Chapter 2 : Then that boy

7K 175 17
                                    

## Chapter 2 : Then that boy ##

>Vince's POV<







"IKAW ??"

huh?? Magkaklase kami nitong baklang to?? Ano ba naman yan nakaka-badtrip naman. Ito yung baklang ang sarap pektusan dahil ayaw magpatalo sa sagutan eh. Tapos kaklase ko pa? Lipat na kong school. Joke. Ayoko nga. Ok na ko sa school na ito. Mataas ang standard. Kung hindi man may pinakamataas, isa sa pinakamataas. Sandali. Sandali. Allow me to properly introduce myself first.

Ehem Ehem.

I am Vince Carlo S. Martinez. 18 years old. Lalaki. Straight. Matangkad. Maputi. Matalino (except sa Mathematics) at syempre alam mo na ang susunod na sasabihin ko. Gwapo ako syempre. Alangan namang magbibida ako sa isang kwento pagkatapos dehado mukha ko. Hindi naman ganoon ka-hangal ang author. May ipagmamalaki naman akong mukha at hindi ko idini-deny na maayos mukha ko. Kumbaga hinubog ito ng mga anghel!!! Oo, totoo. (yabang ko no ??) Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Hindi ako mahilig magsinungaling.



Paano nga ba ako nakatungtong sa school na ito???

Syempre matalino ako. Nasabi ko na di ba?? Pero may isa akong weakness. Math. At hindi ko naman itinatago ang katotohananag iyon. Hindi ako magaling sa Mathematics. Actually bobo nga ako kung maituturing eh. Pero math lang ha! When it comes to other subjects aba himala kapag hindi ako nakakuha ng flat 1! Pero ayoko lang talaga ng Math. Ayaw nya rin sa akin. The feeling's mutual.

Tsk! Ayoko talaga sa Mathematics. Medyo na-enjoy ko pa sya nung purong numero pa lang, pero nung naisipan nang sumama ng mga letra sa alphabet, BOOM! Ayun nilipad na isip ko kasabay ng rocket ng North Korea! Haha. Basta mahina ako sa math. Tapos! Hindi naman nakababawas ng pogi points.

At balik na tayo dun kung paano ako napunta sa high-standard school na ito. Syempre nakapasa ako (obvious ba?) Pero nagulat din ako kasi hinulaan ko lang lahat ng 50 items na pawang math sa isang part ng exam. Grace na lang siguro ni Lord un. (Salamat po, Lord!). Pagtapos, naipasa ko pa ang preffered course ko (Salamat talaga, Lord!). Pero ayun nga lang, laking sakit lang ng ulo itong nakita ko sa harap ng room namin.



Ayung baklang un na naman!!!!!

Ewan ko pero mainit talaga dugo ko sa mga bakla. Sariling opinyon ko iyon kaya huwag nyo na lang ako pakialaman. Pero ayoko talaga sa kanila. Lalo na kung ganoong katulad ng kaklase kong un!!!! Naku!!!!!!!!! Ang sarap ituhog sa stick tapos ilaglag sa kumukulong mantika. Nakakainis talaga! E ikaw ba naman naglalakad sa hallway na nakatingin sa kisame?!! Loko talagang un. Tapos ang galing pa sumagot akala mo hindi mauubusan ng pang-resbak! Halatang ayaw magpatalo! Mukahang matalino rin. Pero ano namang pakialam ko e siguro Valedictorian ako ng high school namin kung hindi lang ako maloko at kung hindi lang dahil sa math na yan! Urrrrggghhhh!!!!!!!!!!!





Ah basta, ayoko doon sa baklang yun!!!













>Paul's POV<











Ah basta, ayoko doon sa lalaking yun!!!

Matapos kong irapan ung lokong lalaking un e nakipag-unahan na akong pumasok sa room. The nerve naman no!!!! Kaklase ko pala ang mokong na yun!!!! Oo, I admit, maaaring gwapo sya (sobrang gwapo) pero hindi man lang ako makaramdam ng kahit anong attraction sa kanya no!!! NEVAH!!!!! I HAVE BETTER TASTE!!!!! Pero siguro matalino ung mokong kasi nakapasa sya sa school na ito. Not to mention sa course na ito. Sya nga pala, BS Accountancy itong course ko. Este course pala namin (selfish?? haha). Just so you know. ^_________________^

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon