## Chapter 14 : Krushers ##
>Kline's POV<
[ROTC Training Day]
Hays. Sobrang hirap ng ROTC. Hindi naman sa nagrereklamo ako, thankful nga ako at may ganito at least nagiging aware kami sa responsibilidad namin sa bayan. At nababawasan naman ang hirap lagi kong kausap si Paul. Close na nga kami. Kahit once a week lang kami nagkikita.
I like to think that Paul and I are close.
Its the end of another training day and pinaayos na kami sa kanya-kanya naming mga platoon. Eto ang pinakahihintay namin na part. Pumunta na sa stage sa harap ng field namin ang commanding officer and raised his right hand silencing us all.
"That's it for today. See you next training day, Cadets"
Yan ang pinaka-hinihintay naming linya kapag ROTC. The million dollar line.
"Sir, yes, sir!"
Ang lakas sumagot ng lahat. Halatang gusto ng umuwi.
"Huy." May sumuntok sa balikat ko from behind. Si Paul. Boxer ata. Ang hilig manuntok nito. Pero mahina lang naman.
"Oh?"
"See you next week!" Papaalis na sya pero pinigil ko sya.
"Teka. Samahan mo naman ako sa SM. May bibilhin lang ako."
May bibilhin o baka gusto ko lang sya makasama?
I go for the latter.
"Huh? Ngayon na?" Baka akala nya nagloloko ako. I'm dead serious.
"Oo sana e. Pwede ka ba?" Sabay pa-awa effect ako. Please pumayag ka!
"Uhh.. oo naman." Ngumiti sya nung sinabi nya yun. Tuwang-tuwa talaga ako kapag nakangiti 'tong cute na baklang 'to.
"Salamat. Let's go."
Nakarating na kami sa SM in no time. Malapit lang naman sa school e. Syempre, etong si Paul tahimik lang. Paano ba naman e nakapang-rotc kaming pumunta sa mall. Baka akala ng mga mall-goers may papalapit na gyera. Pero sa amo ba naman ng mukha ni Paul sinong mag-aakalang may gulo.
"Ano bang bibilhin mo?"
"Uhhh, haha. Wala talaga akong bibilhin. Gusto lang kitang makasama ngayon."
"Huh? Ako? Talaga?" Gulat na gulat sya sa sinabi ko.
"Oo, halos best friend na kita e. Enjoy ako sa company mo." Kitang-kita ko ang pagpula ng mukha nya. Paul, di mo ba alam na lalo kang nagiging cute sa paningin ko kapag namumula ka?
"Talaga?" Kumislap ung mga mata nya. "Kinikilig naman ako dun."
Kinikilig rin ako.
"Nood na lang tayong sine." As long as kasama kita.
"Sige, bahala ka. Libre mo naman di ba?"
"Huh? Sinong nagsabing ililibre kita?" Pang-aasar ko.
"Hala. Totoo? Wala akong pera." Nag-worry-look ung face nya.
BINABASA MO ANG
A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]
RomancePlanado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay ang mga taong makakasalamuha nya sa pagtahak nya sa buhay kolehiyo. Ilan sa mga makikilala nya ay ma...