Case 9.3

23 5 104
                                    

Chase Laxthon


"Chase may patay. Ayieeeeee~" tuwang tuwang sabi niya sakin nung nakalapit ako sa kanya. Napabugtong hininga nalang ako. Siya lang talaga ang taong kilala ko na tuwang tuwang kapag makakita ng patay.


"Chase! Akaneee! Ang bibilis niyo naman tumakbo." Hinihingal si Nico ng makalapit samin. Sino ba kasing my sabing tumakbo siya sa pagsunod n'ya samin. Huminga muna siya ng malalim bago niya inabot ang mga gloves at notebook. May maliit pang ballpen na kasama. "Oh pinabibigay ni Astrid in case na may— woah! May case nga. Teka patay na ba yan?"


Maya maya lang ay dumami na ang mga taong nakapalibot samin, mga nakikiisyoso pati yung staff ng restaurant at yung babaeng tulala. Open area ang restaurant kaya kitang kita at naririnig ang mga mangyayare. May tumawag pa ng ambulansya. May bulung-bulungan pa nga. May ilang nawiwerduhan sa kilos ni Akane.


'Werdo po talaga siya. Aish. Sinong matinong tao ang matutuwang may mamatay sa harap mo? Si Akane lang ang ganun.'


"Uhh! Oo nga no? Check ko nga." Lumapit si Akane sa lalakeng nakahinga na ngayon sa buhanginan. Hinawakan niya sa leeg, sa bandang pulsuhan nung lalake. Maya maya lang ay ngumiti siya ng pagkalawak lawak in creepy way. Aish! Patay nga. 


"Time of death. 9:17 AM." Anunsyo niya. "May foam na sa bibig niya. This is definitely murder." Dagdag pa niya. Narinig ko naman ang reaksyon ng mga nakarinig sa sinabi niya. May nagsabi pa na tumawag na ng pulis.


"Nico picturan mo ko dali." Tuwang tuwang sabi niya at nagpeace sign kaya nilapitan ko siya saka hinatak palayo sa katawan.


"Akane behave ka muna. Hahayaan kitang magpapicture kasama yung katawan but for the meantime behave ka muna, no? At isuot mo din muna 'to, hindi ka naman makakalangoy." Inabot ko sa kanya ang jacket na kanina ko pang hawak. Nagulat naman ako nung kinuha niya yung at sinuot niya ng wala ng reklamo. Susuot din pala dami pang reklamo kanina. Nang makita kong nakasuot na sa kanya ang jacket ay binalik ko na ang tingin sa crime scene. 


"Dito ka lang sa tabi ko. Wag kang lalayo." Mahirap na. Para pa naman kaming may batang kasama. Tsk. Hirap magkaron ng kasamang pasaway. Hindi naman ako umaasang mananahimik sa tabi ko tong si Akane. Baka siya si Akane, walang pinakikinggan. Ginagawa kahit ano ang magustuhan. Tsk!


"Aye sir!" Sagot niya sakin kaya natingin ako ulit sa kanya. Takte! Hindi zinipper ang jacket. Aayusin ko sana ang jacket niya nang may nagsalita. 


"S-sino kayo?" Tanong nung babaeng nakatulala kanina. Mukang ngayon lang siya natauhan.


"Kukunin ba natin tong case na to?" Bulong ko kay Nico. Nasa tabi ko rin siya at inaayos ang camera niya. Nakasuot na rin siya ng gloves kaya naalala ko yung akin.


"Malamang! Tingnan mo si Akane." Sabay pa naming tiningnan si Akane na kumikinang ang mga matang nakatingin sa katawan nung lalake. "Pre masyado na siyang high para tanggihan pa to."

Sinners(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon