##Chapter 29: Up And Coming##
>Vince's POV<
It was the most unexpected thing.
I never knew I had it in me. Ang magmamahal ng kapwa ko. Akala ko straight ako, well, dati. I thought I'm a straight guy. I thought I'm into girls only.. until Paul came.
Binago nya ang tingin ko sa pag-ibig. Binago nya ang tingin ko sa sarili ko. I wouldn't consider myself gay dahil si Paul lang naman ang lalaking naa-attract ako. Techically speaking, I'm gay for Paul.
After we discussed the "ground rules" na hindi naman talaga ground rules per se ng relationship namin, kung anu-ano pang napag-usapan naming maliliit na bagay. Kaunting mga bagay lang tulad ng school nya dati at ginagawa nya noong high school. Ayokong tanungin ang lahat ng about sa kanya sa isang tanungan lang. Gusto kong makilala si Paul ng dahan-dahan. I want to slowly know him more with each passing day of our relationship. Like a puzzle piece that I'm slowly completing with each passing moment.
Then, the moment I've decided that its finally time to go home, dumating ang mga magulang nya kung saan man silang lupalop pumunta. Gustung-gusto ko talaga sa parents ni Paul, sobrang masayahin at out-going. Namana ni Paul ang jolly personality nya kay Tito Roberto at Tita Matilda.
"Oh, Vince. Nandito ka pala hindi ka naman nagpasabi e di sana nakapagluto ako ng makakain nyo." Ang bait talaga ng nanay ni Paul. Pagkababa ni Paul ay lumapit agad sya sa mga magulang nya at niyakap ang mga ito.
"Kumain naman kami, Ma. Nagdala ng food si Vince e."
"Tsaka OK lang po, Tita. Biglaan rin naman ang pagpunta ko. Gusto ko lang makasama si Paul." Nako! Mukhang nadulas ako! Hindi namin nadiscuss ni Paul kung kailan namin sasabihin sa parents nya.
"Oh. Ayun naman pala , Hon." Simabat na ang papa ni Paul. Lagot ako. "Gusto lang naman pala ni Vince makasama si Paul. Wala naman tayong dapat ika.. ANO???!!!! GUSTO MO LANG MAKASAMA ANG ANAK KO??!"
Sa sobrang lakas ng boses ni Tito e halos mapatalon kami ni Paul sa pagkagulat.
"PAUL RONALD CASTILLO! MAY DAPAT BA KAMING MALAMAN NG TATAY MO HA?!" Nakapamewang na habang nagsasalita si Tita. Tumaas ang boses nya ng mga dalawang octave. Nako. Patay ako nito. Baka ayaw nilang nakikipagrelasyon ang anak nila.
"MA, PA! Ang OA nyo ha! Pwede bang maupo muna kayo dahil may sasabihin kami ni Vince. Sige na, sige na, maupo na kayo sa sala". Hemotioned his parents to proceed to the living room. "Ang galing nyong umakting ha medyo sumobra nga lang."
Sumunod naman sila Tito at Tita at dumako na sila sa living room. Hindi ko alam kung paano namin sasabihin ito ni Paul sa mga magulang nya pero mukhang kalmado naman si Paul sa gagawin namin. Kung sabagay, mas kilala nya ang mga magulang nya kaya alam nya ang proper way na kausapin sila sa ganitong panahon. I just hope they can handle themselves the way we handle ours.
"Natatakot ako. Baka magalit sila." Hindi ko na tinago kay Paul ang nararamdaman kong takot.
"Ano ka ba. Akong bahala. Hindi yan." His tone was reassuring. Nawala ang takot at kaba ko.
Hinawakan ni Paul ang kamay ko, his hand is as smooth as velvet. I want to hold his hand with each passing second. He gave me a calm smile then sabay na kaming pumunta sa living room kung saan naka-upo na sa sofa sila Tito at Tita facing us.
"Ma, Pa.Huwag muna kayong mag-react ha? We have something to confess." He took a deep breath and I felt his grip tighten. " Vince and I are dating. Nasa isang relationship kami." That's as direct as it can get. Hindi na nagpaligoy-ligoy si Paul. I admire the suremess of his tone. I like the boldness of his statement.
BINABASA MO ANG
A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]
RomantizmPlanado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay ang mga taong makakasalamuha nya sa pagtahak nya sa buhay kolehiyo. Ilan sa mga makikilala nya ay ma...