Chapter 4. "His Story, Her Past"

4.5K 185 5
                                    

Chapter 4. "His Story, My Past"

Lowell's POV

"Ikaw na naman?!" Malakas kong sigaw nang magulat ako sa nakita ko sa kama ko. Siya na naman! Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at nagbabaka-sakaling namamalik mata lang ako, pero hindi naroon talaga siya. Nakaupo habang hawak ang libro ko at kuma-kaway-kaway pa sa akin.

"Namiss mo ba ako, Lowell?"Nakakaloko niyang sabi habang masayang nakatingin sa akin. Hindi ko man eksaktong makita, pero alam kong sa likod ng maskara niya, alam kong nakangiti siya.

Hindi na ako nakakaramdam ng labis na takot at pangangatog ng katawan ngayong nakita ko siya. Para bang naging kampanta na ako sa kanya. Sa palagay ko ay tanggap ko na ang mga nangyayari, na nakakakita nga ako ng mga kaluluwang tulad niya. Isa pa mukhang totoo naman ang sinabi niyang hindi siya masamang ispiritu na baka sapian ako. Mukha naman siyang mabait, isang mabait na multo.

Inirapan ko siya at tsaka muling tiningnan, isang inis na tingin. Pero nandoon pa rin siya sa kama ko at tila ba hindi napansin ang hitsura ko. Huminga ako ng malalim at nilapitan siya at saka nagpameywang sa harap niya.

"Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit ka sa akin nagpapakita? Bakit mo ako kinukulit?" Nayayamot kong sabi sa kanya. Tahimik lang siya at nagpalinga-linga sa paligid niya.

"Ako ba kinakausap mo, Lowell?"Parang bata niyang sabi habang nakaturo sa sarili niya. Inaasar niya ba talaga ako? Napasinghap ako at napasapo sa noo.

"Natural ikaw! Sino pa ba ang kasama ko rito? May iba pa bang multo dito?" Naiinis kong sigaw sa kanya.

Humalukipkip naman siya at tumingala sa kisame na tila ba nag-iisip ng malalim. "Ah ako pala. So nakikita mo nga ako."Aniya tsaka tumawa. "Pasensya ka na akala ko kasi hindi ka pa rin naniniwala na nakikita mo ako eh." Paliwanag niya.

Naglakad ako papunta sa sofa at naupo saka siya muling tiningnan. "Okay, so bakit ka nga nagpapakita sa akin?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Taimtim naman niyang tinuon ang atensyon niya sa akin. Tahimik lang siya habang nakatingin ng direkta sa mga mata ko. Napakunot ako ng noo sa ginagawa niya. May saltik din talaga ang multong ito. Tiningnan ko naman siya sa mata, at habang nakatingin din ako sa mata ko. Tila ba kinakausap ako ng mga ito. Nakikita ko na masaya ang kislap ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nang mga oras na 'yon muli kong naramdaman ang kakaibang pintig ng puso ko. Bakit ba ang mga mata niya, bakit ba iba ang nagiging epekto sa akin ng mga mata niya?

"Oh? Bakit?" Iritang tanong sa kanya. Bigla naman siyang naglaho sa harap ko. Napatayo ako at tumingin-tingin sa paligid ko at doon nakita ko siya sa tapat ng bintana. Nakatayo siya roon habang nakatingin sa labas.

"Hindi mo ba sasabihin? Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" Tanong kong muli sa kanya. Marahan naman niya akong tiningnan, nasindak ako dahil nakita ko ang seryoso niyang mata na nakatingin sa akin. Ang kanina ay may saya niyang mata ay napalitan ng lumbay. Natahimik ako at muling bumalik ang takot sa dibdib ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Lowell, 30 - 9?" Nabalik ang tingin ko sa kanya at napakunot ang noo sa sinabi niya.

"Ano?" Paglilinaw ko.

"Ay ang hina mo naman sa math, Lowell." Bulaslas niya at saka tumawa. Nanglaki ang mata ko sa inasal niya. Ang saltik na 'to? "Sabi ko, 30 - 9!" May panunukso niyang sabi. Loko ito? Minamaliit niya ba ako?

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. "I mean, bakit mo naman natanong?" Mataray kong sagot sa kanya. Sa totoo lang, minsan naaawa ako sa kanya, minsan naman naiinis na ako sa isang 'to. Pero hindi ko rin alam kung bakit ba ako nag-aaksaya ng oras na kausapin ang isang tulad niya.

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon