Case 6.1

41 6 197
                                    

Chase Laxthon


Totoo pala ang sinabi nila sakin, may pagkaamazona rin si Yana. Ako na talaga naaawa para kay Nico. Yan jowa pa kasi.


"Ganun ba talaga yung girlfriend ni— asan sila?" Tanong ko kay Alyssa dahil pagbalik ng tingin ko sa kanila, wala na yung apat. Di ko man nagpaalam yung maliit este silang apat.


"Nauna na sila. Diba kailangan mong pumunta sa Teachers' faculty? Samahan na kita. Pinapatawag kasi ako ni Ms. Dela Cruz." Prisinta niya. Naglakad na siya ulit kaya sinundan ko nalang siya.


"Huh?! Bakit kailangan kong pumunta ron?" Tanong ko kay Alyssa. Kailangan ba talaga yun? Hindi ba pwede pumunta nalang ako sa classroom ko?


"Nakalagay sa manual mo yun ah. Kailangan mong makipagkita muna sa magiging homeroom teacher mo." Paliwanag niya sakin. Napatango-tango nalang ako sa kanya.


Woah! May nadaanan kaming baseball field. May ilang students pa ang naroroon. Naglilipit ng equipment.


"Ang laki naman ng school na to." Komento ko. Sa dati kong school kasi multi-purpose court lang ang meron.


Napatingin sakin si Alyssa pero patuloy parin siya sa paglalakad, "hindi mo talaga binasa ang school manual mo?" Umiling ako kaya napabuntong hininga siya. "Kumpleto sa facilities ang lugar na to. Mula sa main campus kung nasan ang mga classroom, hanggang sa pwedeng tambayan ng mga estudyante. May dormitories rin rito."


Hindi ko naman alam na kailangan ko palang basahin yun.


"Edi bukod sa baseball field na to, may swimming pool pa?" Tanong ko ulit kay Alyssa. Di man ako marunong lumagoy pero masarap sa pakiramdam ang nakababad sa swimming pool.


Tumingin siya ulit sakin bago nagsalita. Ganun ba "Uso kasing magbasa ng manual, Chase. Oo meron. May swimming club nga rito. Meron rin gymnasium, tennis, football, rugby and running track. Sa gymnasium cover ang volleyball, basketball at kung ano ano pang indoor sports. May fitness center pa nga. Meron nga rin koi fish pond. Dun mo makikita si Akane na natutulog."


"Para san yung koi fish pond na yun?" I don't see the point para maglagay ng ganun dito. Wala naman kinalaman yun sa pag-aaral. Saka pano natutulog si Akane ron eh may klase diba?


"Mahilig kasi sa koi fish yung may-ari ng school kaya nagpalagay sila." Sagot niya sakin. Natahimik kami habang naglalakad. Hawak na rin kasi ni Alyssa yung cellphone niya tapos parang kinikilig pa siya na ewan. Palinga linga na lang ako sa mga dinaraanan namin para kahit papano hindi na ako maligaw pag mag-isa nalang ako papasok.

Sinners(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon