Louise's Point of View
“Ahmmm... about last night, kalimutan mo na ang mga nangyari, alam kong lasing lang ako ng gabing ‘yun at hindi ko alam na mangyayari ulit ito. Kaya forget about it.” Malamig na saad ko sa kanya.
Even tho may nangyari sa‘min, ayoko paring pahabain ang sinulid ng komunikasyon namin. Gusto ko na itong putulin.
“So, naalala mo pala ang nangyari?” Tanong nito sa‘kin.
Napatawa naman ako sa tanong niya.
Seriously Hunter? Dapat pa bang itanong ‘yan?
“Malamang, sasabihin ko ba kung hindi. Atsaka sapat nag proved ang dugo at ano mo sa may higaan na nagtalik tayo kagabi.” Pambabara ko sa kanya.
Bobo na ba ang Hunter na ito? Tsk
“Kaya kalimutan mo na.” Dugtong ko pa.
“I literally not forget what happen between us last night and the last 5 years.” Matigas na saad nito.
Hinarap ko naman ito. Para kasing napitlag ang tenga ko dahil sa sinabi niya.
“W-what did you say?” Tanong ko ulit.
“I said, I literally NOT forget what happen between us last night and the last 5 years.” Pag-uulit nito at emphasize pa talaga ang NOT.
Bigla naman akong napatawa sa sinabi nito.
“Really? Akala ko ba kakalimutan mo na ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan natin, tapos ngayon sasabihin mo ‘I literally not forget what happen between us last night and the last 5 years.’” I mocked what he said.
“Yes sinabi ko ‘yun. Pero iba ang ngayon Louise. Atsaka hindi ko makakalimutan ang pakikipagtalik ko sa mahal ko noon pa.” Seryosong saad nito.
“What the h*ck Hunter? Mahal? Mahal mo ako dati pa? Sabihin mo nga sa‘kin kung anong nakain mong pagkain para masabi mo ang salitang ‘Mahal’?”
“Yes mahal na mahal kita Louise, dati pa. Simula noong pumasok sa Company ko. Atsaka wala akong nakain na kahit ano para sabihin ang mga bagay na ito. I love you Louise... I really love you.”
Tinabi ko naman ang tray ng pagkain at hinarap ito.
“Hunter, you love me? Kung mahal mo ako dati pa, bakit mo ako sinabihan ng mga masasakit na salita? Mga salitang para sa mga bakla lang! Mga salitang parang mga kutsilyo na tumutusok sa bawat parte ng katawan ko? Mga salita na habang binibigkas mo ay may halong pandidiri. Alam mo bang hindi ko rin gusto ang nangyari sa‘tin noon? Aksidente lahat ang mga nangyari. Tapos, kung makareact ka parang ikaw ang nawalan. Atsaka ikaw ang unang humalik sa‘kin noon. ” Sigaw ko sa kanya.
“Alam ko.” Pa-cool na saad nito.
T*nginang lalaking ito. Ako nagdadrama tapos siya pa-cool lang? Hanep!
“Atsaka kung mahal mo talaga ako bakit mo ako dinuraan sa mukha? ‘Di ba mahal mo ako? Bakit mo ginawa ang bagay na ‘yun? Akala ko ba mahal mo ako? Nasisikmura mo ba ang ginawa mo sa‘kin ng umagang ‘yun?” Pagtigil ko.
Hindi ko mapigilan na maiyak. Dahil naalala ko na naman ang paghihirap na dulot ng taong ito sa‘kin noon.
“A-alam mo bang ang baba ng tingin ko sa sarili ko ng ginawa mo ‘yun sa‘kin? You ruined my life and everything! Naghirap ako Hunter. Naghirap ako! Naghirapa kong kalimutan ang mga bagay na ‘yun para sa ikatitino ng buhay ko o buhay namin ng anak k...” He cut me off.
“Anak natin.” Matigas na saad nito.
________
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 2 [Mpreg|BxB] NOT EDITED Louise Suarez is a former founder and CEO of the "The Butterfly Fashion Industry" and a model in Los Angeles. He's living with his lovely daughter Sofie and his live-in partner (but they're not in a relationshi...