Chapter 6. "The guy in my past"

3.8K 160 3
                                    

Chapter 6. "The guy in my past"     

Lowell's POV

            Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto ko. Tanging tunog lang ng paggalaw ng kamay ng alarm clock na nakalagay sa side table ko ang naririnig ko. Nakabihis na ako at hinihintay ko na lang ang pagdating ni Trish para sabay kaming umuwi. Tiningnan ko ang oras at pasado alas-quatro na ng hapon pero wala siya. Napabuntong-hininga na lang ako pagkaalis ng tingin ko sa orasan.

            Habang nakatingin ako sa orasan, nakaramdam naman ako ng biglaang pagkahilo at pagduwal kaya dali-dali akong nagtungo sa restroom. Pagdating doon wala naman akong sinuka. Lumabas na ako ng restroom at bumalik sa kama ko.  Hindi maipinta ang mukha ko at bagsak ang mga mata at nakanguso. Hindi maalis sa isip ko ang mga nakaraang nangyari. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayong aalis na ako rito s ospital. Kung tutuusin dati ko pa gusting lumabas ng ospital kaya nga dapar matuwa ako pero bakit ngayon parang iba na at biglang nagbago simula ng makilala ko si Joe.

Sumandal ako sa head board ng kama at tiningnan ang salamin ng bintana kung saan nakasulat ang mensahe ni Joe na huwag ko raw siyang iwan. Binasa ko muli ang nakasulat sa bintana sa aking isipan. Napapikit na lamang ako at sinalukbong ang dalawang palad ko sa aking mukha.Masakit na rin ang mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiyak kanina, hindi ko makumpirma sa sarili ko kung ano ba ang nangyayari sa akin. Pakiramdam ko, naglalaro ako pero hindi ko naman alam kung anong laro ang nilalaro ko.

            Mabilis akong napatingala nang maramdaman ko ang kakaibang lamig mula sa likuran ko. Agad-agad kong tiningnan kung ano ang naramdaman ko at nabigla ako sa nakita ko.

            "Joe?!" Tawag ko sa kanya. Napansin ko namang akma yatang iihipan niya ako ulit sa aking batok. Agad na naningkit ang mga mata ko sa napagtanto ko. "Saltik ka!" Bulyaw ko dahil sa akma niyang pananakot sana sa akin.

            Natawa naman siya sa inasal ko at lumipad papunta sa sofa at roon siya naupo.

            "Pasensya naman." Aniya habang natatawa. "Gusto lang kitang takutin sa huling oras mo dito sa ospital, Lowell." Masiglang panunukso niya.

            Napanguso naman ako at nanggigil sa pinagsasabi niya. Pero nawalang bigla 'yon nang maalala ko ang nakasulat sa salamin ng bintana. Nagbago agad ang hilatsa ng mukha ko, at seryoso siyang tiningnan. Para bang bigla na lang akong nilamon ng lungkot nang maalala ko ang mensahe niya sa bintana. Iniwas ko ang tingin sa kanya at yumuko.

            Narinig kong tumigil sa pagtawa si Joe. Mayamaya pa, nagulat na lang ako sa pagsulpot niya sa harap ng mukha ko kaya agad akong napaigtad sa gulat.

            "God! Papatayin mo ba ako?" Inis kong sigaw sa kanya. Humagalpak naman siya sa pagtawa dahil sa kalokohang ginawa niya sa akin.

            "Sorry, ikaw kasi mukhang malungkot ka, pinapasaya lang kita." Sabi niya sa pagitan ng pagtawa niya. Napasinghap naman ako dahil sa sinabi niya.

            "Salamat ah" Sarkastiko kong sagot sa kanya. "At saka paano ako sa sasaya ganong iiwanan na kita." Sabay na nanlaki ang mga mata ko at naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking bibig dahil sa hindi ko inaasahang binitawan kong salita.

            Bumilis ang paghinga ko habang namimilog ang mga mata habang nakatingin kay Joe. Huminto siya sa pagtawa niya at seryosong tumingin sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang kabuuhan ng mukha niya, nakikita ko sa titig ng mga mata niyang nabigla siya sa sinabi ko.

            Tila kinain ng tiyan ko ang aking boses at hindi ko magawang mag-dahilan sa kanya. Ngayon ay naiisip ko kung bakit at paano ko nasabi 'yon? Bakit pakiramdam ko may tama na mali sa sinabi ko. Pero lingid sa nararamdaman ko ay labis na kaginhawaan, dahil pakiramdam ko nais ko talagang sabihin ang mga salitang 'yon sa kanya pero naguguluhan ako kung bakit gayong hindi ko naman siya lubusang kilala?

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon