Chase Laxthon
Hanggang ngayon ay badtrip ako sa ginawa nila Max sakin. Ayon sa kanya naisip lahat ni Akane yun bilang ganiti mga ginawa ko sa kanya nung mga nakaraang linggo. Lahat yun ay nabuo noong nanunuod kami ng horror movie. Hanep mga wala ng magawa sa pera.
Inikot ko ng tingin ang kwarto kung san kami nananatili.
‘Sigurado akong mahal tong kwartong to. Talagang gumastos pa siya para lang makaganti. Tss. Isip bata.’
Ang nakakainis pa ron nakisali pa sila sa trip ni Akane.
“Chase sasali kaba? Magbi-beach volleyball kami. May tournament pala tong hotel na tinutuluyan natin.” Bungad ni Max pagpasok niya sa kwarto at naupo sa paanan ng higaan ko.
“Di na! Kayo nalang. Si Aoki ayain niyo,” sagot ko kay Max at tinalikuran ko siya.
Sarap-sarap ng higa ko rito aayain nyo ko. Tsk!
“Sigurado ka? Balita ko pa naman, one-month worth of coupon in any food restaurant ang prize sa tournament.”
One-month? Sigurado naman ako na dito lang sa sector na to yung coupo-
“In any sector.”
“Tara na, Max! Kay tagal mo naman nakatayo dyan.” Yaya ko kay Max pagkarating ko sa labas ng kwarto.
Fuck! Anong ginagawa ko?
“Akala ko ba ayaw mo?” Nakangising tanong ni Max sakin. Nang-aasar to panigurado.
“Oh sige balik na ko sa kwarto.” Akmang babalik na ko.
Tinawanan lang ako ni Max, “kelan ka pa natututong magpabebe, Chase?”
“Aba’t!”
“Tara na! Aarte ka pa. Nababakla ka na din, parang si Nico.” Sabi niya saka lumabas ng hotel suite.
“Ako bakla?! Hoy Max! Di ako bakla!” Habol ko sa kanya bago makasakay ng elevator.
“Wala ka ng kawala ngayon.” Sabi niya. Napansin ko nalang na pababa na ang elevator. Wengya! Tiningnan ko nalang ng masama si Max na ngayon ay pangisi-ngisi na. Wala na kong nagawa kundi sumandal sa pader ng elevator.
Halos ilang segundo lang ang lumipas ay nasa lobby na kami ng hotel. Maraming tao ron, siguro mga participant ng tournament. Kung hindi participant mga gustong manuod ng match mamaya. Sumunod lang ako kay Max papalapit sa iba. Halos ganun parin mga suot nila. Mga nakaswimsuit parin kaibahan lang ay iba na ang mga kulay ng suot nila, kala ko ba volleyball ang gagawin namin. Bakit parang magsiswimming parin sila?
“Pano ba yan, Akane, ako panalo.” Pang-aalaska ni Nico kay Akane na ngayon ay nakabusangot na. Ngiting tagumpay si Nico samantalang si Aly ay pailing-iling na nakatingin sa iba.
“Tss fine!” Inis na turan nito saka nag-abot ng 500 kay Nico. Nakng! Nagpustahan pa sila.
“Where’s the others?” tanong ni Max kay Aly.
BINABASA MO ANG
Sinners(Hiatus)
Mystery / ThrillerGroup of College students that love being detective. Will they unlock the mystery or they will fall to abyss? --- "Words matter. Words make ideas. They preserve truths and history. They express freedom and they shape it. Words mold our thoughts. Th...