##Chapter 21: Sir? Seriously?##
>Paul's POV<
Two weeks have passed, wala naman masyadong nangyari na worthy pang i-kwento bukod na lamang sa mga sumusunod:
1. Kakatapos lang ng dreaded middle of the term examination week ng university namin at sinusulit ng lahat ang kakarampot na oras upang magpahinga mula sa madugong mga exams.
2. Maayos naman ang naging resulta ng tutorial namin ni Vince dahil hindi naman sya nag-hysterical o pumatay ng proctor noong exam sa algebra.
3. Maayos rin ang malling (date, I insist) namin ni Kline. As usual, pinakain na naman niya ako ng pagkarami-rami pero luckily ay hindi na ako tinawag pa ng kalikasan. (inunahan ko na si Mother nature bago pa man ako umalis)
4. Nagka-ayos na rin kami ng the rest of the people na umatend (but unfortunately umalis agad) sa birthday party ko. Sabi ko sa kanila, hindi big deal yun sa akin at naiintindihan ko sila. Ayun naman ang totoo.
5. Sinabi ko rin kay Andy (na gustong umabot sa korte ang eksenang ginawa nila noong birthday ko dahil hindi raw iyon makatarungan at nararapat kaming humingi ng fine for the damage done) na humihingi sila ng tawad sa kanya. Tutal sinira daw nila ang party na plinano nya. Alam kong hindi siya papayag kahit ang damage na nagawa lamang nila Vince ay naiusog ang lamesa ng kaunti noong sinuntok niya si Brent, kaya naman sinabi ko na hindi ko na iimbitahin si Marvin sa bahay ko bilang pamblack-mail. Agad namang tumutol ang best friend ko at pinatawad na ang mga salarin sa kadahilanan na obvious naman kung ano.
6. Maganda pa rin naman ako.
7. Hinihintay na lang namin ang resulta ng exams. At ipinagdarasal ko na pumasa ako sa lahat. At pumasa si Vince sa math.
"Hoy, nagde-daydream ka na naman dyan!" Sa pagmamaganda ko, hindi ko napansin na tumabi sa akin si Marvin, isa sa mga closest friend ni Vince na kaibigan ko rin naman.
"Ah..E Wala naman kasing ginagawa. Ang tagal naman ni Sir."
"Siguro tinatapos nyang i-check ang mga papers natin para mai-aannounce nya na ang result ng exams." OM. Ngayon nga pala supposedly ilalabas ni Sir ang resulta. Bigla akong kinabahan. "At siguro para mai-assess na rin ang performance natin sa activity na pinagawa nya." Mas kinabahan ako sa narinig ko. Kung malalaman ko nga naman ang score ko, malalaman ko rin ang kay Vince. At kung bagsak sya, alanganin rin ako dahil responsibilidad ko sya.
"Oh. Mukhang hindi ka makapagsalita. Bakit? Something wrong?"
"Ah, wala naman kinabahan lang ako bigla."
"Asus. Wala yan. Kayang-kaya mo yan. Sya nga pala, kamusta mo ko sa best friend mong maganda ha. Ayan na si Sir. Balik na ko sa upuan." Bago ko pa sya ma-interrogate sa pangangamusta nya sa best friend ko (feel ko talaga may namamagitan sa kanila e) Nakapasok na si Sir Roy, ang cute at hot prof ko sa math, sa room namin. Wala siyang dalang kung ano. Bakit kaya?
Kinakabahan talaga ako.
"Mr. Castillo and Mr. Martinez, please follow me to the teachers' lounge."
Then lumabas na si Sir. Motioning us to follow him. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Tumingin ako kay Vince na papatayo na sa kinauupuan nya, mukhang wala rin syang clue. Hindi na namin nagawang mag-usap habang naglalakad kami papunta sa lounge. Dala na rin siguro ng kaba. At pagnanasa kong tingnan ang matipunong likuran ni Sir.
BINABASA MO ANG
A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]
RomancePlanado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay ang mga taong makakasalamuha nya sa pagtahak nya sa buhay kolehiyo. Ilan sa mga makikilala nya ay ma...