Chase Laxthon
"Chase tama na." awat sakin ng kaklase ko dahil ilang beses ko nang sinusuntok ang kilalang "bully" ng eskwelahan. Halos hindi na nga makilala ang itsura nito sa pamamaga ng mukha niya. Aksidente ko siyang nabangga kanina at akala niya sinadya ko yun. Masyado marami ang iniisip ko kanina kaya di ko napapansin ang paligid ko. Yun ang dahilan ng gulong nangyayare ngayon.
"Mayabang ka masyado, Chase!" Aba't nakuha pang ngumisi ng loko saka dumura sa gilid niya. Kahit hirap ay nagawa pa niyang tumayo. "Wala ka naman maipagmamalaki maliban sa dat—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, muli ay sinutok ko ang panga niya. Napatumba siya ulit.
"Don't dare to mention his name!" Sigaw ko sa kanya. Halos nagdidilim na rin ang paningin ko nang naramdaman kong may yumakap na sa akin para pigilan ako.
Isang taon na mula nangyare yun pero hindi ko parin nakakalimutan.
- 7 weeks later -
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa isang subdivision. Ilang oras rin ang byahe mula Sector 3 hanggang dito. Di ko alam kung bakit ako pinadala rito ng adminstrasyon ng dati kong eskwelahan. Ilang araw matapos ang away na yon ay pareho kaming pinatawag ng guidance counselor. At sa hindi malamang dahilan ay hindi ako nakick out. Kahit anong reklamo ng magulang ng "binugbog" ko, bagkus ay siya pa ang naexpell sa aming paaralan. But not everything went on my way, bilang parusa ay ipapadala ako sa ibang eskuwelahan bilang isang exchange student. That decision seems weird pero ayos narin dahil makakapag-aral pa ako. I can't say kung expelled ako o hindi. Parang ganun na rin kasi ang nangyare sa'kin.
"Napagkasunduan ng council na ipapadala ka sa sister academy ng ating paaralan. It is located in Sector 15. House and your allowance will be provided by us. Further instruction will be given to you once the next school year starts. 3 days from now, a truck will go to your house to pick up your things. Nasa iyo na kung ano ano ang iyong dadalhin. Here are the brief details. We hope you won't put our school name into embarrassment." Iyon lang ang sinabi sakin ng guidance councilor kasama ang isang envolope na naglalaman ng detalye at mga school papers ko.
Ilang minuto narin akong naglalakad, paunti unti ang establisyamento ang aking nadaraan. Ano ba naisipan ko at bumaba ako ng taxi? Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan Ms. Lopez, guidance councelor ng dati kong school. Habang hinintay kong sagutin nila ito ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Nagbabakasaling makikita ko ang pangalan ng subdivision. Hindi nga ako nabigo at nakita ko rin.
'Asteria Estates'
Binaba ko na ang tawag dahil mukhang wala rin naman balak sumagot ang tinatawagan ko. Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng backpack na suot ko. Nauna ang iba kong gamit gaya ng sabi ng school, nadeliver na iyon sa bahay na tutuluyan ko. Tinanaw ko ang guard house ngunit wala akong nakitang tao ron kaya minarapat kong lumapit nalang ron.
BINABASA MO ANG
Sinners(Hiatus)
Mystery / ThrillerGroup of College students that love being detective. Will they unlock the mystery or they will fall to abyss? --- "Words matter. Words make ideas. They preserve truths and history. They express freedom and they shape it. Words mold our thoughts. Th...