Chapter 19 : After Party Rainbow

3.3K 112 14
                                    

##Chapter 19 : After Party Rainbow##



>Paul's POV<

[ROTC Training Day]

Buti na lang talaga natapat sa Friday ang Bday ko kaya nakapagpahinga ako ng bongga buong Sabado. Kaso nga lang busy naman ako ngayong Linggo kasi may ROTC kami. But I'm getting the hang of it naman. Masaya kaya sa ROTC. Di tulad ng sinasabi ng iba na pahirap lang daw.

"Cadets, be back after 1 hour."

Hays, after naming magpraktis ng mga drills para sa competition, hinayaan na kami ng mga mababait (at hot) na mga officers namin na magpahinga.

Syempre saan pa ba ako dadako kundi sa shed namin ni Papa Kline ko. CHAR! Maghunos dili ka Paul!

Buti nadun sya. Naaaninag ko na ang maganda nyang likuran. How I wish na mahaplos ko un. Hoy Paul umayos ka!

Syempre ung pa-sweet na approach ang ginawa ko so inuntog ko ng mahina ung kaliwang balikat ko sa kanang balikat nya at tumabi sa kanya.

"Musta?" With my ever sweet accent.

Naghintay ako ng mga 5 seconds bago sya sumagot, baka hindi pa nag-reregister sa utak nya ung tanong ko.

Pero umabot na ng isang minuto ang paghihintay ko at hindi pa rin sya sumasagot. Ano? Essay ba isasagot nya sa tanong kong "musta?".

So naghintay pa ako ng another trillion seconds bago sya mag-respond dahil feel ko trilogy ang isasagot nya sakin, pero wala.

"Huy, musta?" Inulit ko ang tanong ko. Malay mo naman hindi nya pala narinig. Kaso, imbis na sumagot e umusog sya sa kinauupuan nya at tumingin sa malayo.

ANO TO? BAKA NAMAN IBANG KLINE TONG NA-APPROACH KO??!!!!!

"hindshimibutishipusishsis" O biglang nagsalita ung Kline Not Kline na katabi not katabi ko kaso halos hindi ko naman maintindihan.

"Ano? Huy, Ano ba problema mo?"

"Ang sabi ko hindi mo man lang sinabi sa aking birthday mo."

Ayt. Oo nga pala. I told Andy na ung closest friends lang ang papapuntahin ko and I forgot to invite Kline. E kasi naman hindi ko sya nakita nung araw na nag-iinvite ako. Pero as much as I'm not happy with him not being invited, masaya na rin ako at hindi nya na-witness ang mga dramatic scenes nung araw na yun.

"Ah.. e.." Gosh wala akong maisip na maayos na sasabihin. Curse you talkative mouth when I need you the most!

"Ok lang, hindi naman kasi siguro ako ganoon ka-importante sa iyo e." OMG nagtampo na ang Papa Kline ko. Thats the last thing I want to hear. Hala.

"Hala! Hindi! Hindi lang talaga kita nakita noong araw na nag-iinvite ako which is the day before nung actual na party. Biglaan lang kasi e. Hindi ko nga sure kung may party talaga." Hindi pa rin sya mukhang convinced. "Kaso mapilit ung bestfriend ko. Kaya ayun, kung sino na lang nasabihan ko pero promise hinanap talaga kita."

Mukhang effective naman ang pag-rarason ko dahil bumalik na sya sa tabi ko. "Well, I believe you. Wala na rin naman akong magagawa. Buti na lang tinignan ko sa facebook mo kung hindi, hindi ko malalaman na birthday mo pala." Then, may iniabot sya saking paper bag. "Eto oh.. Happy Birthday!!"

"Ano to?" Although alam ko naman na regalo ung binigay nya.

"T-Shirt yan, binili ko dun sa store na pinagmomodelan ko. Wala na kong maisip na ibigay e. Sana magustuhan mo." Awwwww, nag-abala pa ang Papa Kline ko. Kahit hindi ko sya na-invite nag-abala pa syang regaluhan ako.

"Kahit basahan pa ang ibigay mo sakin magugustuhan ko basta galing sayo." Then sa hindi ko inaakalang pangyayari, niyakap ko sya.

Gosh. NIYAKAP KO SYA! at ang mas nakakagulat doon ay..













niyakap nya ko pabalik.







>Kline's POV<



Niyakap nya ko.

Hindi ko alam kung ano na ba tong nangyayari sakin pero masaya ako at niyakap nya ko. Kahit nainis ako sa kanya dahil hindi nya ko na-invite sa birthday nya. Pero ok lang yun, ung admin ang sisisihin ko dahil sa pangit at hindi nagtugmang schedule namin.

"Thank you, Kline ha. Hayaan mo lagi kong isusuot tong binigay mo."

"Sana everytime na suot mo yan maaalala mo ko.." Ok ang gay masyado ng sinabi ko. Something's really wrong with me. "..kaso nung pinili ko yan may nakita akong iba na bumili na ata ng kaparehas nyan kasi may mga ibang tao ata na nagustuhan rin yan kaya wag ka sanang magalit kung may kapareho ka ng design. Sa limited edition section ko kasi yan kinuha, wala na kasi akong oras na pumili."

"Oo naman. Ano ka ba. Tsaka minsan lang ako magkaroon ng t-shirt na mahal no choosy pa ba ko? Hayaan mo ililibre kita mamaya pag-uwi. Pero mukhang hindi na tayo magkikita pag-uwi kasi may kotse ka at magcocommute lang ako kaya hindi na tayo magpapang-abot kaya baka hindi na rin matuloy ang panlilibre ko which eventually ay makakalimutan mo." Hay Paul, nasabi ko na sayong cute kapag nagpapalusot ka ng ganyan? Hoy Kline anong nangyayari sayo!

"Ok lang, basta next week kung available ka mall ulit tayo.." Hindi sya sumagot. Alam ko na gagawin.

"..libre ko."

"O sige ^_______________^" Alam ko namang kakagat sya dun e. "Basta libre ha!"

"Oo, post birthday celeb na natin." Basta libre talaga kahit kailan to si Paul. Pero masaya akong pumayag sya.

Hindi ako nagulat sa katotohanan na nag-yes si Paul sa offer ko na mag-mall kami next week.

























Mas nagulat ako sa katotohanan na magkayakap pa rin kami hanggang ngayon.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon