Chapter 10. "This is the person"

3.6K 171 3
                                    

Chapter 10. "This is the person"

Lowell's POV

Pagkadating ni Ate Jouillie ay umuwi na rin ako, ang sabi ko ay babalik na lang ako bukas. Tumawag na kasi si Trish sa akin. Kailangan ko na raw umuwi para tingnan ang nabili nilang gown sa kasal ko tatlong araw mula ngayon.

Pagbaba ko mula sa i-kalawang palapag ay napatigil ako nang makita ko si Joe na nakatayo sa harap ng isang pinto at mukhang may sinisilip sa parisukat na salamin doon sa ma pinto. Hindi ko siya agad na tinawag dahil pagtingin ko sa paligid ay may mga nurse na palakad-lakad sa hallway. Pinagmasdan ko lang siya mula sa kinatatayuan ko. Habang nakatingin ako sa kanya, nakarinig ako ng malakas na hagulgol at pagiyak ng maraming tao mula sa kwarto kung saan nakatayo si Joe sa tapat ng pinto. Para bang labis na naghihinagpis ang mga umiyak na sa tingin ko ay may pumanaw sa loob ng silid na iyon. Napayuko ako dahil sa lungkot. Nang muli kong tingnan si Joe, nabigla ako dahil nakatingin na rin siya sa akin at nagbanggaan ang aming mga mata. Seryoso ang kanyang mga mata na may halong lungkot at lumbay. Hindi man siya nagsasalita, ramdam kong naaapektuhan siya sa nasaksihan niya.

Naisip ko lang, malamang ay hindi pa rin niya tanggap na patay na siya. Bigla ko ring naisip ang sinabi niyang 21 days na lang. Binilang ko sa isip ko ang nalalabing araw ni Joe.

"3 days?" Sambit ko. "3 days ka na lang dito?" Malumanay kong sabi. Iniwas niya naman ang tingin sa akin at naglakad paalis. "Sandali!" Tawag ko sa kanya at sumunod sa paglalakad niya.

Napansin kong pinagtinginan ako ng mga tao sa paligid kaya naman umayos ako ng tayo at yumuko dahil sa kahihiyan. Hinanap ko si Joe at nakita kong palabas siya ng ospital. Tahimik ko siyang sinundan. Alam kong hindi kami nagkaunawaan kanina, pero hindi ko rin siya masisi pati na rin ako dahil wala naman akong alam sa sinasabi niya.

Nang makalabas si Joe at wala ng gaanong tao ay sinundan ko siya at hinarangan sa harap niya pero hindi siya huminto at tumagos lang siya sa akin. Nilingon ko siya patalikod sa akin.

"Joe sandali!" Sigaw ko pero hindi siya huminto.

"Joe!" Tawag kong muli sa kanya pero tuloy-tuloy lang siya sa pagtawid sa kalsada. "Sadanli!"

Napalingon na lang ako sa kaliwa ko at nanigas sa kinatatayuan ko habang nasisilaw at nabibingi sa tunog ng humaharurot na sasakyan.

"Lowell!" Narinig kong sigaw ni Joe.

Nang marinig ko ang sigaw ni Joe ay may bigla na naman akong naalala habang nakatingin sa liwanag ng sasakyang sasagasa sa akin.

Kasama ko si Jouward at nakaupo kami sa park. Malinaw ko ng nakikita ang mukha niya ngayon. Madilim na ang kalangitan at naririnig ko ang mahinang pagkulog ng langi. Nang tingnan ko ang mukha niya, seryoso ito at tulala na animoy may malalim na pinagdadaanan.

"So, magpapakasal ka na?" Tanong ni Jouward sa akin at seryoso akong tiningnan.

Iwas ang mga tingin ko sa kanya habang palihim na pinipigilan ang pag-iyak ko.

"Lowell alam mong mahal kita, Lowell kaya kong ipaglaban ka hanggang kamatayan pero—"

"Tama na Jouward, tama na. Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya pang makasama ka." Mariin kong sabi sa kanya na ikinabigla niya.

"Hindi Lowell, hindi ba mahal mo ako? Pinatunayan natin yun, hindi ba gagawa pa tayo ng isang masayang pamilya? Hindi ba handa kang sumama sa akin kahit na maghirap ka?" May pagsusumamo niyang sabi. "Hindi ba, Lowell?!"

A Summer Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon