02

14.1K 530 31
                                    

Louise's Point of View

“Louise are you sure about this?” Tanong sa‘kin ni Mark.

Nandito kami ngayon sa Veranda ng bahay na tinutuluyan namin. Kakatulog lang din ng anak ko na si Sofie, dahil siguro sa pagod kakalaro kanina.

Mark Leonardo, siya ang tumulong sa‘kin simula ng itakwil ako ni Hunter, siya din ang tumayong ama ng anak ko na si Sofie. It's been 5 years simula ng itakwil niya ako.

Aminin ko man o sa hindi hanggang ngayon ay may natitirang sugat parin itong puso ko.

“Yeah Mark, I'm definitely sure sa plano kong pag-uwi sa pinas. Miss ko na din kasi ang atmosphere doon eh.” Saad ko sa kanya.

“What if? Malaman niya ang tungkol sa anak mo or should i say anak niyo?” Biglang tanong sa‘kin ni Mark na biglang nagpakaba sa‘kin.

“I don't care kung malaman niya pa ang tungkol sa anak ko at ‘wag mong sabihin na anak namin si Sofie dahil simula palang noong una ay itinakwil niya na kami.” Saad ko sa kanya.

“One more thing. Sino na pala ang mag-mamanage ng trabaho at business mo dito? Paano kung makita ka niya at guluhin kayo nina Sofie. ‘Wag nalang kaya kayong umuwi.” Nagsusumamong saad nito.

“Ang Secretary ko muna ang magmamanage and for the models wag kang mag-alala nakapagrecruit na ako. Atsaka bibisita lang naman ako sa Pinas, hindi naman ako magsstay doon ng matagal. Bakasyon lang ang magaganap doon. Atsaka if na guluhin niya kami, nandoon ka naman eh kaya don't worry.” Mahabang saad ko sa kanya at pumasok na, nakita ko pa itong tulala dahil sigruo sa sinabi ko. Natawa nalang ako sa inasal niya.

“You mean sasama ako?!” Masiglang sigaw niya. Takte ang ingay niya.

“Yes, start packing your things right now Mark, dahil maaga ang flight natin tomorrow.” Pabalik kong sigaw sa kanya at pumasok na sa kwarto namin ni Sofie. Ayaw kasi niyang walang katabi kaya naman imbes na ipagawang kwarto ang isang room ay pinagawa ko nalang itong walking closet ko.

Habang nakahiga ako ay iniisip ko kung anong mangyayari bukas. Halo halong mga emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil baka nga guluhin at malaman niyang anak niya ang anak ko, galit dahil makikita ko na naman siya, saya dahil makakauwi na ako kung saan ako lumaki, sakit dahil pag-nakita ko na naman siya ay baka biglang bumalik ang mga masasakit na alalang iniwan niya sa puso ko.

Nabalikwas lang ako kakaisip nang biglang gumalaw ang anak ko at lalong humigpit ang yakap nito saakin.

Kung pagmamasdan mo si sofie ay parang girl version niya ang Daddy, tanging namana niya lang sa‘kin ay ang malasampaguita kong kutis.

Matalino, magaling, at mature mag-isip si Sofie gaya ng Daddy niya. Para siyang matanda kung magsalita pero kahit na ganon ay may side parin naman siyang clingy at sweet, na namana niya sa‘kin. Sa totoo lang grade school narin siya kahit 5 years old palang, dahil ang mga kindergarten lesson ay minamani niya lang.

Alam niya ring hindi niya totoong Daddy si Mark pero tinatawag niya parin itong Daddy dahil nakasanayan narin niya tawagin itong ganun.

Minsan nakokonsensya ako sa ginawa kong pagtatago sa anak ko ngunit may parte sa loob ko na tama lang ang ginawa ko.

Hay! Bahala na! Ipapaubaya ko nalang sa tadhana ang nga mangyayari saamin.

___________

“I love you Hunter!” Saad ko at hinalikan siya sa labi.

“I love you too Sweetie!” Saad rin nito at binigyan ako ng smack sa labi.

Nandito kami ngayon sa harap ng dagat habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

“Sana ganito nalang tayo palagi Hunter. Yung walang problema at mga alalahanin.” Saad ko sa kanya habang nakaharap sa papalubog na araw.

“Sana nga Sweetie, pero kahit wag mong ihiling yan ay gagawin ko parin ang makakaya ko para mapasaya kayo ng anak natin.” Mahabang saad nito. Napangit nalang ako sa sinabi niya.

"Promise?" Tanong ko sa kanya.

“Promise Sweetie.” Saad nito at binigyan ulit ako ng halik, ngunit hindi ito katulad ng kanina dahil ang halik ngayon ay mainit at marubdob na.

Pababa narin ng pababa ang halik nito hanggang mapunta na ito sa may bandang tenga ko.

“Sweetie sundan na natin si Sofie.” Bulong nito at muli akong hinalikan sa labi.

“Papa!”

“Papaaaaaaa!”

Napatayo ako ng biglang may sumigaw! Kaya naman tinignan ko ito kung sino at nakita ko ang anak kong may nakakalokong ngiti.

“Papa! Are you done dreaming about your wedding with my true daddy po? Kasi po i think in your dream you're kissing Daddy po eh. Because while you're sleeping po you just did this po oh.” Mahabang saad nito at ngumuso pa.

Ang cute niya. Pero parang may kumirot sa puso ko ng sabihin niyang sa panaginip ko ay ang kasal namin ng Daddy niya.

Bakit naman niya alam na ganon nga ang panaginip ko?

Paano kung?

Paano kung ano ang anak ko?

Oh mhay ghad?! It can't be!

Ayokong maging witch ang anak ko! Charot...

Pero ang pagtataka ko lang kung bakit ko napanaginipan na naghahalikan kami ni Hunter.

“Shit!” Saad ko sa isip ko.

Nabalikwas lang ako sa kakaisip ng bigla na namang magsalita si Sofie.

“Papa! Good! Morning po!” Sigaw ulit niya, na ikinatuwa ko.

“Kanina pa po kita tinatawag but you're dreaming again po Papa.” Nakapout na saad nito saakin.

“Good Morning din baby. May iniisip lang si Papa nak. Sorry.” Saad ko sa kanya sabay yakap at pinaulanan ito ng maraming halik sa mukha.

“Papa tama na po! Magtoothbrush muna po kayo because you're bad breath po eh.” Natatawang saad nito at tinakpan pa nito ang ilong niya.

Grabe ang batang ‘to.

“Ahh ganon ah, mabaho pala!” Saad ko sa anak ko at tinignan ng nakakalokong ngiti. Tinanggal ko ang kamay nito at pinaamoy ko sa kanya ang hininga ko.

“Papa tama na po!” Natatawang saad nito ngunit pinagpatuloy ko lang ang pagkiliti sa kanya.

“Sige, sino ngayon ang mabaho huh?” Natatawang saad ko sa kanya.

“Si Daddy Mark po ang mabaho Papa!" Natatawang saad nito. Lokong batang 'to dinamay pa talaga si Mark.

Natigilan lang kami ng biglang may kumatok.

“Louise! Sofie! Breakfast is ready. Maaga pa tayong aalis.” Rinig naming sigaw ni Mark.

“Coming/Coming po Daddy.” Sabay na saad namin ng anak ko na ikinatawa namin.

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon