##Chapter 39 : Intramurals##
>Paul’s POV<
“Please be guided of the schedule of the annual intramurals. Lower years’ games are scheduled this week, higher years’ next week. That would be all. Good luck, everyone.”
Nakakatatlong ulit na yang mahiwagang boses mula sa administration’s office. Opo, alam na po naming intrams ngayon at walang klase ang mga lower years (that is to say, first and second years). Hindi nyo na po kailangang ulit-ulitin. Dahil idineklarang cut na ang mga classes, minabuti na ng iba na umuwi. Pero ang karamihan sa block namin ay nag-stay, unang intrams kasi namin ito. We don’t wanna miss it. Minsan lang naman kasi.
“Paul, handa ka na?” Tinanong ako ni Ezra habang naglalakad kami papuntang gym. Kasali kasi kaming dalawa sa intramurals. Ako sa men’s volleyball at si Ezra sa women’s.
“Mamaya pa game namin. At ikaw bukas pa. Excited ka masyado!”
May magandang naidulot ang pagpapawis namin noong lingo dahil at least, nasa kondisyon kaming maglaro ngayon. Malay ba naman kasi namin sa patakaran ng school na ito, kung kailan malapit na ang isang event, doon lang nag-aannounce kung kailan ito gaganapin.
“Syempre, competitive ako. Ayokong matalo ang college natin.”
Inter-college ang competition. Hinati ang mga laro sa lower years at higher years. Next week pa yung mga higher years, kami, ngayon. Kung anu-anong sports ang paglalabanan pero ang main events ay ang basketball at volleyball. Since hindi ganoon karami ang nagtetake ng course namin, kami-kami lang ang representative ng aming butihing college, ang College of Accountancy. Si Mark, ang aming block president, ang syang nagsali sa aming magkakaibigan. Para naman daw sa college at para na rin sa block namin.
So, kami ni Ezra, sa volleyball. Sina Vince, Mark, Adrian at Marvin, sa basketball.
Ngayong umaga ang basketball game nila versus College of Engineering at syempre manunuod kami ni Ezra para sumuporta.
“Grabe ang dami nang tao!”
Halos hindi na kami magkarinigan ni Ezra pagpasok namin sa malaking gymnasium ng school. Nahahati ang gym sa mga supporters ng CoE at CoA. Nagtungo na kami sa allocated na lugar namin at hindi ito madali. Kailangan pa naming makipagsikuhan at makipagbanggaan sa mga tao sa loob. Hindi pa lumalabas ang mga players sa dug-out pero halata mong hinihintay na sila ng crowd. Nang makaupo kami ni Ezra sa front row (nagpa-save kasi kami sa mga blockmates namin), biglang nagsalita ang commentator.
“Give it up for the College of Engineering Starters!”
Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Isa-isa nang lumabas ang mga starters ng CoE. Matatangkad at magaganda ang built. Pero hindi naman threatening dahil matatangkad at magaganda rin naman ang built ng mga makakalaban nila. Isa-isa ko ring tiningnan ang mga mukha ng mga players. Infairness naman, may ibubuga rin sila. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko. Yung huling player kasi, tiningnan ako straight in the eye. Then, napahiyaw na rin ako.
“KLINE?! GO, KLINE!!!!!!” Nakalimutan kong civil engineering nga pala ang course ni Kline at malamang sa malamang ay marunong rin syang mag-basketball.
Nginitian nya ako at nag-thumbs up. So, makakalaban ni Kline si Vince. Kahit ano namang mangyari, magaling pa rin naman silang dalawa.
“Now, here are the College of Accountancy Starters!”
BINABASA MO ANG
A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]
RomancePlanado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay ang mga taong makakasalamuha nya sa pagtahak nya sa buhay kolehiyo. Ilan sa mga makikilala nya ay ma...