Hunter's Point of View
Nandito kami ngayon sa Hospital ng Isla, isinugod namin kasi si Louise dito kanina, bigla kasi itong hinimatay habang nagluluto sa kusina kasama si Angel.
Yes, meron akong sariling Hospital, and it's called “Royal L Hospital”, pinatayo ko ito para na rin sa mga tauhan kong nakatira dito, meron ding mga doctors, nurses and kumpleto ang mga equipments na gagamitin o kailangan dito sa Hospital.
Mga ilang minutes na rin kami dito at hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Henry na nasa loob ng Emergency Room. Yes, si Henry ang doctor na gumagamot kay Louise kasama ang iba pang mga doctors.
Nabalik ako sa ulirat ng biglang magsalita si Philip.
“Hunter! Could you please stop sa paglalakad mo ng pabalik-balik? Ako ang nahihilo sa ‘yo. Don't worry about your future wife because he'll be fine, just relax okay?” Monotonous na saad ni Philip na ikinatigil ko sa paglalakad at ikinatingin ko sa kanya.
Prenteng nakaupo ito sa mga bench dito sa loob ng Hospital.
“Paano ako magrerelax kung hanggang ngayon wala pang malay si Louise?!” Iritableng saad ko sa kanya na ikinaikot ng mga mata niya.
Tsk! You just don't know what I'm feeling right now kasi wala ka pang love of your life.
“Argh! Hintayin mo nalang kasi. Hintayin mo si Henry na lumabas. Tsk!” Inis na saad ni Jerald.
Tinignan ko naman ito nga masama na ikinatiklop niya. Kanina pa ‘tong lalaking ‘to, kanina pa siya. Kung ‘di ko lang ‘to kaibigan kanina ko pa siya na bugbog.
“He's right. Gagawin naman niya ang lahat para naligtas si Louise kung ano man ang nangyari sa kanya, kayan for tthe mean time magrelax ka muna at saka wala ka rin naman magagawa kung ganiyan ang gagawin mo Hunter.” Seryosong saad naman ni Troy.
“I know. I know okay?” Saad ko kay Troy, tinignan ko naman sa tabi niya si Angel na nakayuko at halatang kinakabahan or should I say balisa ito.
“Ano bang nangyari kanina Angel? Bakit siya nahimatay?” Nalilitong tanong ko kay Angel, hinarap naman ako nito, at laking gulat ko nalang ng makita kong namamaga ang mga mata niya, halatang galing ito sa pag-iyak, kaya pala kanina hindi siya agad sumunod kanina papunta dito.
“I-I don't know. W-We're just cooking for our dinner at the same time we're chatting about our on going life but after a few minutes he just fainted.” Nabubulol na saad nito, halata din sa tono nito ang malapit ng umiyak.
“I'm so sorry...” Sincere na saad nito kasabay nito ang paglabas ng mga masasagana nitong mga luha mula sa mata niya, niyakap naman ni Troy si Angel upang patahanin.
“Shhhh. It's okay.” Pagpapatahan nito.
“Angel look, you don't have to say sorry. Wala ka naman kasalanan, and one more thing wala naman may gusto ng nangyari.” Mahinahon at nakangiti kong saad sa kanya.
“Exactly, kaya wala kang dapat ipagalala.” Nakangiting saad naman ni Troy habang hinahagod ang likod nito.
“Tama si Troy and Hunter, Angel. Kaya you don't need to worry, ‘wag ka na rin umiyak baka biglang lumabas si Henry akala niya pa pinaiyak ka namin, grabe pa naman ‘yun kung magalit parang dragon or should I say parang babae. ” Natatawang saad ni Jerald.
Nakakuha naman ito ng masamang tingin kay Philip na ikinatiklop niya...
“T*ngina mo talaga wala ka talagang matinong masabi. Alam mo ng nagmomoment ang mga tao dito tapos ganiyan lang ang sasabihin mo? Tsk!” Sermon sa kanya ni Philip na ikinatawa namin.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 2 [Mpreg|BxB] NOT EDITED Louise Suarez is a former founder and CEO of the "The Butterfly Fashion Industry" and a model in Los Angeles. He's living with his lovely daughter Sofie and his live-in partner (but they're not in a relationshi...