Third Person
August 13, 20** Tuesday 9:18 AM...
"Hon." Tawag ng isang babae sa kasama niya. Nasa loob sila ng hotel room. Nakaharap siya sa bintana, tinatanaw ang tanawin sa labas ng hotel. May hawak siyang wine glass. Masasabi mong para silang bagong kasal sa kasweetan nilang dalawa. Nakasuot ng sexy lingerie ang babae samantala ang lalake ay naka boxer shorts at white tshirt.
Yumakap mula sa likod ng babae ang lalake at mumunting hinalikan ang balikat. Napahagikgik naman sa kilig ang babae dahil na rin sa kiliting nararamdaman niya mula sa paghalik.
"Ano ba? Stop it!" Pakiwaring sabi niya.
"I know you like it." The guy said in husky tone. Making her feel more sensitive. Tuloy lang sa paghalik sa kanya ang kanyang partner. Mula sa balikat ay umakyat sa leeg. Papunta ng tenga. Inikot siya ng partner niya paharap sa kanya at hinalikan siya sa kanya labi.
Nasa ganung pustura sila ng may pumasok sa hotel room ng hindi nila namalayan dahil masyado silang abala sa kanilang ginagawa. Walang sabi sabing pinagsasaksak ng pumasok ang likuran ng partner niya. Samantala ang babae naman ay nagtitili kaya pinalo ng vase ang ulo nito. Bumagsak ang babae sa sahig.
Ilang oras ang lumipas ng magising siya, may natuyong dugo sa noo nito. Nakatali ang mga kamay at paa niya sa upuan at may tape rin ang kanya ang bibig. Nanglalabo ang tingin niya pero sa mga sandaling luminaw ang paningin ay nakita niya ang wala ng buhay na katawan ng kasama niya. Naliligo na ito sa sariling dugo. Ang puting sando nito ay naging pula sa dami ng saksak na natamo.
Nagsimula na siya ulit maghysterical pero nakita niya ang pumatay sa partner niya. Nakadikit ang hintuturo nito sa labi. Tila may iniisip habang papalapit ito sa kanya. Maharas tinanggal ng killer ang tape sa bibig nito.
"Pleasee! Don't kill me." Pagsusumamamo niya pero humalakhak lang ang killer saka siya pinagsasampal.
"Please? Gago ka ba? Nagsumamo ako sayo pero pinakinggan mo ba ko? Ngayon magdusa kayong dalawa sa impyerno. Wag kang mag-alala at susunod rin ako. Masyado ka ng maraming alam. Pasensya na napag-utusan lang. Pabor rin naman sakin." Naglabas ng baril ang killer at tinapat sa ulo ng babae. "Any last word?"
"Fuck you!" Sigaw niya sa killer.
Ngumisi ang killer sa kanya. Wala na siyang magawa kung di ang umiyak dahil katapusan na niya. Di niya inakalang tatalikuran siya ng oraganisasyon pinaglingkuran niya ng mahabang panahon.
"Goodbye, Wine."
BINABASA MO ANG
Sinners(Hiatus)
Mystery / ThrillerGroup of College students that love being detective. Will they unlock the mystery or they will fall to abyss? --- "Words matter. Words make ideas. They preserve truths and history. They express freedom and they shape it. Words mold our thoughts. Th...