## Chapter 7 : Varied Variables ##
>Paul's POV<
Nandito ako ngayon sa school kahit free day ko. E kasi naman, required sa aming mga scholars ang umatend ngayong araw sa Organization Fair na conducted ng school.
Required sa amin ang mag-join ng at least isa. Hays. Dagdag trabaho. Ang hirap na nga ng course ko e.
Naglalakad-lakad lang naman ako mag-isa. Oh how I wish kasama ko si Ezra ngayon. E kasi naman ang bruha hindi na kailangan pang sumali since nagbabayad sya ng tuition. Pero ok na rin to.
At least dahil mga kapwa ko scholars mga kasama ko, hindi ako maiilang dahil alam kong pare-pareho kaming mga mahihirap.
Ang daming booths. Iba-iba. May Artist's Guild, Dancer's Ministry, Singer's Club at kung anik-anik pa. Wala naman akong matipuhan.
"Hey, wanna join our organization?" So may lumapit sa aking girl. Infairness maganda sya.
"Ano po bang Org. nyo?" Baka beauty queen's club. Alam ko na kung bakit gusto nya kong isali.
"Organization kami ng mga writer's sa school na to." Mukhang ok naman tong Org. nila ha.
"Ah. Sounds interesting. Sige I'll join your club." E wala na kong choice e. Tsak ayoko nang lumayo pa. Nanjan na e.
"Thank you. Thank You. Here's the application form. Kindly fill it up na lang sa table over here." Tinuro nya sa akin ung lamesa sa harap ng booth nila. "By the way, I'm Ysabelle Gail Zamora. AB Mass Communication student ako. You can call me Ysabelle na lang."
"I'm Paul. Accounting student."
"Accountancy ka?" Nagulat ata sya sa sinabi ko.
"Oo, bakit?" I smell something fishy.
"Ah, wala lang. Nice course." Ah nevermind.
"Thanks."
Pagkatapos kong punan lahat ng kailangang info sa form nagkaroon lang kami ng maikling orientation.
So ang org na rin palang ito ang responsible sa school paper. Yehey. I get to write for the school ^_____________________^.
At naging kadaldalan ko rin all through out the orientation tong si Ysabelle. Napaka-friendly ko talaga. (itaas ba naman ang sarili?hahaha)
"Scholar ka rin ba?" Mukha kasi syang mayaman e.
"Hindi e." I told you so.
"E bakit sumali ka sa org.?"
"Kasi hilig ko talagang sumali sa mga co-curricular activities. Tsaka gusto kong maka-gain ng mga new friends around this university." Mabuting bata.
"Ah. That's nice."
"Ikaw?"
"Syempre scholar ako. And I'm proud to be one. Kaso nga lang required kami sumali sa mga organizations."
"Ah ganun ba. Ok lang yan. Mukhang masaya naman dito sa org natin e."
"Oo, mukha nga. Mababait mga tao."
"True. At magaganda pa."
"Syempre nandito ako e." Totoo naman e.
"Hahahaha. And me of course." O sige na nga. Isasama na kita sa kagandahan.
"Hahahahaha. Kaya pala maganda ang org. dahil nandito tayong dalawa."
"TAMA! Haha. You know Paul, I like you. You make me happy ^_______________^."
BINABASA MO ANG
A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]
RomancePlanado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay ang mga taong makakasalamuha nya sa pagtahak nya sa buhay kolehiyo. Ilan sa mga makikilala nya ay ma...