Chase Laxthon
"Luci~ I want to go home naa~" maarteng sabi ni Akane kay Max. Gaya na naman ng dati, nakayakap ulit siya sa braso ni Max. Tsk. Yakap ng yakap.
Inis kong binaling ang tingin ko kela Miriam. Katulad nung unang case na saksihan ko. Malungkot at halatang depressed ang suspect. Gumawa siya ng labag sa batas kaya dapat lang na harapin niya ang consequence nun.
"Alam ko kung ano ang nasa isip mo." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Astrid. Nakahalukipkip siya habang nakatingin pintuan na nilibasan nila. Nahuhuli ko siyang paminsan ay nagnanakaw ng tingin kay Max at Akane. Kaming apat nalang kasi ang nasa loob ng apartment. Lumabas na si Nico, kasabay ng mga pulis. "Akane's normal lines. Spitting how they're stupid to create this crime and now you are about to ask the same thing." Tumingin siya sakin at ngumiti. "You have a quite resemblance na with Akane. Go talk to her, if you're lucky enough, she might discuss to you kung pano niya papatayin ang victim kung siya ang suspect." Dagdag niya pa.
Kung pano niya papatayin? Gusto kong malaman kung ano tumatakbo sa isip ni Akane. Sa ilang linggo ko na rin siyang kakasama, para siyang bata pero kapag nasa crime scene kami, tuwang tuwa siyang nakakakita ng bangkay. Tulad kanina. Tama bang madissapoint siya dahil di niya naabutan ang katawa ni Aya? Seriously, what's wrong with her?
"Sasabihin niya? Bakit naman?" Tanong ko kay Astrid.
"Dunno? No one knows what's in her mind, except Aoki at least. Kung sasabihin niya satin dun lang natin malalaman. Look what she did now. Who would thought na pupunta siya sa Sector 11 para lang i-check ang alibi ni Miriam? It's 4 sector away from here. She's hella lazy, you know?" Sagot niya sakin. She just waved her hand at walang sabing lumabas para bumalik sa sinasakyan namin kanina.
"Maxy date na kasi tayo." Akane pouted again. See what I'm talking about? Pumadyak padyak pa siya tss. Isip bata.
Wait? Date? Kanina 'I wanna go home' lang siya ah? Bakit ngayon date na?!
"How did you get here?" Tanong ni Max kay Akane.
"Duh! Edi nagdrive ako." Pinagmalaki pa niya talaga? Umakto pa siya na para siyang nagdadrive. May matching sounds effect pa. Akala ko ba bawal magdrive 'to?
"W-what?! Aoki won't allow that." Manenermon pa ba siya? Anong oras na rin oh? Halos padilim na rin. I check my wristwatch.
'5:17PM'
No wonder kung bakit may mga ilaw na kong natatanaw mula sa labas.
"Fine fine. Kasama ko si Yasu." Nagpacute pa. Di ka cute, Liit. Tss. Sino nga ulit si Yasu? "Parang date lang eh nanenermon pa."
"Tara na, tayo nalang naiwan rito at ikaw, Liit, tigilan mo nga ang pag pout-pout mo dyan. Di bagay sayo. Muka kang bibe." Aya ko sa kanila bago pa ulit manermon si Max. Syempre nang-aasar na rin.
"Kilala ba kita?" Aba't! Tingnan mo yung sinagot sakin. "Di naman kita kilala ah bat kinakausap mo ko?" Yan. Yan. Tinopak na naman. Lagi nalang may topak.
BINABASA MO ANG
Sinners(Hiatus)
Mystery / ThrillerGroup of College students that love being detective. Will they unlock the mystery or they will fall to abyss? --- "Words matter. Words make ideas. They preserve truths and history. They express freedom and they shape it. Words mold our thoughts. Th...