##Chapter 45: Side Steps##
>Andy's POV<
I'm the proudest best friend in the world. Grabe talaga. When Vince informed me about his plans, halos nalaglag ung panga ko sa lupa. They really like each other. He really likes him. He really likes my best friend! Now, it's official: my best friend has a boyfriend!
Aaminin ko. I had my doubts about him. Especially nung nakita ko sya. Ano ba naman yan, friend, mukhang hindi seryoso sa buhay. Lalo na't hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Paul before. Ayoko namang maging traumatic ang first ever nya. But I'm glad I've been proven wrong. Alam kong nasa maayos na mga kamay si Paul.
Ilang araw na rin ang dumaan after nung fairy tale proposal ni Vince kay Paul. Mga tatlong araw rin inayos ni Paul yung buhok nya sa sobrang haba! Angkas angkas ko nga yung buhok nya nung umuwi kami nung araw na iyon.
Right now, nasa school ako dahil mabuti akong mag-aaral. Taimtim akong nag-rereview sa library nang may naramdaman akong nag-vibrate sa legs ko. Ang lakas ng vibration. Ramdam na ramdam ko.
OH WAG KAYONG GREEN-MINDED! CELLPHONE KO UN!
From: Marvin the Martian ♥
San ka?
Ano naman kayang nasa isip nitong damuhong na to? Syempre nag-reply ako at sabi ko nasa school ako. Nako baka mamaya nasa bahay ko na naman sya at naka-tambay sa gate namin!
From: Marvin the Martian ♥
Punta ko jan
Ano ba tong lalaking to! Hindi ba sya aware na nag-aaral ako kaya nasa school ako? Bago pa man ako makareply na huwag syang pumunta nagtext na sya agad.
From: Marvin the Martian ♥
Nandito ako sa mcdo sa labas ng school nyo. Wait kita.
Totoo ba tong pinagsasabi nya?! Ang lakas talaga ng tama nito sa ulo. Syempre alangan namang paghintayin ko sya doon. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at kinuha ang library card ko sa reception area. Sa bilis ng lakad ko, akala ata ng ibang estudyante natatae ako.
Pagdating ko ng mcdo nakita ko ang gunggong sa isang table sa gilid, sa may tapat ng bintana kaya madali kong nahanap. "Hoy! Ano bang problema mo?"
Siguro nagulat sya dahil ang bilis kong maglakad. Paano ba naman, hindi man lang ako nag-preno sa mabilis na pace ng lakad ko mula pa sa school. "Galit agad? Wala man lang hi or hello?" Natawa pa ang gunggong sa itsura ko. "Bakit hingal na hingal ka?"
"Syempre tumakbo kaya ako!"
"Excited ka excited ka naman atang makita ako."
Pinagpapalo ko sya ng lunchbag ko. "Bwisit ka talaga!"
"Aray!" Naupo ako sa tabi nya. Wala pang laman ang table so hindi pa sya umoorder. "Pero hindi mo dineny na excited ka."
Etong lalaking to talaga kahit kailan pambwibwisit sa akin ang napiling hobby.
Pinalo ko ulit sya ng lunchbag sa braso. Mukhang hindi naman sya nasasaktan. "Ewan ko sayo. Bakit ka ba pumunta dito aber?"
"Masama ka bang puntahan, ha?"
OK kinilig ako ng slight.
"Hindi. Pero sana nagsasabi ka ng mas maaga. Hindi ung ginugulat mo ako."
BINABASA MO ANG
A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]
RomancePlanado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay ang mga taong makakasalamuha nya sa pagtahak nya sa buhay kolehiyo. Ilan sa mga makikilala nya ay ma...