Special Chapter 01

18 5 64
                                    

A/n: This update is in virtual act type of point of view.

——

Recording...
Recording....
Recording...

Wazzup guy! I'm napakagwapong Nico Norwood and welcome back to my new video. Sa mga bago sa panunuod ng video ko. Yun na nga, my name is Nico. Grade 12 - A. STEM. I'm 15 years old. Ang pinakagwapo sa Sinners.  Sorry sa mga may crush sakin may nagmamay-ari na po sakin. Sa mga nagtataka 15 palang ako pero Grade 12 na, wag magtaka kasi bukod sa pagiging gwapo ko ay matalino rin to. Handsome and brain ika nga.

Tapos na tayo sa introduction, dumako naman tayo sa brief information ng gagawin natin para sa araw na to, walang iba kung hindi ang... Drum roll please. Mag-ho-hotel room tour tayo. May ilan na nagrequest neto. Syempre gwapo ako kaya pagbibigyan ko sila.

So far tulog naman na siguro silang lahat at ang gwapo nalang ang gising. Ganun naman kasi talaga kapag gwapo magaling magpuyat. Masyado kasi akong gifted kaya pati pagpupuyat minamaster ko na.

Sa haba ba naman kasi ng byahe namin kanina. Talagang nakakapagod yun. Hindi naman pwedeng mag-eroplano kasi may trauma raw si Akane ron. Ang dami ko ng sinabi ang mabuti pa ay simulan na natin. So let's start.

*/Ikot ng camera*

Eto yung sala namin. Gagi ayos na rin pala tong hotel room namin. Kompleto sa gamit. May flat screen tv at mga gaming console. Mas ok nga lang yung nasa bahay namin. Malaki yung tv saka maraming laro.

*/Lakad ng konti*

Dito naman ang dinning at mini kitchen. Dito kami sabay sabay kumain kanina. Nagpadeliver lang kami kasi pagod sa pagdadrive si Iwasaki. Pinaset ni Kuya Aoki ng for eight person ang table. Normally kasi pang 6 person lang tong presidential suite.

*/Punta sa ref; tapat ng camera ron*

Kompleto rin sa groceries. At meron ang paborito kong drinks. Kada kukuha kami ay makakasama sa hotel bill namin bawat kukunin namin stuffs. Malapit sa kitchen ang cr. Tara dun.

*/Lakad papunta ng cr; pasok ng cr*

Malawak din tong CR, may jacuzzi pa nga. Kakasya siguro dalawang tao rito. Bukas tatry ko to. A sudden realization hits me. Dapat pala sinama namin si Yana ng matry tong jacuzzi. Sayang. Di bale, babalik nalang ako rito kasama siya. May shower pa tapos cabinet. Kumpleto rin ang gamit para sa personal hygiene. Shampoo, sabon. May toothbrush pa nga. Tara! Labas na tayo ng cr.

*Labas ng cr; lakad papunta sa pintuan ng kwarto*

Ang unang kwartong pupuntahan natin ay ang kwarto ni Astrid at Alyssa. Sana di nakalock.

*/Bukas ng pinto; bulong*

Halos pareho lang naman ng kwarto namin ang kwarto nila. Hala ka! Ang himbing na ng tulog nila. Lapitan natin sila.

*/Lapit kay Astrid; tapat ng camera*

Ang bait palang matulog ni Astrid. Nakaayos ang kumot. Naiisip ko kung nakita na ni Max to. Alam niyo yung kaibigan naming si Max. Patay na patay kay Astrid.

*/Lapit naman kay Alyssa; tapat ng camera*

Kay Alyssa naman tayo. Baka kasi nakanganga siya matulog. Para may pangblack mail tayo sa kanya.

Alyssa: ano baa? */Hawi ng camera* kitang natutulog yung tao. */Bato ng unan*

*/Ilag* Wengya! Natutulog na nga nangbabato pa. Buti nalang fast reflex ang mga gwapo. Ayos din tong si Alyssa, tulog na pero nangbabato pa ng unan.

*/Labas ng kwarto nila Astrid at Alyssa*

Grabe unang kwarto palang buwis buhay na tayo. Para sa inyo gagawin ko tong video. Malakas kayo sakin eh.

Sunod natin ang kwarto ni Iwasaki.

*/Punta sa pintuan; bukas*

Ampotek nakalock. Sorry mga viewers mukang off limits ang kwarto ni Iwasaki. Dun nalang tayo sa kwarto ng gwapo. Actually tatlo kami ron sa kwarto. Kasi why not diba magkasama yung dalawang babae. Tapos yung kambal. Si Iwasaki binigyan ng sariling kwarto. Kaya dapat kaming tatlo magkakasama sa iisang kwarto para naman mahawahan ko silang dalawa sa kagwapuhan ko.

*/Lakad at pasok sa kwarto ng NMC; nakitang gising pa si Chase*

Oh Chasey bat gising ka pa?

Chase: */umiinom ng delight* obvious naman di makatulog. Ano na naman bang kalokohan yan?

Para lang sa video documentary ko wag kang kumontra dyan. Teka nga muna.

*/Turo sa higaan*

Eto yung higaan ko. Panggwapo diba? Sunod si Max at panghuli kay Chase.

*/Tapat ng camera kay Chase*

Chase ano masasabi mo sa byahe natin?

Chase: Wala. Nakakapagod.

Sus napagod raw sarap nga ng tulog nyo este niyo.

Chase: Loko! Tigilan mo na nga yan gabi na.

Oo na. Kwarto nalang naman nila Kuya Aoki pupuntahan ko. Dyan ka na nga.

*/Labas ng kwarto; lakas papunta ng kwarto nila Aoki*

So last na kwarto na tayo. Ang kwarto ng kambal. Sa totoo lang kahit halos 2 years ko ng kasama sila Akane at Kuya Aoki. Yung kwarto ni Kuya Aoki nalang ang hindi ko napapasok. Bukod sa wala naman akong gagawin ron. So tara?

*/Bukas ng pinto*

: What are you doing here?

*/Tago ng camera; nakatapat sa sala*

Ah Kuya Aoki gising ka pala. Hehe sorry mali ng kwarto.

Aoki: it's getting late. You should get to sleep.

Sige, Kuya. Goodnight.

*/Sara ng pinto; balik ng sala; ayos ng camera paharap kay Nico*

Wengya! Gising pa pala sila Kuya Aoki. Sayang kala ko tulog na sila pero si Akane tulog na. Ang likot pala matulog ni Akane. Sakto kasing pagpasok inaayos ni Kuya Aoki yung kumot ni Akane. Pagkatapos nung ay bumalik na siya sa pagbabasa.

Namiss ko tuloy si Ate. Ganun na ganun si Ate sakin nung nabubuhay pa siya. Sayang. Nasa lahi namin ang pagiging keyring.

Osya ang drama na. Tapusin ko na dito ang video. Salamat sa panunuod. Don't forget to subscribe and hit the notification bell. At kung nagustuhan niyo ang video na to smash that like button. Babayy.

——

A/N:
Happy 500 reads and 100 votes. Salamat sa pagsupport.

Sinners(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon