindi ko alam, baka sa langit?"

"Hindi. Hindi maaari." Naluluha kong sabi.

"21 days, Lowell. Give me 21 days, ikaw lang kasi ang nakakausap at nakakakita sa akin. Boring na ako bilang isang multo na walang nakakakita, alam mo yung pakiramdam na wala kang makausap? Nakakabaliw! Kaya naman, 21 days! 21 days lang kitang kukulitin."

"Hindi..." Hindi makapaniwalang saad ko.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto ko. Pagbaba ko ay nakasalubong ko pa si Trish at hinila niya ako para pigilan.

"Lowell saan ka pupunta? Isang oras na lang at pupunta ka ng simbahan, sandali bakit ka umiiyak?" Tarantang sabi niya.

"Trish hindi ko kaya, si Jouward, mawawala na siya, iiwan na niya ako." Humahagulgol kong sabi at saka inalis ang kamay niya sa braso ko at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon