Chapter 53 : Virgin No More

435 25 15
                                    


Paul's POV

Bale... hindi na ako virgin.

Yes?

Yes!

Vince and I did it. IT. Sex. The thing that makes life so exciting. Masarap na masakit na nakakakaba pero... nakakabaliw.

Tulog pa si Vince. Napagod ata. JOKE. Mahimbing pa syang natutulog at humihilik sa tabi ko. Bakit pag naririnig kong humilik ung ibang tao, nakakairita? Bakit kapag si Vince, tila music to my ears ung soft snores nya?

Ganun nga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Kahit ung mga ridiculous na katotohanan tungkol sa kanila, tanggap mo. At alam mong tanggap ka rin nila.

He had seen every inch of me last night and I'm glad he accepted it all.

"hmmm..." mukhang nananaginip pa si Vince. Pinagmasdan ko ung mukha nya habang natutulog. Padapa syang nakahiga pero nakaharap ung mukha nya sakin. Grabe. Ang gwapo ng boyfriend ko. Hindi ko alam kung sa mismong Mount Olympus ba nakakuha ng genes ito.

Gwapo sya the first time we met. Pero ngayon, parang mas lalong gumwapo. Eto ba ung after sex glow na tinatawag????

"Babe, gising na", mahina kong sabi. Alam kong sa sobrang hina hindi nya maririnig. Hindi sya magigising. Sa totoo, ayoko syang gisingin, ninanamnam ko pa ang moment na to. Minsan lang kami magka-ganito. Bukas pa uuwi sila Mama kaya solong-solo namin ang bahay.

Nakatingin lang ako sa mukha nang matagal. Napakahaba ng pilikmata ni Vince. At kapag nakapikit, they look like the soft currents of a waterfall.

Napunta ko sa lips nya. At bago pa man ako makapagisip ng mga salitang hindi makakapag-bigay hustisya sa ganda ng mga labi ng mahal ko, bigla ko na lang syang hinalikan. Surprisingly, hindi pa rin sya nagising.

Tumayo muna ako para umihi. Pagkagalaw ko sa kama narealize kong masakit ang mga legs ko...

Dito ko naalala ung sinabi ng malandi kong best friend na si Andy na dapat ay mag-stretching daw lagi before sex. Dahil sex is a work-out daw.

Aba malay ko naman kasi, hindi ko naman alam na gagawin namin un kagabi. Hindi ko naman inakala na magkakalakas loob akong gawin un. Pero lumalakas nga naman ang loob mo kapag alam mong mapapasaya mo ang taong mahal mo. Bago rin naman kay Vince. Not sex, but sex with a guy.

Sa pagiisip pa lang ng mga nangyari kagabi, nararamdaman kong umiinit ang aking katawan.

Jusko, Paul. Magtigil ka. Itigil mo yang kalandian mo. Kita mong masakit na nga legs mo.

Di naman paika-ika ang paglakad ko paglabas ng kwarto at papuntang CR, masakit lang legs ko. At ung ano ko...

Shhh! Alam nyo na kung ano ung isang masakit! Hindi naman kasi average size si Vince. Bale sya ung tinatawag nilang daks ba yun?

Pagtapos kong umihi at maghilamos, bumalik ako sa kwarto at nakitang tulog pa rin ang boyfriend ko.

Minabuti kong magluto ng breakfast naming dalawa. Hindi ako magaling magluto pero marunong ako. Ilang years ba naman akong tumutulong sa nanay ko sa kusina. Hindi ko man namana ang super cooking skills ni Mama, mabuti na lang at hindi ko namana ang near-basurang cooking skills ng tatay ko.

I decided to cook my favorite breakfast pair: corned beef and sunny side-up eggs.

Hindi ako marunong gumawa ng fried rice so nagsaing na lang ako ng rice. Maybe next time.

I chopped one large onion. Yes, mahilig ako sa sibuyas and I like to put them sa corned beef. After maluto, I fried three eggs dahil feel ko kulang sa amin ang dalawa. Prinepare ko lang lahat sa lamesa.

I brewed some coffee JOKE wala kaming coffee maker nag-ambisyon lang ako. Nagpakulo ako ng tubig at nagtimpla ng Great Taste White Coffee. To be honest, mas gusto ko ung matamis na kape kasi ayoko ng super tapang. Naalala ko tuloy ung mga starbucks date namin ni Vince na puro cream-based beverages lang inoorder ko dahil nung bumili ako ng kape, sumakit ung tyan ko sa tapang ng kape nila.

"Good morning", nabigla na lang ako sa pagyakap ni Vince from the back, habang nagtitimpla ako ng kape.

"Uy, gising ka na agad?"

He's rubbing the sleep off his eyes pa, halatang kamumulat lang talaga. "Yep, naaamoy ko kasi ung sunog na eggs."

Pinalo ko sya sa braso, "kapal mo, they are perfectly cooked!"

Ang lakas ng tawa nya sa sinabi ko. E totoo naman na maayos ung pagkaluto ng itlog.

"Grrr wag mo na ko inisin kumain na tayo" then umupo na ako sa lamesa.

Pagkaupo nya, halos mapalunok ako sa sunod nyang sinabi...






"Sige babe, kain na tayo tas mamaya sa kwarto ikaw naman kakainin ko..."

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon