## Chapter 5 : AROTISI ##
>Paul's POV<
[School]
As usual, late na naman ang teacher namin ng first period. Buti nga hindi na late ang mga kaklase ko e. Kumpleto na kasi kami ngayon at medyo naguusap-usap na rin. Alangang tahimik kaming lahat up to the rest of the school year. Sa daldal ko ba namang ito. Baka mamatay ako kapag isang taon na nakatikom ang bibig ko.
"Every freshmen is required to attend NSTP once a week. Male students on ROTC and female students on Civil Services."
Nagulat nalang kaming lahat noong may nag-announce mula sa university office.
About sa NSTP. Requirement iyon para makatungtong kami sa second year. Every Saturday nga e. Bawas ng isang free day. Bawas ng isang weekend.
Syempre sanay sa ginhawa ang mga kaklase ko kaya hindi magandang idea sa kanila ang NSTP.
Dagdag trabaho at hirap kasi e.
"Oh my gosh, anung gagawin natin sa Civil Services?" - Leila
"Alam ko maglilinis tayo ng kalsada e." - Laura
"Huh? Hala I can't do that. Hindi nga ako naglilinis sa amin e." - Kiara
"Baka naman pwede tayong magsama ng maid." - Nastasia
"Itanong na lang natin sa first day. Kadiri naman kasi kung tayo maglilinis." - Kristine
Sige sabay-sabay kayong magsi-artihan. Nahiya naman ako sa inyong maglilinis sa kalsada at magpapakain lang sa mga street children. Ako nga sa ROTC e.
OMG ano kayang ginagawa sa ROTC? Wala akong idea.
"Sabi sa akin ng naka-usap kong senior, ang ROTC daw ang pinakamahirap na pagdadaan ng isang lalaking nag-aaral sa school na ito." So nababasa ni Ezra ang isip ko. Bigla-bigla na lang kasing nagsasalita e.
"H-huh? T-totoo ba y-yang sinasabi mo?" Syempre bigla na lang akong kinabahan.
"Oo, at balita ko pa nga, may namatay daw na isang cadet dati dahil pinahirapan ng todo." Mukhang seryoso sya.
"G-grabe naman." Halos manlamig ako sa narinig ko. Na-tegi? Talaga? "Bakit naman sya pinahirapan?"
"Bakla kasi e." Huh? What the..? Bakla? Dahil lang dun?
"Dahil bakla sya pinahirapan na sya?" Parang hindi naman ata makatarungan yan?
"Oo, mainit kasi mata ng mga officers dun sa mga bakla." Injustice. Unfair naman iyon.
"Totoo ba yan? Bakit naman sila ganoon?"
"Ewan ko rin. Kaya nga halos walang baklang nag-aaral dito kasi required lahat ng lalaki na mag-ROTC. Sa ibang school naman pwede kang pumili." Mukhang hindi nga sya nagloloko.
"Halaka. Lagot na."
"Lagot ka talaga."
"I'm doomed." I said in a gloomy tone. Syempre no kinakabahan ako.
"Paul." tinapik nya ko sa may balikat na parang kino-comfort ako.
"Bakit?"
"Uhhh.." Serious pa rin mukha ni Ezra. Nafe-feel nya siguro ung nararamdaman kong kaba.
BINABASA MO ANG
A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]
RomancePlanado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay ang mga taong makakasalamuha nya sa pagtahak nya sa buhay kolehiyo. Ilan sa mga makikilala nya ay ma...