Case 5

43 6 127
                                    

Chase Laxthon


One week ang nakalipas mula noong murder case na sinolve namin, hindi na ito nasundan mula noon. Madalang lumabas si Akane sa kwarto niya pati si Alyssa. Sabi nila ganun talaga si Aly kasi nagrereview na yun habang si Akane naman ay naglalaro o natutulog lang.


Maaga akong gumising para gumayak. Ayoko naman late sa unang araw ko sa academy. Isa pang dahilan ay mahirap makipag-agawan sa cr ron dalawa. Si Akane lang may sariling banyo rito.


Naipaliwanag na rin nila Max ang trabaho namin. May natatanggap kaming sweldo mula sa mga pulis para maglutas ng ilang mga kaso. Kaya may allowance kami natatanggap, tig-25k kada buwan. Base sa sweldo ng mga pulis rin yun, mga pulis na may 0-3 years experience. Si Aoki ang may pinakamalaking sweldo samin apat dahil 4 na taon na siyang sa ganitong larangan. Almost 30k na yung nakukuha niya. Kaya pala medyo magastos sila. Bukod sa sponsor ng mga Satō ang bahay at tuition namin ay may pera pa kaming natatanggap.


Si Akane ang presidente ng club. Dahil kay Aoki kaya kami nagkaroon ng access sa mga ganitong bagay. Di ko alam ko alam kung matutuwa ba ako dahil nasali ako rito o hindi. Kung tutuusin simpleng student lang ako nung isang buwan, ngayon, student-detective na. Tsk.


"Chase." Nilingon ko ang tumawag sakin. Si Aoki. May hawak siyang tasa ng kape sa kanang kamay niya at sa kaliwa naman ay diaryo. Parang matanda siyang kumilos pero may pagkachildish rin siya dahil he used to do some pranks. Hindi mabilang kung ilang beses niya akong nabiktima ng pranks niya.


'Magkakambal nga sila ni Akane parehong abnormal.'


"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Kakalabas ko lang ng cr at babalik na sana ng kwarto ko para mag-uniform.


"Pagkabihis mo, gisingin mo na si Akane. Eto duplicate ng susi ng kwarto niya." Hinagis niya sakin ang susi.


"Huh?! Bat ako—" pero wala na siya sa pwesto niya at naglalakad na ulit papasok ng kwarto niya. "– ang gigising sa kanya?" Nanglalatang sabi ko. Aish! Pumasok nalang ako sa kwarto ko.


'Bakit ako gigising ron?'


Di ko nga alam kung bakit mainit ang ulo sakin nung babae na yun tas ako pa gigising? Sinuot ko ang uniform ko. May pagkavintage ang design niya. Dark blue ang kulay ng coat niya. May white sa collar nito. Kahapon lang dumating ito kasama ang ID ko. Hindi ko muna sinuot ang coat. Tanging polo at vest muna para hindi ako pag pawisan agad.


Pagkatapos ko ay lumabas na ko bitbit ang bag at coat ko. Sinamahan nila ako mamili ng school supplies dahil sila rin ay wala pa palang gamit. Mahuhusay.

Sinners(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon